kontrata part deux…

…masalimuot ang pagpirma ko ng isa pang taon na one year contract (oo, redundant talaga yan, for emphasis) para sa star cinema. Bukod sa nagmatigas sila na hindi ibibigay ang mga demands ko (ako na ang demanding!), eh hindi daw “justifiable” ang mga hinihingi ko base sa performance na ipinapakita ko… ninais kong baligtarin ang mesa at basagin ang pagmumukha ng kausap ko.. pero naduwag ako sa isip ko lang nagaganap ang mga happy thoughts na yan… kaya inisa-isa ko sa kanila with conviction ang mga notable achievements ko sa pinakamamahal kong kumpanya, katulad ng..

– sa loob ng 2 taon, isang beses pa lang ako nagkaroon ng operation mistake, at super minor pa.. parang 9 years old na bata….

– noong lumindol, hindi ako nagpakabibo at nagdeclare ng independence na uuwi ako sa pinas dahil magugunaw na ang mundo.. hindi rin ako nag demand sa kanila ng extra compensation kahit nga may pamilya ako sa pinas.. paano na lang ang 5 kong panganay??…

– skill wise ay tumaas naman.. from a scale of 1 to 10, 10 being the highest, confident ako na nasa 7 ang improvement ng skills ko… kung dati’y hindi ko kayang magkandirit habang nagjujugle ng apoy na may subong isang dosenang blade habang may nakasabit na 3 kilong tawas sa buhok ko sa kili-kili, ngayon ay kaya ko na, naka blind fold na at isang kamay lang ang gamit ko habang naglalambada…

– sinabi nila dati na isa akong “asset” sa company at may potential mag lead ng mga hayop tao, pagkatapos, tataasan lang nila ng 7 kilong bigas ang sahod ko kumpara sa isang sakong bigas na hinihingi ko…

– kung pakikitungo naman sa mga hapon ang pag-uusapan, kulang na lang eh humilata ako sa lapag na puro thumbtacks at magpagulong gulong, tapos ay tatalon sa isang pool na puno ng kalamansi para lang matuwa sila sa pakikisama ko…

– never… as in never.. teka. lagyan natin ng accent.. nevah pa akong na late simula nung pumasok ako sa kumpanya.. at kahit gaano ako kapuyat at kapagod ay kitang-kita pa rin nila na engganyo ako sa pagbukaka pagtrabaho…

…ang pagkakamali ko lang ay umasa ako.. hindi pala uso dito yung “humble effect”.. yung hihintayin mong makita nila ang mga nagawa mo… kailangan pala eh bubwelo ka at isasampal mo ng bonggang-bongga sa pagmumukha nila ang mga ginagawa mo para makita nila na “ayy nanjan ka pala.. hindi kita napansin… halika, bigyan kita ng pera.. kaching!”

…umasa ako na parang manliligaw sa nililigawan niyang babae na pinangakuan na may pag-asa pero ‘wag aasa… pero umasa pa rin dahil nga ang lalambing ng mga salita na parang hinihimod ang pwet ko kaya kinikilig ako, yun pala eh puro laway lang ibabayad sa iyo…

…pumirma ako, hindi dahil napilitan ako… desisyon ko ito na pinag-isipang mabuti dahil mas priority ko ang pamilya ko kaysa sa pride kong singkunat ng kropek na hinayaang nakatiwangwang sa electric fan… mas mahal ko ang pamilya ko kesa sa pride ko.. at hindi ko naman mapapakain ang pride ko sa pamilya ko… baka batukan pa ako ng asawa ko at iwan ako para sa kanyang syotang lesbian…

…hindi ako takot na matanggal sa trabaho kung pepersonalin nila ako, pero eto yung mga katagang sinabi ko para alam nila na hindi ako masaya sa desisyon na ginawad nila sa akin… “sa loob ng isang taon na yan, maaaring magresign ako para maghanap ngΒ  makapagbibigay sa akin ng orgasm mas malaking financial reward… ayoko lang mabitin ang operations at ayokong mapahiya kayo sa kliyente.. kaya please, maghanap na kayo ng kapalit ko para magkaroon ng proper skill transfer at training..”

…sabay nagtanong yung QA, “nakikita mo pa ba ang sarili mo na mag-improve, skill wise?” skill mo mukha mo na sinagot ko na “wala na akong drive para mag level-up… pero asahan ninyong hindi ko pababayaan ang trabaho ko.. ‘wag lang kayong umasa na kapag binigyan ako ng bagong trabaho eh magpapakitang gilas ako…”

…may pahabol pa sila na “malay mo may mangyari pa sa loob ng isang taon.” na sinagot ko na may kasamang pag-iling.. “hindi na.. salamat na lang.. masyado na akong umasa sa wala, tapos, aasa uli ako sa wala…” at helooooo… malay?!?!? malay?!?!?! maski sila nga eh hindi sure na sa sinasabi nila eh…

…ang lakas lang ng loob ko ‘no.. parang hindi ako natatakot na matanggal sa trabaho anytime soon… pero hindi naman ako loser na iiyak na lang sa isang sulok dahil hindi ko nakuha ang candy na matagal ko ng inaabot sa pabitin… pwede naman akong lumipat ng ibang pabitin na hindi ko na kailangang tumalon ng mataas para makuha ko ang candy… <– may ganitong analogy….

77 thoughts on “kontrata part deux…

  1. una sa lahat… wahahahahahhaha

    Pangalawa….limang panganay? ikaw na!!!!

    Pangatlo… tama, pirma lang ng pirma, walang trabaho dito sa Pinas… jan ka na lang Potpot hahahahha!!!!

    1. una seryoso tong post na ito.. bakit ka natawa honey… hindi mo ba ramdam ang poot na pinakita ko dito? na nanlalaki ang butas ng ilong ko habang tinitipa ko ito?? hihihi

      pangalawa – limang panganay… tapos meron pang unconfirmed.. hihihi

      pangatlo – kaya nga praktisado na ako kung sakaling mag artista… pwedeng pwede na pumirma ng autograph…

      1. kung iisa isahin ko kung ba’t ako natawa, mawawala ang pagiging PG ko hahahah….

        ilan ang unconfirmed na panganay pot? pambihira!!!! bubuo ka ba ng volleyball team o kaya basketball team na puro panganay?

        Ay sya, pumirma ka ng kontrata, mabuti at meron, para may pantustos ka sa mga panganay mo at sa mga asawa, este, sa asawa mo…πŸ™‚

  2. haba ng hair parang sa pelikula lang! sa tingin ko kahit saang bansa mahirap humingi ng raise hay nako pero pks lang yan daanin mo na lang sa skyrim ang stress.

    1. *suklay ng mahabang hair* binago ko na ang routine ko… weekends na lang ang skyrim, at kapag weeknights naman, jogging ako ng isang oras.. para matagtag ang mga bilbil ko… para sa susunod na mag olympic dive ako, sure na lulusot na ako.. hindi na siya babara sa bilbil kow… hihihi…

      1. ahahahaahha!! nilagay ko muna sa kahon ang PS3, tapos nilagay kahon ng sardinas, tapos nilagyan ko ng masking tape, tapos nilagay ko sa loob ng cabinet ko na may 3 padlock, eye scanner, thumb scanner, breath analyzer, footprint marker, at DNA calibrator.. kahit magpaulit ulit pa yang tunog na yan.. hindi ako matutuksoooo…..

  3. parang kelan lang, ganyan din ang drama ko. antagal kong hindi umiimik sa mga bossing ko. nung nagsawa na ako, nagresign ako. pagtapos kong magresign, saka ako kinausap. ang resulta, hindi natuloy ang pagresign kasi pinadala na ako dito sa us. tagumpay! bwahaha!

    update na ng resume pre. haha!

  4. Lalim nung analogy a.
    Hehe pero seriously, mapapa nak ng tinapa ka nga minsan pag gorabels kana nga sa pagkayod e keber lang sila. I think tama lang nman yung ginawa mo kuya. Nasambit mo naman ng maayos; di ka nman nagwala so keribels lang.

    1. kaya nga eh.. madyo nahirapan si atashi na mag keber lang ng mga happenings.. di ko na carry.. pero di bale, searching ako ngayon.. at di ako bitter ocampo.. accepted ko na ang aking kapalaran.. tarush!

  5. may pros and cons ang desisyon na ginawa mo. tama, maghanap-hanap ka na ng lilipatan… at least, hindi pride ang ipapakain mo sa pamilya kundi, bubula mga bibig nila… at isa pa, kung mawalan ka ng trabaho, tandaan mo, tandaan mo ito ng maigi, wala pa akong ipapautang sayo. HAHAHAHA!

  6. Ang galing ng candy analogy…Tama, mahirap talagang umasa lalo na pag pera usapan. Sana ma-realize nila importance mo sa company. Minsan, kailangan lang talagang umimik. Hehe. Parang nalagay na rin ako sa ganyang situation. Nung nalaman naman ng boss ko ang side ko, biglang tinaasan ang sahod ko at binigyan pa ako ng assistant. Nagulat nga ako. Minsan talaga you just have to make reasonable demands and show them na you’re irreplaceable. Tingin ko naman after nung pinakata mong concern sa company na ayaw mong may mabitin, maiisip na nila na they can’t afford to lose someone na may pagmamahal sa company…πŸ˜‰ good luck kuya!

    1. salamat marya.. naku sana nga ay magising ang mga hapon at makit anila ang liwanag… parang meralco lang… pero hindi na ako umaasa.. mahirap kasi eh, nakita k ona kung paano sila mag function as a business… madami na ring pinoy ang umalis dahil hindi maganda ang palakad nila… kaya nga next year lipat career ako.. hihihi.. salamat uli! at may assistant ka.. ikaw na!!

  7. ganyan talaga ang buhay, you cannot please everyone. just let it be kasi everything happens for a reason. you will never baka bukas pag gising mo bilyonaryo kana. chos LOL

    at nahiya naman ako na wala kang late evah :))

    1. sana nga bukas bilyonaryo na ako.. hihihi…

      wag ka ng mahiya.. dito kasi walang concept ng traffic… kapag na late ka, kasalanan mo talaga.. walang excuses… dahil lahat on time dito…

  8. mas mahal ang pamilya kesa sa pride….<—– pinaka magandang sinabi mo sa posteng etoπŸ™‚ clap! clap! huwaran ka palaπŸ˜€

    at bilib ang sa tapang ng bigote mo este ng loob mo para ipaglaban ang alam mong tama at gusto mo.. kasi walang wala ako nun.. loser kung baga!πŸ˜›

    1. salamat kaye!! may tapang ka din no.. kung alam mo kasing hindi na makatarungan ang nangyayari sa iyo, hindi na pwede yung kibit balikat na lang… ipaglaban mo yung sa tingin mong tama para sa iyo… hindi ka loser.. mas pinili mong manahimik na lang… pero minsan, masarap basagin ang katahimikan.. hihihi…

  9. Kahit ang pinakamagagaling na atang mga pilosoper nung sinaunang panahon ay di makakagawa ng ganyang kabonggang ‘analogy’.

    At ang tanging masasabi ko lang sa aking nabasa ay,

    *hikbi*

  10. Sana, magkaroon ka ng plan B, para ng sa ganun ay di ka masyadong devastated. Ang kagandahan ng ginawa mo, nagkaroon ka ng lakas ng loob para sabihin kung ano ang iyong gusto at nais. Marami sa ating mga kababayab o mga tao na hindi maisiwalat ang kanilang gustong sabihin, kinikimkim na lang nila ito o kaya naman ay hawak sa patalim.Nuon ko pa sinasabi sa iyo na mag masterral ka kahit online man lang. Dalawa na ang anak mo, kailangan ay twice din ang pagtatrabaho mo.

  11. kaya mo yan postsquared and be the best that you can be…lalo na sa mga taong marunong magpadama sa iyo na mahalaga ka.

    Hopefully mahanap ka ng kumpanyang naghahanap talaga sa iyo. i think malapit na yun sikat ka naman na sa youtube e. hehehe

    mabuhay sa yo!

  12. agree ako dun sa ” mas mahal ko ang pamilya ko kaysa sa pride ” hugs Pot!

    Pasasaan ba at lahat ng paghihirap mo ay magkakaroon rin ng katuturan, pray , pray malay mo madaan sa pray over ang mga sakang haha.. kung di man ngayon malay mo bukas? Sana ganyan din ako katigas na marunong mag demand ako kase puro ako opo, tiis tiis tiis.. pero eka pag ako din ang nagsawa maghahanap ako ng ibang pabitin.. takte kase mga yan eh di marunong magpahalaga sa mga masisipag ahaha ..

  13. hello, Potski… super ganda nito. ikaw na ang creative, as in masining, maghayag ng lantay at wagas na galit, ahaha. di ko alam ang detalye, ang umpisa at dulo pero himig itong ikaw ang nasa lugar at sila ang wala. actually, di ko masyadong ma-imagine paano ka nakikisama dyan (bukod sa kamo’y ala nanliligaw at pumapayag na himurin, haha, lang ang ‘yong pwet), sa pagkaalam ko sa personal encounters, masyado silang maturete as in seven copies of everything tapos style pa nilang binibilang ang words ng bawat nakalathalang bagay, as in… ^^

    anyway, nakaligo ka na ba sa yelo? naka-percolate na ng husay ang galit sa iyong dibdib at bumbunan? kailangan pa ba ng ambulansya, sabihin mo… pwede rin kitang ipaghasa ng something na matalas dito tapos ipa-fed ex ko dyan, haha. di ko alam,medyo lumbay ako para sa ‘yo pero gusto ‘ata kitang dagukan ng konti sa likod saka sa harap tapos sabay hagis sa ‘yo sa pool para maituloy mo na ang iyong nabimbing Olympic practice, hihi… 50 lapses, my friend… kaway!πŸ™‚

    1. san!!! salamat kaibigan… clarify ko lang, hindi ako galit… asar lang to the nth power… hihihi… sa tingin ko naman kasi at ayon din naman sa mga kasama ko pa dito ay makatarungan naman ang hinihingi kong dagdag sahod… o kung hindi man nila ibigay sa akin yung hinihingi ko, ano ba naman yung alisan na nila ako ng renta sa bahay… company owned itong tinitirhan ko, pero sinisingil kami ng renta at utilities… willing naman akong magsettle kahit kalahati, kaya lang talagang matigas sila.. sobra.. at tama ka.. masyado silang mabusisi sa lahat ng bagay… pero yung employer namin parang lulusot kung lulusot sa mga detalyeng nakalagay sa kontrata namin…

      humupa naman na ang nagaalab na damdamin.. wala na rin kasi akong magagawa… padala mo sa akin yang kutsilyo na yan.. magagamit ko yan… hihihi… wag mo akong dagukan.. masakit.. hihihi.. wag mo rin akong ihagis.. i’m scared.. hihihi.. swim swim!!! 50 lapses!!! *spalsh* *kaway kaway* good pm san!!

      1. hala pa, pag usapang kontrata talaga, medyo sticky, kapatid… ang hirap ipaliwanag lalo na pag di ka sanay magbuhat ng sariling bangko. kasi, they ought to know na you did your best, na nag-effort ka and certainly worth more than nakaka-insulto (haha) nilang ipinantatapat sa kakayanan mo. ang hirap i-word ng sentimyento pagdating sa ganyan, somehow, gets kita. mabait ka kung naaasar ka lang, nakakagalit kasi ang ganyan, ahaha. frame of mind nila ‘yan, e. pag tingin nilang di ka makakaangal, sasagarin nila, walang compro-compromise. ‘yon ang kaasar… ^^

        heniwey, ano’ng klase ba ang gusto mo, ‘yong tipong panggawa ng tocino? oo, meron kasi kami noon pero di naman ako madalas magluto so, di gaanong nagagamit. pero, from time to time na dumaraan si tatay kabayang maghahasa, ipinapa-sharpen ko pa rin. o, paano, fed-ex or IHL ang courier? haha, bandang Tokyo ka ba or ibang city? hihi. ilanguy-langoy mo muna, Pot. pag sexy ka na, irapan mo ang mapanghusga mong employer, hakhak… kaway-kaway….πŸ˜‰

      2. hi san!! *kaway kaway*.. oo nga.. medyo mahirap din kapag tungkol sa kontrata.. mayabang na kung mayabang ako, pero alam ko naman ang ginagawa ko.. kaya lang etong employer talaga namin medyo kakaiba, kaya ganun.. ehehehehe..

        ilalagay ko na lang sa bagahe ko ang panksak.. este kutsilyo, ng magamit.. gagawin ko silang tocino.. ehehehehehe.. pasensya na late ang reply.. hindi ako nagbubukas ng internet noong weekend.. nagbonding muna kami ng TV ko at ng PS3.. hihihi.. kamusta ka san!! *kaway kaway*

      3. haha, ayos lang. sana ay sulit ang bonding nyo ng tv at ng ps3. buhay pa naman, daming concerns, as in… thanks for asking and how about you? kaway-kaway!πŸ˜‰ have a good week, Pot.

      4. ok naman ako san.. excited na ako next week… hihihi,,, hay.. nakaka stress sa trabaho.. tapos may maliit na problema.. ayaw akong bigyan ng japanese contract.. meron na akong english contract kaya lang mas may bearing yung japanese contract.. bukas email ko uli yung HR namin para dun sa japanese contract ko.. sana ibigay.. hihihi *kaway kaway* hello san!! happy week sa iyo!!

      5. hala, sana naman ibigay na nila ‘yong kopyang japanese nang di mo na kailangang ipakulam sila, hakhak, o kaya ay gamitin ang inihasa, hehe. am keeping fingers crossed for you, Pot. oo, kaka-stress nga yata, Tues pa lang, gusto ko Thurs na, ahaha. kaway-kaway!πŸ˜‰

      6. ayy pareho tayo… gusto ko thursday na ngayon para bukas friday na.. ehehehehehe.. thank you san ha.. minor detail lang naman yung sa kontrata, kaya lang kailangan yun para masabi talagang empleyado nila ako.. baka magkaroon ng problem.. yung dalawang contract ko sa kanila may english and japanese na copy.. so sana nga ibigay nila.. nag dinner ka na ba? *kaway kaway* good evening san!!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s