miss maganda… ‘wag po… ‘wag po…

7:35 akong umalis ng bahay para makaabot ako sa 7:48 na alis ng tren sa terminal… at dahil alam ko na ang istasyon namin ang dulo ng linya, siguradong makakaupo ako.. pero pagpasok ko pa lang sa mismong ticket gate ay sinalubong na ako ng dagsang mamamayan ng japan dahil may aksidente na naman at eksaktong sa linya namin ang problema…

medyo dinamdam ko ang nangyari pero kinakailangan kong makapasok ng maaga dahil meron akong trabaho ng 8:30… kaya nagtiyaga akong tumayo sa may gilid ng pintuan kung saan nagsisipasok ang mga tao..

anim na istasyon ang dadaanan bago ako bumaba at sa ikalawang istasyon pa lang ay mabilis na napuno ang tren dahil nga naipon ang mga pasahero dahil sa nangyaring sakuna sa tren… hindi pa naman nagpapalitan ang mga mukha namin, pero may isang manong na nasa edad 40 na may tangkad na 6 feet ang nagsusumiksik sa akin.. medyo nakakabadtrip lang dahil medyo masakit siyang manulak, pero nagpaka “firm” ako sa tayo ko para hindi ako matinag dahil hindi ako takot sa kanya.. kaunti lang…

sa ikatlong istasyon, mas lalong madami ang nagsumiksik, para na kaming sardinas, at laking gulat ko ng may humarap sa aking isang haponesa na maganda, matangkad, maputi, seksi at mabango… pasensya na pero bibihira kasi ang mabango dito sa japan.. kung hindi amoy kama, eh amoy amuong ang iba.. pero kakaiba itong si miss.. nakuha agad niya ang atensyon ko.. suplado kasi ako sa umaga.. at dahil nga siksikan, wala na siyang magawa kundi ang mapaharap sa akin at makipag titigan sa aking mga mata…

noong una ay nahihiya pa si miss.. pero nung huminto sa pang-apat na istasyon, eh nakikipag sabayan na rin siya ng titig sa akin… at dahil makapal ang mukha ko maginoo ako, nag-alay ako ng ngiting labas dimple kay miss maganda.. at hindi ako napahiya, ngumiti rin siya… jackpot!!

nung sumara ang pinto, nagulat ako ng may gumagalaw na kamay sa may bandang hita ko… hindi ako makayuko dahil sobrang siksikan pero alam kong si miss maganda ang humahawak sa hita ko dahil kada himas niya ay ngumingiti siya na parang nahihiya… please miss, ‘wag ka ng mahiya… pwede tayong maging close…

habang umaandar ang tren, ramdam na ramdam ko ang paghimas ni ate na medyo pumapaitaas.. at dahil hindi naman ako eskandalosong tao, hinayaan ko lang na “gamitin” ako ni miss maganda para hindi naman nakakahiya sa aming dalawa.. medyo naaaliw din naman ako kahit papaano…

papalapit na ang panglimang istasyon at pumwesto na siyang bababa.. nagbigay siya ng maliit na yuko, senyales na nagpapaalam… ngumiti lang ako at bumulong ng i love you ingat.. ang ganda talaga ni miss.. at hindi pa rin niya tinatanggal ang kamay niya sa hita ko… nakakakilig…

bumukas ang pintuan at lumabas ang karamihan sa mga pasahero.. kasama dito si miss maganda.. at habang tinatanaw ko siya papalayo ng tren, nagpapantasya pa rin ako na sana ay sinabayan ko na siya sa pagbaba… pero parang nakakapagtakang may nakahawak pa rin sa hita ko…

napatingin ako kay manong kanina.. nakatingin siya sa akin at dinilaan ang kanyang mga labi… saktong pasara ang pinto ay bumaba ako.. takot na takot at pinagpapawisan.. kitang kita ko sa pintuan ang pagsenyas ni manong na magkita kami uli bukas… ‘dun ko napagdesisyunan na mag-iba ng route papasok ng opisina simula bukas…

at dahil napaaga ako ng baba sa tren… hinintay ko pa uli yung kasunod na tren para makasakay… ang moral lesson ng istorya na ito? kapag may nagsusumiksik na matandang ginoo, agad na lumipat ng puwesto… lalo na kapag hindi ka sigurado kung manghihipo nga ba ito… *bow*

 

 

 

116 thoughts on “miss maganda… ‘wag po… ‘wag po…

      1. Haha. Wala lang. natatawa lang ako. Each time na may haponesang involved sa post mo, laging “pagkakamali” lang. Like yung panaginip mo before.hehehehe

      1. naku juice mio… eh mukhang aabangan ako bukas sa pwesto ko.. kaya nga ayoko ng lumugar doon… katakot… saka kung si miss maganda, willing naman akong magpahawak ng hita eh… hita lang ha.. conservative ako eh…

  1. charot, paano kung gusto ni miss maganda na in between the hita? magpapa-conservative ka pa ba? hahaha dapat kang mag-alala kung sa opisina mo nakaabang si manong manghihipo. hala ka!

    1. ahh.. oo nga ano… ugghh.. napakarupok ko… sige.. ibabasura ko na ang morals ko kung ganun.. hihihi

      naku.. hindi naman alam ni manong ang opisina ko.. kasi nga bumaba ako sa pang limang istasyon.. saka may transfer train pa ako kaya sa malamang hindi niya malalaman.. wag lang niya ako mahanap bukas dahil siguradong patay ako.. scary…

  2. kung creative writing mo ito, pasadong-pasado sa akin. hahaha nadale mo ako. pero dahil totoo, eh mokong pala yang si manong e. patumba na yan. joke!

    ingat na lang, mahirap talaga ang buhay para sa mga taong may itsura. yoyoyoyo!

      1. hala, you missed your target, pambihira… oh, the next train ride will present more exciting adventures, i guess, haha… btw, i have a feeling, a wild notion baga na fictional ang kwento sa taas. say?πŸ˜‰ pero maganda, nadala kami… hoy, Pot, magaling ka na? naknampating, tinatalaban ka ng sakit? naman… hullow!πŸ˜‰

      2. oo nga.. missed it by that much *making sensyas ng 1 inch*.. at oo, tama ang feeling mo na may pagka fiction ang kwento ko.. actually half/half siya… pero syempre, hindi ko sasabihin na ang totoong half eh yung matandang bading… hihihi

        salamat san! oo medyo magaling na.. actually nasa opisina pa ako ngayon.. hanggang 10 pm kami dahil may trabaho pa kami… ehehehehe kaya eto habang break eh sinasagad ang pag sagot sa mga chika moments tulad nito.. hihihi.. dinner ka na ba? hello san!! *kaway kaway*

      3. hihi… basta, i wish you well sa next encounter, hahaha. ^^

        o, sya, tulog ka ng mahimbing, kapatid. ang sipag… siguro, sa private schools lahat ng anak mo, ahaha. nagba-blog sa break. medyo mahirap yan pero kaya naman. ako, usually lumalabas pag break, gusto ko lagi ng outdoors. medyo late nag-dinner tonight, teynks. anyway, highway, have a good day tom, Pot.πŸ˜‰

      4. thank you san!! *kaway kaway*

        nakatulog naman ako ng mahibing, hihihi.. yung panganay ko sa private school.. at yung bunso ko next year pa papasok, pero sa private school ko din ieenroll.. sayang naman ang pinaghihirapan ko dito, kaya kung ano ang sa tingin kong “best” sa kanila, ay ibibigay ko…

        minsan kahit hindi break, blog pa rin.. ehehehehe

        buti ka nga at nakakalabas, medyo galit ako sa araw eh.. madali kasi akong pagpawisan at mag amoy araw kaya hindi ako gaanong nagpapakaaraw.. <– marrte lang ako…

        hello san!! *kaway kaway*

      5. welcome, Pot… slept like a baby lang? hihi… maigi yan, kapatid…

        hala, ikaw na ang butihing parent, wala akong masabi… may your tribe increase, ahehe.

        ayon, dinadaan na lang pala sa blog. sabagay, cheapo na kind of bisyo ang blogging, hihi… ^^

        hala, sheltered kid ka pala talaga. ako ay sadyang mahilig sa araw at sa outdoor. at kahit sa mga meeting-meeting ganyan, ginagawan ko ng paraang makalabas every 45 minutes. medyo nasu-suffocate ako pag continuous na nasa loob ng isang kwarto lang. at sus, ayaw mo talaga ng amoy-araw? haha, feeling ko, noong schooling ka pa, panay ang pulbos sa likod mo ng iyong nanay, hehe. maarte nga, makinis, as in… ^^

        hello, Pot. have the rest of the day easy… kaway-kaway.πŸ˜‰

      6. pasensya na at super late ng reply ko. bakasyon grande ang beauty ko.. ehehehehe…

        talagang tribe eh no… sana dumami pa ang lahi kong unggoy.. ehehehehe

        uu mura ang blogging.. walang bayad… maaaliw ka pa…

        mahilig ako sa outdoor nung bata ako.. nung tumanda lang talaga nag-iba ang hilig ko.. mas gugustuhin ko na lang talagang sa loob ng bahay dahil nga komportable… at madali kasi akong mag amoy araw.. mataba kasi ako… at tama ka, pinupulbuhan ako ng nanay ko noong bata ako.. kaya mukha akong espasol.. ehehehehe

        hi san!! *kaway-kaway*

      7. haha, nai-imagine ko ‘yong batang mataba na habol ng nanay para pulbuhan. e, di ikaw na ang makinis at takot maarawan – you na…πŸ˜‰

        ei, Pot, puro palayan ang katabi ng bahay namin noon. talagang direct exposure sa sunlight, lalo pa pag panahon ng taniman at anihan, as in…ilang taon ata bago naalis ang mga kaliskis ng negra kong balat, nyehehe.nag-improve by one degree siguro afte r10 years na makaalis sa baryo… kaway sa beauty mo.πŸ˜‰

      8. hindi ako mataba noon.. payatot ako.. as in lampayatot… makapag post nga ng pic ko payatot ako.. tumaba lang ako nuung nag college ako…

        at least may 1 degree ng lighter shade.. ngayon ba ay singputi mo na si lucy torres? hihihi… pero kung nakatira ako sa nayon, mag eenjoy ako.. mahilig ako dati sa outdoors eh… at talaga kinawayan ang beauty.. hihihi *kaway kaway*

  3. di ko alam pero pumasok agad sa isip ko ang punch line kahit simula pa lang ako. medyo lapitin ka talaga ng mga poging maganda no? naalala ko kasi yung dati mong post tungkol sa nakikipagpractice ng english.πŸ˜†

      1. Ahhh…ehhh…Ang sabi nga ng kanta ni Kathy Mattea: “You can’t choose who you love. Love chooses you.” Wag na daw choosy…hehe..joke langπŸ™‚

  4. totoo talaga yung siksikan sa tren sa japan? yung tipong yung guards mismo nagsusumiksik ng pasahero sa loob ng tren?

    at napapa-“oh.” ako habang bumababa ang aking mga mata at unti-unting nang matatapos ang salaysay mo.. tapos bigla akong napa-“oh. oh, CMON!”

    lagi na lang pot! kelan ka jajack—pot? =))

    pero alalahanin mo, yung lima mo pang panganay, nawa’y sana’y wag nang dagdagan.. HAHAHAHA!!!

    1. totoo siya talaga.. yung tinutulak pa papaloob… as in, kulang na lang ay magpalitan kayo ng mukha sa loob ng tren… akala ko nga dati joke joke lang, ayy putek, true to life pala…

      muntik na rin akong mapa -oh… buti na lang at hindi… pero sana nga one of this days ay makajack-POT nga ako.. *nananalangin*

      naisip ko tuloy ang mga panganay ko.. parang nadagdagan ata ng 3.. hindi ako sure…

      1. minsan natatawa ako pag pinagtatambal ang pasensyosa sa iritable.. parang ang oxymoronic minsan ng personality ko. :)) —nakakabobo?πŸ˜†

      2. mali ako ng replyπŸ˜†

        hindi naman “oh.” yung sayo… muntik ka ng mapa-“oooohhh” HAHAHAHAHA! yung totoo!

  5. una. dapat kc titignan mo cno nanghihipo sau.
    second. ang swerte mo lng na nilalang at lagi kng nalalapitan ng mgnda, sexy, maputi at mabango.( kya d nko mgtataka kung masalubong moko one time) shetness! ang liar ko! ahaha.
    third. ang totoo, inaantay ko ang salitang *panaginip* sa huling parte ng posteπŸ˜€

    1. sinilip ko naman kaya lang sobrang siksikan at nakaharang pa yung bag ko kaya hindi ko napansin…

      hanggang lapit lang… tapos na.. wala ng kasunod.. sadness… ang tagal naman kitang makasalubong kaye.. ehehehehehe

      walang panaginip dito… isa itong “BANGUNGOT”

  6. hahahaha,,,parang mga bading lang yan dito sa mrt sa pinas..dami rin ganyan..pero pucha jackpot ka dun sa haponesa na gurl..parang un mga napapanood ko sa japanese site tpos alam na ang kasunod…waaaaaaaaaaaaaaaahh….yun lang kay manong pala un kamay…hahahah..laftrip dito ako pot..;-)

    1. salamay myr.. naku magaganda ang mga haponesa dito.. as in parang artista sa atin… yung ipin lang ang medyo sablay, pero cute pa rin… at yung kamay ni manong.. juice mio! akala ko talag dun sa babae.. nasira ang pantasya ko… huhuhu.. at naka encounter na rin ako niyan sa mrt/lrt.. may kwento rin ako diyan pero nakalimutan ko na kung ano title ng post ko na yun…

      1. sana nabasa ko un post na un..anyway jackpot nga na kung un haponesang girl…agree super ganda talaga nga mga japanese,sobrang kikinis..panalo sila sa pantasya ko kapag nakakapanood din ng mga jap porn…hehehhe…malay mo sa susunod na sakay mo eh un totoong babaeng haponsea…goodluckπŸ˜‰

  7. Grabe talaga ang swerte mo! Buti isa lang, kung madami sila, buti di ka pinagtulungan hehehe kung nagkataon…. ( itsura mo pagbaba ng train Potpot^_^ baka luray-luray oi va voi!)
    Sa susunod try mo kaya pumagitna at sumiksik sa mga haponesa, kaliwa, kanan, harap, likod, tagiliran dapat totoong haponesa ang katabi ha? =)
    *ingat ng husto lalo na at HABULIN KA. Hihi

      1. matanda na… gray ang buhok, walang bigote.. yung buhok niya makapal pa pero medyo straight.. ayy ano ba yan.. naalala ko na naman siya.. huhuhu..

      2. yun na nga eh.. huhuhu.. pinipilit ko siyang tanggalin sa isip ko pero ayaw talaga.. kasi nga lagi akong nakabantay sa tren baka makasakay ko siya dahil nga same yung sinasakyan naming tren.. huhuhu..

    1. wag kang lumuhod lester.. ikaw talaga.. masakit sa tuhod yan.. ehehehhee.. salamat ng marami!! pinapalakas mo loob ko na i pursue ang isa sa mga pangarap ko.. salamat talaga!!

  8. Hahahaha! Akala ko ang ending ay ninakawan ka ni miss maganda, ayun pala ay si manong ang naka-iskor sayo. hahaha! minsan lang yan kuya pot at least naexperience mo din si manong. hahahaha. ew.

  9. it’s kinda difficult to read tagalog hahaha.πŸ˜€ just because I’m cebuano ha. but this made me laugh. haahha. kala ko san na papunta.πŸ˜‰

    1. thanks aboynomore! i tried writing in english but my grasp for the language was too off.. not my style.. sorry if it’s difficult for you.. ehehehehe.. have a great day!

      1. hahahaha. no worries. i’ll do my best naman. it’s just tagalog is difficult for cebuanos. haha.πŸ˜‰ you too!

  10. ang dami talagang nangyayari kapag nasa loob ng pampublikong sasakyan.. mas enjoyable, mas adventuuuuure!
    wahahah
    hello po..newbie here in wordpress ^_^

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s