pangingisda…

*uyyy may draft pala ako na hindi pa napapaskil.. eto muna bago ako gumawa ng iba… at salamat nga pala sa mga nagbigay ng award.. gagawa po ako.. pramis.. magkatulo man si batman… salamat uli!!!

sa mga regular na nagbabasa ng aking pahina (tulad ng nanay ko) eh marahil napansin ninyo na makapal ang pagmumukha ko kapag nakukwento ko ang sarili ko na may kaunting exageration.. sa totoo lang, ngayon na lang ako nagpapaka exag dahil noong bata ako, eh pinagkaila sa akin ng tadhana ang kagwapuhan… kaya nga sapilitan ang pagpapahayag ko na ako ay gwapo, at kahit alam kong nasusuka nagsasawa na kayo sa mga pinagsasabi ko, ay nasisikmura pa rin ninyong magbasa…

hayaan ninyong ipakita ko sa inyo ang evolution ko… pero bago ang lahat, silipin muna ninyo ito, eto po ay mga piling mugshots ko.. pinagsama-sama upang kayo ay mamangha kung paano nabuo ang pagmumukha ko…

mula ng inire ako ng ng nanay ko papalabas dito sa mundo, siya lang ang bukod tanging nagsasabi na gwapo ako.. dahil siguro naniniwala siya sa love your own na kasabihan at wala rin naman siyang magagawa dahil ilang bahay ampunan na ang tinaggihan ako dahil hindi sila tumatanggap ng matsing…

hanggang sa paglaki ko, nanay ko lang ang naririnig kong nagsasabi ng kasinungalingan katotohanan tungkol sa hitsura ko.. kaya nga kapag may ibang nagsasabi, hindi ako sanay.. hindi ako marunong tumanggap ng compliment… kaya nasanay na lang ako na kapag sinabihan ako ng gwapo ng kahit sino.. either may hihiramin sila, uutang o tinatarantado lang ako…

sa katunayan, kapag nakikita ko ang sarili ko sa larawan at medyo natuwa ako, kahit ilang beses kong gawin ang pose na yun ay hindi ko na maulit.. napaka unique ng pagmumukha ko pagdating sa picture.. kaya nga kahit anong ensayo ang gawin ko sa salamin, nababasag at nababasag ito…

kaya nga sa ngayon, eh hindi na ako nagpapaka effort na umanggulo pa o pumorma pag nagkodakan na, dahil iisa lang naman ang kalalabasan nito… wacky… kahit seryoso ako o di kaya ay nakangiti, wacky na ang tingin ng karamihan…

kaya pagbigyan na sana ninyo ako kung madalas minsan ay nag “fifish” ako ng compliment, dahil intindihin ninyo ang kalagayan ng taong salat sa kagwapuhan… at kung hindi naman kayo convinced na nagsasabi ako ng totoo sa aking alindog pag-uugali, eh minarapat kong ipaskil dito ang mga piling larawan na tiyak ay mapapa “putangina ang kapal ng mukha” “wow” kayo kapag nakita ninyo….

NSFW ang karamihan sa mga larawan kaya patnubay ng magulang ang kailangan para sa mga batang nasa edad 15 pababa…

at bilang pagtatapos, nagpapasalamat po ako sa mga walang sawang bumabalik-balik sa blog ko upang basahin ang mga nakakahiya nakakasuka nakakainis nakatutuwang kwento ko… isa lang po ang hinihiling ko na sana ay hindi kayo magsawa at nawa’y patnubayan kayo ng saltik sa ulo para i-click muli ang aking pahina.. muli maraming salamat… maaari po ninyo akong ma-contact sa pamamagitan ng sms.. just txt POTPOT ON and send to 2366… local rates apply (60% of the collected funds will be donated to the Potpot foundation, na ang primary mission ay tulungan bigyan ng pagkain si potpot)…

94 thoughts on “pangingisda…

    1. role ko kasi diyan sa play na yan ay si adam.. syempre hindi pwedeng nakabahag, catholic school eh.. so tuwalya na lang.. in fairness jan sa play na yan, dumami ang mga fans kong elementary students…

      1. naku.. baligtad naman.. ang nanay ko mahilig mag picture picture.. adik ata yung nanay ko sa negative ng kodak… sayang naman.. eh di bumawi ka na lang ngayon.. magpaka camwhore ka na…

      2. Kung kelan naman hindi na ako sing-kyut tulad nung bata pa ako. Syempre iba pa din yung mukhang inosenteng itsura ng bagets. Ngayon, syempre medyo napagtripan na ng hormones.πŸ˜€

      3. pwede namang magpacute no… ok lang yang hormones.. hindi maiiwasan yan.. go with the flow.. <– akala mo naman kung sino para magbigay ng payong ganito.. amfpt…

  1. wala ko masabi.wala yata akong kapal ng mukha na ipost ang mga pics ko lalo na ung nakataas ang kilikili baka wala ng dumalaw sa blog ko hahahaha!!

    p.s
    gwapo ka nman tlg. kinis p oh. kitang kita sa kilikili! lol

    1. thanks kaye.. oh di ba.. kili-kili pa lang, panalo na… hihihi… natatakot nga ako at baka magsialisan ang mga nagbabasa dito… hihihi.. pero salamat ah.. hihihi…

  2. Sa lahat ng pic mo ser nahumaling at tumigil ang mundo ko ng nakita ko yun kili-kili. Speechless.

    Kaya gagayahin ko na ang ermats mo, ikaw ang pinakagwapong…

    kili-kiling nakita ko sa buong buhay ko. Peace pards!πŸ˜„

  3. Ang kili-kili at bangs pot ang babalik balikbalikan sa post na to! . Ang lakas ng dating! Hihi
    With matching “braces” sa teeth ^_^.
    * kinumpleto ng post mo ang araw ni froggy hahahha ( salamat sa post mong nagpagalaw sa mga muscles sa mukha ko.. Muntik pang magka-lockjaw hehhe)

      1. uso ang mga kakaibang saltik ngayon.. ehehehehehe.. magandang…hmmm… hapon sa iyo jan kokay.. ehehehehe… napaisip pa ako kung anong oras na jan… *tingin sa google*

    1. apir tayong mga gwapo sabi ng nanay!! woohoo!!! naniniwala rin ako na gwapo ka kahit di ko pa nakikita mukha mo.. ipaskil mo ba naman mukha ni rowan atkinson eh… woohoo!!

      1. Serious type na may halong kalokohan ako kaya nasasalamin ko ang sarili ko kay Mr. Atkinson. I-assume mo nalang na gwapo talaga ako kahit di mo pa ako nakikita. Nyahaha! Mabuhay ang mga Gwapo! Mabuhay!!

      2. bakit pa ako mag-aassume eh ang alam ko gwapo ka.. yiheee!! pa kiss nga vincent, yung walang malisya.. pero may kaunting laway… hihihi… mabuhay ang mga gwapo!

      3. Mabuhay! Ok na sana yung walang malisya eh. Nasamahan pa ng laway. Booom! Dibale kaunti lang naman. Hahaha.

  4. mabuti na rin talaga tanggap ko na may saltik din ako at least may isa akong taong napapagtyagaan este napapasaya. kuya potpot hindi ka naman pangit e… pero hindi ka rin… hahaha! joke! alam mo ang asset ngayon ay hindi na ganda, yaman o talino… lakas na ng loob. taob ang iba dyan. pero honestly para sa akin guapo ka at ako ay may pagka sinungaling. hohoho!

    mabuhay sa pangit na mas guapo at magaganda (isa na ako doon) sa kanilang lahat

    1. salamat hoshi!!! alam kong nagsisisnungaling ka nung sinabi mong sinungaling ka dahil kung sinungaling ka nga, eh di nagsinungaling ka nung sinabi mong sinungaling ka… woohooo!!! salamat talaga… mabuhay!!! apir tayo!! apir!! eheheheheh *lundag sa kaligayahan*

  5. Pot,,, nakabingwit ka na, kapatid. ibig sabihin, may isang nilalang nang narahuyo sa iyong kagwapuhan, naman… dagdag na lang ang second the motion namin, hakhak. manalig ka, kapatid. in these times, iyan ang importante, hahaha. ^^

    kaway-kaway!πŸ˜‰

    1. ahahahahah!! bingwit ba ang tawag dun or biktima? ehehehehe… nakow.. ang asawa ko hindi masikmurang sabihan akong “gwapo” baka daw lumaki ulo ko.. kaya nga hindi ko siya maaasahan kapag papogian na ang labanan… gwapo daw sa kanya ang makanto ang mukha.. eh yung mukha ko kasi puro liko.. ehehehehe.. hello san!! *kaway kaway*

  6. wow ulam!
    hahaha
    nakaka-aliw ang post na’to, naalala ko tuloy agad si mudra, na number 1 fan ng aking kagandahan (”,? , kahit against pa ang world! wahahaha

    go kili kili power!

    1. o di ba.. ang mga nanay talaga ang unang-unang taong nagsinungaling.. este nagmahal sa atin… go kili-kili power!!

    1. puro gums talaga ako dati… kaya galit na galit ang nanay ko dahil kain ako ng kain ng chocolates at candy.. kaya ang resulta.. BOOM!

    1. ika nga nila.. “love your own”.. aba.. kung ang ibang tao eh hindi tayo sinasabihan ng gwapo, tayo na lang ang magsabi sa sarili natin.. ehehehehe.. humanda nga lang tayong mamura ng karamihan.. ehehehehehe

  7. uy, Pot, mag-post ka na kaya, say?πŸ™‚ mustamos… hey, maganda kaya ang body mo no’ng teenager ka, hihi…. yang pag-o-opisina ang sumira ng shape mo, Pot, haha. actually, nasimulan mo nong pa-morningan beer sessions, way back in college, feeling ko lang. ^^

    rainy season na rine. kaway-kaway, warm regards…πŸ™‚

    1. hi san!! *kaway-kaway* pasensya na kung di pa ako makapag post ngayon.. dami ko kasing inaasikaso, naghahanap kasi ako ng bagong malilipatang trabaho at bahay.. matatapos na kasi ang kontrata ko at hindi na ako irerenew ng kumpanya namin.. nakahanap na kasi sila ng bagong mascot.. ehehehehe..

      para sa katanungan mo nung kabataan ko, hindi ako maskulado nung kabataan ko, tamang pwede na.. hayaan mo magpopost ako ng picture ko nung highschool ko na medyo topless para makita mo kung ilang buto ang nakalitaw sa akin… at nagsimula akong uminom nung graduate na ako ng college.. late bloomer ako sa maraming bagay…. ehehehehe pero kwento ko yan next time…

      ikaw ba kamusta na? wag mo pabayaan sarili mo ha… ingat ka palagi!!

      1. hello, Pot. ay, sya, busy nga pala ang kagwapuhan mo, patatawarin. may term sila ryan – transition? ahaha, buhay nga naman… ^^

        anyway, both sad and glad for you. baka sakali, iyan din ang chance mo to venture further, somewhere uncertain yet different. nakakakaba, hano? anyway, i wish you fortitude, patience and your humor, hwag mong iiwan sa bahay, ahaha.πŸ˜‰

        di ko sure kung dapat akong mag-look forward sa high school pics mo – ba’t dinescribe mo agad ang parilya? kainaman ka…πŸ™‚

        ay eto, unsure pa rin kung magde-decide nga bang mag-abroad. ang tagal na ng indecision ko, nakaka-irita na, hahaha. ba’t mo nasabing hwag kong pabayaan sarili? alam mong litro litro lang ng kape ang laman? ahaha. btw, naaalala ko nang uminom ng tubig pag minsan, Pot.

        ingat ka and be well. kwentuhan mo ako pag may time ka. regards…πŸ™‚

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s