barberya…

simula nung magka-isip ako hanggang magbinata, lagi akong sinasamahan ng aking lolo magpagupit sa barberyang malapit sa aming lugar… pero napapansin ko na iisa lang ang istilo ng pag-gupit ni mang turing (pangalan ng barbero).. kaya nung hindi na ako takot tumawid sa edad na 13, napagpasiyahan ko na ako na lang mag-isa ang lalakad para magpagupit…

bago makarating sa barberya ni mang turing, may isang parlor na madadaanan na nagngangalang “jenny’s salon” na noong una ay hindi ko pinapansin sa kadahilanang:

1. Takot ako sa bakla Mahiyain ako.
2. Takot ako sa bakla Hindi ko kilala ang manggugupit.
3. Takot ako sa bakla Wala akong kasama.
4. Takot ako sa bakla Kulang ang dala kong pera.

at dahil sawa na ako sa bunot look or shaggy-lid lang ang tabas, nagpasya akong subukan ang parlor ni mang jenny… humingi ako ng dagdag 10 piso sa nanay ko para siguradong hindi magkukulang ang pagpapagupit.. 15 pesos lang ang pagupit kina mang turing at naniguro muna ako para hindi ako mapahiya..

pagpasok ko pa lang ay nagtanong na agad ako kung magkano ang pagupit, na sinagot naman ng 20 pesos ng isang baklang naggugupit doon… umupo ako sa malambot na sofa at gumala na ang aking mga mata… lahat ng nakikita ko ay bago, dahil kulay pink ang paligid at mas maraming customer… na kung ihahambing ko sa barberya ni mang turing eh napaka dark at malumot, parang batcave lang ni batman…

sa may bandang kusina ay meron pang isang kwarto na kung saan ay labas-pasok ang may-ari ng parlor na si mang jenny… manggugupit din siya, pero pili lang ang nakakapasok sa maliit na kwarto na natatakpan ng pulang kurtina… pero napuna ko na ang mga pumapasok na mga binatilyo na mukhang palaboy, paglabas nila mula sa mahiwagang kwarto na may harang na pulang kurtina ay parang nagiging miyembro ng that’s entertainment ang tv star magic sa linis at ganda ng gupit.. sa malamang ay may mga gadget o di kaya’y aparato na ginagamit si mang jenny para sa mga buhok ng mga binatilyong nakikita kong labas-pasok doon…

nagulat din ako dahil 2 bakla at isang babae ang nag-aasikaso sa may harap, at nataon na yung babae ang tumawag sa akin para gupitan.. at dito nagsimula ang aking fetish na magpagupit kina mang jenny… umayos at nagkaroon ng “style” ang buhok ko, at kung dating superwheel or ajax lang ang gamit kong sabon sa buhok, natutunan kong gumamit ng shampoo at conditioner dahil sa suhestiyon ng babaeng manggugupit… natuto rin akong gumamit ng suklay na dati-rati ay daliri ko lang sabay tapat sa bentilador naming naka fix sa number 3 ang speed dahil nasira ang pindutan… kaya pala pinasma ang mukha ko…

mahigit isang taon din ang lumipas, alas 8 ng umaga, sabado, ninais kong magpagupit kina mang jenny dahil may dadaluhan akong party ng kaibigan… sarado pa ang kanyang parlor, sumilip ako at nakita ko lang si mang jenny at isang customer na babae… nakita niya akong dumudungaw-dungaw kaya agad siyang lumapit sa pinto at pinagbuksan ako…

first time kong makita si mang jenny ng malapitan.. matangkad pala siya at medyo may kaunting muscle dahil naka spaghetti strap siya.. pina-upo niya ako at sinabing tatapusin lang niya yung babaeng customer at ako na ang isusunod niya… medyo mainit sa parlor niya dahil hindi pa nakabukas yung aircon, pero napuna niya ito kaya agad-agad na binuksan ni mang jenny ang pampalamig ng hangin…

nag-uusap ang dalawa, pero hindi ko gaanong marinig, ang narinig ko na lang ay “ang swerte mo bakla, ang aga-aga ay may almusal ka na agad”.. na sabay tingin naman sa akin ni mang jenny at ngumiti… naisip ko na baka may magdedelivery ng kanyang almusal dahil busy lagi si mang jenny, at medyo napangiti rin ako dahil pakiramdam ko ay makakatikim din ako ng almusal na sinasabi ng babaeng customer…

natapos ang pagpapagupit nung babae at ako naman ang sinunod ni mang jenny.. noong una ay minomolestiya niya ang buhok ko dahil daw may potensyal itong tumubong maayos at makapal.. pero kailangan daw na doon kami sa may isang kwarto na natatakpan ng pulang kurtina.. nagpalusot na lang ako na “ok na po yang buhok ko, pakilagyan lang po ng kaunting style, dadalo po ako ng isang party” na agad namang pinaunlakan ni mang jenny… natapos ang gupitan at namangha ako sa husay niyang manggupit.. at nung akmang magbabayad na ako ay tumanggi siya sa isang kundisyon, ipapakita daw niya sa akin ang sikreto ng mga binatilyong pumasok sa kwartong natatakpan ng pulang kurtina..

at dahil uto-uto curious ako, pumasok ako sa kwartong iyon.. na agad naman akong nalungkot dahil simpleng banyo lang ito.. narinig ko sa labas ng kwarto na sumigaw si mang jenny na “umihi ka muna jan”.. ewan ko ba ate charo, pero ako namang si tanga masunurin ay binaba ang zipper ng maong shorts ko at umihi naman sa may inodoro… at habang ginagawa ko ang iniutos sa akin, nagulat na lang ako ng bigla siyang pumasok sa kwartong natatakpan ng pulang kurtina at dali-daling dinakma ang aking pagkalalake..

agad-agad kong inalis ang pagkakahawak niya at itinulak siya papalayo habang isinasara ko ang zipper ko… “sandali lang ito, wag kang matakot” makaawa niya sa akin na listo naman akong tumakbo papalabas sa kwarto na yun, pero sa kasamaang palad, nai-lock niya ang kanyang parlor at hindi ako makalabas… sinundan niya ako sa may pintuan at hinihila niya ako papasok sa pintuang natatakpan ng pulang kurtina… dito na ako nagtititili na parang kinakatay na baboy nagpupumiglas at umamba at dahil sa takot ni mang jenny na maiskandalo, agad-agad niyang tinanggal ang pagkakakandado sa pintuan, at ako ay nakaligtas sa tiyak na kapahamakan…

ang moral ng aking kwento ay.. “kung muntik ka ng magahasa ng baklang bakulaw, ‘wag mo ng tangkain pang magpagupit muli doon, dahil kahit gaano katagal ang paglipas ng panahon, makikilala at makikilala ka pa rin”

marahil ay nagtatanong kayo kung nagpagupit uli ako sa parlor ni mang jenny… sabihin na lang natin na hindi na bumalik ang ganda ng buhok ko… salamat kay mang turing…

83 thoughts on “barberya…

  1. Nakaka aliw ang iyon paraan ng pag kwento pero nakakabahala ang nilalaman. I had a young assistant at my former office who was taken advantage by an old movie producer. He also turned gay eventually. I felt so sorry for him especially after seeing how he became a different cold and cynical person. Naikwento Nya Lang sa akin after so many years it happened. He didn’t tell anybody at that time.😦

    1. nakakalungkot.. kapag nasa sitwasyon ka kasi na hindi ka pumalag, kawawa ka.. tapos magbabago na yung taong napagsamantalahan ng kahit sino.. hindi lang physically, pwedeng emotionally, financially, at kung ano pang lly…

      1. may 2 kakilala rin ako na same na story sa kuwentuhan nyo. naging bakla after mamolestya. masaklap yung mga ganyang part at ganyang klase ng bading. pero may mga bex na okay sa alinmang aspeto.

      1. kaya masaklap pa rin ako… huhuhu.. ikaw hipo lang, pwedeng aksidente.. siya DAKMA.. as in DAKOTA, HARRISON PLAZA… huhuhu…

  2. Bata ka pala sa kwento mo eh lapitin ka na… Malakas ang dating sa “kanila”😉

    Grabe naman! Sa dami ng ng may guhit na takot… Natakot tuloy ako. Napatalon at gusto na rin sanang kumaripas ng takbo.. Kahingal basahin itong KWENTO MONG BARBERO🙂

    1. bakit kaya ako lapitin.. eh mukha naman akong tikling noon.. nakakaloka…

      nakakatakot talaga… at alam mo yung pakiramdam na habambuhay kang hahabulin ng bangungot ng pag-utot mo na walang pumipigil… yun yun…

    1. totoo ito RP.. hindi ko naisumbong dahil mapapagalitan ako dahil nagpagupit ako doon ng walang kasama.. pasaway ako nung bata ako.. kasalanan kasi ng buhok ko… sa parlor lang umaayos… pero after nun, sa barbero na uli ako..

      1. ang huling balita ko sa kanya ay nagsara yung parlor niya after 2 years nung nangyari sa akin, tapos nag adik yata..

    1. mukha nga akong malnourished nung katorse anyos ako.. ewan ko ba kung bakit nahumaling sa akin yun.. siguro inisip niya lamang tiyan din ako… at hindi ako nagpapa cute ha.. cute talaga ako… *barf*

      1. alam ko na kung bakit, masarap ka daw alagaan. payatot at maliit: yan ang trip nila (sabi daw).

        oh well, at least ngayon, gwaping at macho ka na. *pukes* takot na lang nila sayo. haha!

      2. amputek.. kung kailan kong magpaalaga, sa babae na ako lalapit…

        at kunwari hindi ko nakita ang pagsuka mo.. thanks silver friend.. nagsasabi ka talaga ng totoo.. haylabyu! wohoo!

  3. HIndi ka nag-iisa…Naglipana yan mga ganyan lalo na dito sa amin,,,,Libre na lang pachupit sa kanila..kaya ako sa barbero na lang din…aliw ako dito pot..dami laughtriip😉 napaisip ako, paano kaya kung mas malakas sa iyo si jenny at wala kang nagawa. ubos ka siguro at natikman ka na ng buong buo😉

    1. naku, yun nga din ang kinatakot ko.. pero siguro dahil takot na takot ako noon.. kaya nagwawala ako para makatakas sa kanya… hindi ko naman akalain na may masama siyang motibo sa aking bubot na katawan…

  4. Grabe ang mura pala ng gupit nung panahon niyo Kuya Pot? 15php solve ka na. Ako, mas gusto ko parin sa barbero. Sa ngayon kasi ang mga gupit sa parlor ay konting bawas lang (parang wala namang nangyari) Hehehe. Mang Jenny, what’s the problem?

    1. uu mura talaga.. hindi ko na sasabihin kung kailan yan, pero yun nga.. dati magagaling ang mga parlor sa pagpapagupit, ewan ko na lang ngayon ah..

      1. Tsaka kahit di mo na sabihin kung kailan yan alam ko na naman. Halata naman eh. Jk. Ewan ko sa ibang parlor, basta kay Kuyang Barbero parin ako tiwala.

    1. nabuhay si andrew e!!! ~here we go! Hinding-hindi ko na nanaisin yaman ng mundo…Basta’t maging isang guwapong katulad ko…
      Ako na lang palagi ang bukang bibig…Mga babae hinihimatay, kinikilig…Ang pakiramdam ng lahat tinamaan ng kidlat…Kapag nakita na nila akong kumikindat…At pag ako’y dumadaan lahat napapa-“Hi!”…Pati mga nagsasampay tulo laway…

    1. hello busyokoy! welcome welcome! welcome to my parlor.. ahahay!! salamat sa pagbisita… silipin ko din ang blog mo.. ehehehehe..

  5. haha, totoo ba ito, kapatid? totoo man o hindi, ang ganda ng pagkakakwento mo – ikaw na… hala, it was a sorry morning for mang jenny – tough luck sa kanya, virtuous young man si kapatid, paanong gagawin? 😉

    1. totoo yan san.. kaya kahit medyo traumatic, at pang maalaala mo kaya ang drama ko, pinilit ko pa ring ilahad… hihihi.. buti na lang buto’t balat ako noon, kaya madaling makapalag at makaiwas.. hello san!! how are you today? *kaway kaway*

      1. hello, Pot…🙂 medyo busy lately. di na kasing-sad and confused ng dati… medyo nag-sober up na. thanks for your kind words lagi, ha… i hope i could take the time to drop you a note and to spend more time dito sa bakuran mo. take care rin and keep well, kapatid…🙂

      2. mabuti naman… happy ako at medyo ok ka na.. nandito lang naman ako para pasayahin kayo… para happy lagi.. keep smiling, keep shining… knowing you can always count on me.. for sure… hihihi.. *kaway kaway* hi san!!!

      3. haha… isa ‘yan sa mga paborito kong kanta since high school. kantahin mo at i-video, gawing post, Pot…

        hope things are going fine for you… kaway-kaway, have a good day, kapatid.😉

      4. naku.. paano ko gagawing video post yang kantang yan? ang hirap niyan ah.. ehehehehe

        thank you san!! things are ok.. i hope you are doing fine.. have a great day!! *kaway kaway* hello san!!

    1. kailangan gawing katatawanan ang mga naging karanasan sa buhay para maging maganda ang “outlook” sa future… bawal ang mag mukmok… nakakastress.. ehehehehe..

  6. “kung muntik ka ng magahasa ng baklang bakulaw, ‘wag mo ng tangkain pang magpagupit muli doon, dahil kahit gaano katagal ang paglipas ng panahon, makikilala at makikilala ka pa rin” – HAHAHAHAHAHA ramdam kita brad.

      1. wag mo na akong tawaging sir.. potpot na lang… hindi ko pa nabibisita ang blog mo… sana mamaya ay matapos ko ang iba pa.. back read ako ngayon eh.. ehehehehe… ano ba ang itatawag ko sa iyo? 182official?

      2. haha hayaan niyo nalang , paggalang nalang po sir potpot . juanito nalang po itawag ninyo🙂 hehe . salamat po . magbabalak po akong magbasa ng mga paskil ninyo ngayong gabi .

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s