boy antok…

bago ko simulan ang post na ito.. ni-recommend ni PM na i-trademark ko yung *kaway kaway* ko.. baka daw kasi ma “plagiarize” ako, atleast malalagyan ko ng sumpa ang sinumang gagamit nito na may halong malisya.. hindi naman ako sadistang tao, pero yung sumpang nilagay ko ay yung magkakaroon ka ng tigyawat sa loob ng ilong.. na yung talagang lalaki siya na mahirap ipasok ang daliri.. tapos dun sa tigyawat na yun, may tumubo pa uling tigyawat… tapos tatagal siya for 2 month, 3 days, 4 hrs, 5 minutes, and 6 seconds… ewan ko na lang kung hindi ninyo maramdaman yan.. hihihi.. pero hindi naman pagkasadista yan ‘di ba? mild pa yan.. hihihi.. *kaway kaway* OH SYET!! MY TUMUBO SA LOOB NG ILONG KO!!!

o game… tuloy na sa kwento…

bukod kay godzilla, antok ang pinakamahirap na kalaban ko dito sa opisina… at kahit anong pilit kong gising para magpanggap na nagtatrabaho, kadalasan ay nananaig ang pagiging maantukin ko kesa sa pagiging bibo ko…

hindi ako mahilig sa kape, pero huwag ninyo akong husgahan, pakiramdam ko kasi eh isinusumpa na ako ng mga mahihilig uminom ng kape, umiinom naman ako kahit papaano basta nalibre ako sa starbucks o di kaya yung mga nabibiling 3-in-1 na kape sa suking tindahan sa may kanto na may nakatambay na dalawang manginginom na walang ibang pinag-usapan kundi sino ang mas gwapo sa kanila…

ok, walang kwenta yung huling sinabi ko, pero yun nga, ayokong uminom ng kape kapag inaantok ako dahil hindi tumatalab sa akin ang kape.. at ayokong bumaho (coffee breath) ang hininga ko dahil naiwan ko yung sepilyo ko sa bahay… kagabi kasi ay naglinis ako ng sapatos…

ina-apply ko ang sleeping rules ng matatanda (aga tulog, aga gising) at hindi effective, dahil kapag bumyahe ako papasok ng opisina at nakaupo ako sa tren, tiyak sa malamang na yung principle na masandal-tulog ang beauty ko… isang beses pa lang naman akong lumagpas.. ay hindi.. napaaga ng baba ng tren.. nagulat ako at hindi pa iyun yung istasyon ko.. so wala akong nagawa kundi ang pumila sa istasyong binabaan ko, eh lintik na rush hour.. ayun, nakipagpalit ako ng mukha at amoy sa katabi kong tandercats na amoy basang kumot na nakulob…

nasubukan ko na rin ang maghilamos ng mukha, pero hindi pa rin tumatalab.. at lagi na akong inaabangan ni manang na naglilinis ng urinal dahil one time ay nagamit kong pamunas ng mukha yung panlinis niya ng inodoro… malay ko ba… malambot yung basahan, parang may fabric conditioner.. pero mapanghi at mabaho…

nagawa ko na rin ang mag akyat baba sa hagdanan… mula 9th floor hanggang ground floor.. baba.. akyat… kaya lang hindi ito pabor sa magiging future career ko kung sakaling sasali ako ng ms. universe pageant.. papayat nga ako.. eh kasing laki naman ng troso yung binti ko.. hindi ako makakapag pekpek shorts at swimsuit… matatalo ako.. tapos magwawala ako sa stage.. tapos pupugutan ko ng ulo yung nanalo sa pamamagitan ng nailcutter…

bawal din kasi ang magpatugtog dito sa opisina namin dahil masyadong sensitibo ang mga sakang… magigising daw kasi yung mga tutuli nila… kahit nga daw naka headphone ay hindi rin pwede dahil hindi daw kami makakapag concentrate sa trabaho namin.. syempre, hindi ko naman pwedeng sabihin na tapos na ako sa mga trabaho ko, dahil siguradong papasakan ako ng panibagong trabaho… lugi ako,, hindi kasama sa pay rate ko ang additional work load.. hindi ako yayaman… at hindi ako bayani…

nagawa ko na ring mag stretching sa upuan ko, kaya lang 3 beses na atang may natatamaan ako sa itlog kapag may nadaan sa likod ko.. ang ipinagtataka ko lang ay iisang tao lang ang laging naiitlugan ko, samantalang ang luwag naman ng area na pwede siyang dumaan… at nung huling beses na natamaan ko ang itlog niya, hindi na siya napaaray eh.. nakatingin lang siya sa akin at kinakagat ang labi niya.. siguro nasarapan.. amfpt… sarap itlugan eh.. este sapakin…

kaya kung hindi ko na talaga kaya at super inaantok ako… pumupunta ako sa CR, ikakandado ang cubicle, pupunasan ng tissue na may alcohol ang toilet seat, sasabuyan ng angels breath ang upuan, magsasayaw ng macarena, uupo sa inodoro, at matutulog… 15-30 minutes na power nap, siguradong daig ko pa ang nakasinghot ng dinurog na stork…

kayo ba? may alam pa ba kayong style para hindi antukin sa loob ng opisina/eskwelahan? share share naman.. *kaway kaway* OMG!! ANG ILONG KO!!!

134 thoughts on “boy antok…

  1. Pot, abangan mo ang katha ukol sa pakikipaglaban ni Cup sa kanyang talukap sa susunod na Huwebes ang pagpapaskil, mga ilang linggo ko na rin nang matapos ang katha, kaso next week pa ang skedyul ng pagpapaskil. hihihi.

  2. grabe nakakatulog ka sa toilet diba talent yan? natawa ako, parang sinusumpa ka ba ng mga mahilig uminom ng kape? sobra naman yun. yung kapatid ko hindi na din tumatalab ang kape sa kaniya. subukan mo ang soft drinks na pampagising. sana tumalab. pag hindi magbaon ka na lang ng blade tapos sugatin mo yung sarili mo ng maliit baka sakaling magising ka agad.

    1. kasi yung mga kasamahan ko dito kung makareact nung sinabi kong hindi ako nagkakape, kulang na lang eh gulpihin ako at i exile kung saan man… tinigil ko na ang pag softdrinks kasi nakakataba… at gusto mo mag-ala-ibong adarna ang beauty ko dito.. papatakan ko pa ng kalamansi para mas feel… hihih

      1. Hahaha, yayain mo na lang mag-hip-hop abs yung mga officemate mo…bawal din kayo magkwentuhan?

      2. owww…kami kasi pwede naman saka may mga time din na may biglang kakanta, dudugtungan ng isa tapos isa pa hanggang matapos namin yung song…dapat lang marunong tumi-ming hehehe

      3. hehehe…halos lahat kasi kami dito sa office kumakanta pero may ilan ding mahilig lang talagang kumanta hahaha..hala ka nasa likod mo yung boss mo!!!

  3. eiwwness. grbe k nman.d mo b pdeng ilgay nlang sa kili kili? hehehe.. hmmmm.. suggestion ko, bunot k ng buhok sa ilong mo sa twuing mkramdam k ng antok.. tanggal na antok, tanggal pa ang nkaharang sa ilong mo. oha! hahaha..ayos b ang idea? hehehe

    1. sa ilong dapat para damang dama… hihihi… sige.. gagawin ko din yan.. kaya lang sa tuwing nagbubunot ako ng buhok sa ilong eh napapaluha ako or napapahatsing.. pero susubukan ko yan.. bukas.. hehehehehe

      1. pramis totoo gnw u?๐Ÿ˜›

        kung ayw pa din. manuod k ng mga porn movies lappy mo. bwaahhhhhh. ewn ko nlng kung hnd ka magising!๐Ÿ˜›

      2. hahaha. hnd n pla dpt sbhn e at tapos na! alamo na pam pawala ng antok nyong mga lalake hehehe..try mong magpatintero naman mag isa. ewn ko nlng kung antukin ka pa.. cgurdong mppgod ka habulin srli mo dhl ikw lng ang player hhahaha. ok b? ahihihi

  4. Hahaha, andami kong tawa, isa ka rin palang makaMaSa (masandal-tulog).
    Wagi ang post na ‘to! ahahaha

      1. hehehe…*apir!!! sobra din minsan ang antok ko sa office lalo na kapag nasobrahan ang kwentuhan namin ng mga room mate ko hahaha…bangag-bangagan lang

      2. wala lang, pilit nilalabanan ang antok haha at panaka-nakang nagbabasa ng blogs tulad ngayon๐Ÿ˜‰

      3. hala ka!!! hahaha, ako kasi kasama naman sa work ko ang magmonitor ng FB page namin at mag-post ng mga promo kaya pwede ako mag-browse๐Ÿ™‚

      4. well….hahaha…ganun talaga hahaha…pero may oras din na subsob ako sa paper works lalo na kapag malapit na ang pasahan ng reports๐Ÿ™‚

  5. Hahaha, sa toilet na tulog. Style hahaha. You know what is effective na pangpagising? Apple. Scientifically proven yan. Try mo minsan apple sa umaga. O kaya parag is johnny Depp sa pirates of the carribean. Drawing ka ng mulat na mata sa talukap ng eyes mo. Para kun wari gising kahit tulog.

    1. sige… try ko yang apple na yan… naisip ko na ring gawin yang maglagay ng mata sa talukap.. kaya lang halata kasi kapag natutulog ako, half open ang mata ko… obvious masyadow….

  6. Pareho tayo Master Pot! ‘Boy Antok’ rin ako sobra. Di ko rin hilig ang kape kasi maya-maya ako bumabalik sa toilet para umihi. Advice ba? Maglaro ka ng SOS. Ikaw rin ang kalaban. Pampalipas oras. Try mo. Effective yan. Nyahahaha. =P

    1. ahahahha! nilalaro namin dati yang sos nung nasa highschool kami, gamit yung graphing paper namin sa math.. ehehehehehe.. di ko pwedeng gawin dito yun.. mahahalata na wala akong ginagawa.. ang kailangan dito, magaling akong magpanggap na nagtatrabaho…

  7. uy, buti dyan, may nabibili pang angels breath, dito wala na… tapos, pangsaboy mo lang sa inidoro? ipadala mo na lang dito, Pot, miss ko na ang amoy ng cologne na yan, as in… ^^

    haha, nakonsyensya naman ako sa ayaw mo sa coffee breath, kung kailan ko pa naman kinu-konsider na itigil na ang pagkakape dahil nakakadilaw ng dati nang madilaw errr, pearly white teeth, haha. pero actually, kaaway talaga ang antok bandang 130 to 4pm, haha. at mahirap magkunwari, as in… wala pa bang nadidiskubre ang mga hapong pangtukod sa talukap? ahaha, let me know. kaway-kaway! * copyright kay potpot balbas๐Ÿ˜‰

    1. akala ko meron pa sa gift gate na ganyan… ehehehe wala na pala.. nakita ko lang ito dati sa isang tindahan kaya binili ko.. nostalgic ang amoy.. yung crush ko kasi ng high school angels breath ang gamit eh.. yiheee!!!

      sa akin lang naman applicable yang coffee breath… kasi maarte ako sa hininga ko.. ayoko kasing nakikipag usap ng mabaho hininga ko.. so kakahiya… at tama ka.. pearly white.. hihihi.. ako kasi off white kulay ng ipin… at oo nga! yan yung mga oras na kakatapos mo pa lang mananghalian.. ay juice mio… ang hirap gumising.. ang hirap labanan ang antok… at naaaaaaapakahirap magpanggap… wala pa silang naiimbentong pantungkod sa talukap.. maski sila ay napapapikit din… *kaway kaway* hihihi… ayan.. hindi ka tutubuan ng tigyawat sa loob ng ilong… hihihi

      1. ito muna ang sagutin ko… maski gift gate (store) ata, wala na ngayon, wala na akong nakikita, as in… anyway, matagal na akong walang nakikitang angels breath at nenuco. nenuco, meron pa yata sa certain stores na lang pero bihira… may ipinalit silang parang similar pero not the same. not the same, hehe… so, hwag mong aksayahin, haha.

        hindi, tama ka, may coffee breath nga yata… nakonsenya naman talaga ako e, ang sarap ng kape, haha… anyway, mahirap magpanggap, as in. very real ang issue na ini-raise mo, kapatid. btw, hwag kang pahalata, baka makasilip ng kaetchosan sa ‘yo ang employer mong kurips, hihi. ^^ hello, Pot… good evening.๐Ÿ™‚

      2. may nenuco pa sa cash and carry.. yung mga anak ko kasi yun ang gamit.. wala na talagang gift gate? sad naman… masarap naman ang kape, yun nga lang ay talagang hindi ko siya nakahiligan ever since the world began… hindi lang naman kasi ako ang nagpapanggap.. kung mahusay na ako sa larangan na yan, mas malupit ang mga hapon… at mega daming bukas na excel sheet, word docs, pero may maliit na window na puro porn.. yung isang katabi ng kasama naming pinoy, ang site na nakabukas eh mga babaeng nakabikini.. saan ka pa!! good evening san!! *kaway kaway*

  8. naalala ko ang mga basang libro moments ko sa eskwelahan. Haha natuluan ko kasi ng naglalagkit na laway habang nagdidiscuss si madaam terror. Pero ano nga ba ang panlaban sa antok?? Hmm, siguro try mo amgbaon ng bold magazine baka sakaling iakw ay magising!! dyok lang.๐Ÿ™‚ lol ;p

  9. Habang asa desk mo ikaw, kunin mo cutter niyo, hiwain mo palad mo, kahit mga 1 inch Lang, tapos patakan mo glue ung sugat mismo para magkaimpeksyon.

    O kaya pitikin mo balls mo. one, two, three times a day.

    Sana nakatulong ako sa problema mo.

    1. sige gagawin ko yan.. cutter tapos lagyan ng glue.. pasend naman ng address mo silver friend, para pag namatay ako, dadalawin kita para magpasalamat…

      pitikin ang balls… sige gagawin ko rin yan..

      maraming salamat sa iyo silver friend… isa kang bayani…

  10. Laughtrip ako dto..parang gusto ko ser gayahin un ginagawa niyo ah..pucha sa cr, tikas nun! Madaling araw din ang shift ko, ginagawa ko para hindi antukin kausapin ko un kaopisina ko na mahilig magyosi tapos malalanghap ko yun amoy ng hininga niya..wapak ! gising na gising ako magdamag๐Ÿ˜‰

    1. effective nga yan.. pero baka magka kalyo yung ilong mo at hindi ka na makaamoy kapag lagi mong ginagawa yan.. ehehehehe.. wala kasi akong kaibigang nagyoyosi dito eh, kaya wala rin akong pwedeng kulitin tungkol jan.. ehehehehe

  11. dito sa opisina namin pwede maiglip๐Ÿ˜€ kasi parating hindi pumupunta ang boss namin tapos yung mga kasamahan ko rin, trip rin nilang matulog! LOL oh diba ang productive namin hahaha

  12. ilang beses akong nahuling natutulog sa klase, nagigising ako pag nag-umpisa nang maghilik. Paggising ko, nakangisi na si Santiago! Haha
    Sa trabaho, naiidlip muna ako sa sofa. Pag walang client lang naman hehe

  13. HAHAHA. Winner ka talaga. CHAMPION PA! Hakhak. Matulog ka sa ilalim ng desk mo, kunyari dun ka nagtatrabaho. Haha. Waley! *kaway kaway* OMAYGAD! Magkakapimpol ako sa ilong sa ngalan ng potsquared sumpa.

      1. hahaha. matulog ka na lang habang kunyareng nagsusulat sa mesa mo. haha. waley pa rin. teka bago ang avatar mo kuya. naks! ang laki na ng pimpol ko, kaso sa pisngi saka sa baba leche ka kuya! di ko na gagamitin ulit yang kaway squared. hahahahaha! *omaygadd sana hindi gumana squared ginamit ko hindi ang mahiwagang *kaway*kaway mo. OMAYGADDD!! #@%@#T^WT#$!!!

      2. nasubukan ko na rin yang natutulog habang nagssulat.. walang effect.. halatang halata kasi yung cubicle namin dito ay kita kami… kamusta naman ang pimpol mo? hindi naman masamang gamitin yan.. sabi k onaman kung may masamang balak… hakhak.. ayy ano ba yan… nahawa ako sa iyo.. hindi ka naman naglagay ng sumpa no?

  14. salamat sa suggestion mo pre. subukan ko ring matulog sa banyo minsan. haha! tulad mo, lagi din akong inaantok sa sakahan. at hindi rin ako umiinom ng kape. kahit tikim, hindi. hehe!

  15. hoy, boy antok, napatagal ata ang iyong kaidlipan dyaan? haha, biyernes na nga bukas, di naman halatang excited ako e, ‘no? walang bagong post dine, naman…

    gayahin mo si batopik. ganda ng entry nyang tungkol sa wala lang, haha… oo, dati rin pala, gumawa rin ako ng post, ang title -Parang Wala Lang…

    have a good weekend ahead, Potpot. ilangoy mo ‘yan, kapatid… kaway-kaway!๐Ÿ˜‰

    1. ayan.. napepressure na naman akong gumawa ng post.. ehehehehe… hindi pa ako makabwelo gawa ng trabaho sa opisina.. it’s the time of the month kasi.. hindi ng regla ha, kundi yung tabaho… kaya medyo busy busy ang beauty ko ngayon.. nagdinner ka na ba? kain na!! hi san!! *kaway kaway*

      1. kumain na me, salamat po. ikaw rin, dinner ka na, kapatid. baka nagrereklamo na ang inner city mo dyaan, haha. i might go out of town tom, kapatid. so see ya!๐Ÿ˜‰ happy weekend (totoo na yan, ha) ๐Ÿ˜‰

      1. seryoso nga… parang sa personal, seryoso din ako.. pero nagtataka ako kahit na seryoso ako, lagi silang tumatawa.. at ano yung bipolar? nakakain ba yun? hihihi…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s