pasok…

(—may feature article po ako dito sa japan, sana po ay mabasa ninyo… eto po yung link!—)

…noong nakaraang linggo, nagtanong ang aming lider-lideran kung sino sa amin ng kasama kong si mike ang pwedeng pumasok ng linggo mula 12 midnight hanggang alas 2 ng madaling araw… agad na kinumpirma ng kasama ko kung papasok ba kami ng linggo, sa malamang ay hindi na kami makakapasok ng lunes… kaya tumanggi ang kasama ko..

…sa mga sandaling babalik na sa upuan yung aming lider-lideran, bumalik siya sa gitna namin para magtalumpati na parang sasali sa balagtasan ng mga pipi sa baranggay ng mga bingi…

“alam ninyo, nagrereklamo na ang client natin, nagtataka sila kung bakit hindi kayo tumatanggap ng weekend na trabaho na panggabi, samantalang yung ibang kasamahan ninyo ay “willing” pumasok nang weekend. nagtatanong tuloy ang mga kliyente kung iba daw ba ang kontrata ninyo, eh hindi ba pare-pareho naman ang kontrata natin? hindi ba, nakalagay sa kontrata ninyo na “minsan” ay may pasok ng sabado at linggo? hindi ba? kaya ang gagawin nila ay magiging rotation ang pagpasok ng weekend. CONGRATULATIONS! PALAKPAKAN!”

…silence…

pinipigilang tumaas ng kanang kilay ko nung narining ko yung mga sinabi niya (pero na-translate na ni mike kasi nga hindi ako nakakaintindi ng hapon)… at nagtataka ako kung bakit magrereklamo ang kliyente eh sa dami ng empleyado na pwede, bakit galaiting-galaiti silang kami ang papasukin ng weekend?

paliwanag ko lang.. simula nung pumirma ako ng bagong kontrata noong setyembre, itinaga ko sa bato (gamit ang makabagong panlilok na gawa sa adamantium) na hinding-hindi na ako papasok ng weekend… isang panata yan tulad ng paglalakad papuntang quiapo nang nakatapak para sa black nazarene…

nagtataka kayo kung bakit? eh di ba OT yan? di ba may extra bayad yan? di ba walang bantay yan? *eeeeeeeennngg* <– tunog ng buzzer… mali kayo…

1. Rule na daw na kapag pumasok kami ng 8 oras kapag weekend ay kinakailangan naming mag “leave” ng 8 oras sa weekday para ma “off-set” ang pasok na yun.. sa makatuwid, ang 1.35% na multiplier ay hindi na magtatake effect dahil magiging ordinaryong araw ang weekend na pinasok…

2. Kung sakaling ang pasok sa weekend ay hindi aabot ng 8 oras, maaari ka pa ring mag “off-set” pero may “utang” kang oras na kailangan mong punuan.. halimbawa, ang pasok mo lang ng weekend ay 6 hours, pwede kang mag “off-set” ng buong araw sa weekday pero may utang kang 2 oras na pwede mong bayaran sa pamamagitan ng pag-OT… (at mawawala uli yung multiplier ng more than 8 hrs kang nag work sa weekday dahil pambayad utang nga yung 2 oras na yun dun sa kakulangan.

3. Paanong masasabi ng aming lider-lideran na pare-pareho ang kontrata namin eh hindi naman niya nakita or nabasa ang kontrata namin… and to clarify lang, walang nakasaad sa kontrata ko na “papasok” ako ng weekend dahil utos ng mother ship… wala pong nakasulat dun…

4. Yung naikwento ko sa inyong dagdag na pitong kilong bigas na dagdag sa sweldo ko ay hindi ko rin maramdaman dahil tumaas ang aking tax, ang health insurance, at pension… at nung nag-compute ako… abonado pa ako ng 3 kilo dahil nga sa bagong computation ng mga nabanggit ko sa itaas…

5. Padagdag ng padagdag ang trabaho namin at responsibilidad na hindi naman pala nabibigyan pansin ng kinauukulan dahil maski sila ay hindi alam kung ano nga ba ang pinag-gagawa namin dito. Kaya sinasabi nila na kung may darating na “bagong” trabaho ay nauukol daw yun sa aming skill set…

…sa totoo lang, umay na umay na ako sa ganitong scenario… ayaw ko na ring magreklamo, dahil wala rin patutunguhan ang reklamo ko… pero hindi pa rin nila ako mapipilit pumasok kung ayaw kong pumasok… tapos na rin kasi ang panahon na puro “oo” ang sagot ko, at hindi naman nakikita yung effort na ginagawa ko…

…pasaway na ako kung pasaway, pero bilang depensa ko sa sarili ko, ginagawa ko ang trabaho ko ng ayon sa pay rate ko.. tapos na yung mga panahon na nagpapakabayani ako at “going the extra mile”… eh ilang libong milya na nga yung na byahe ko, sabihan ba naman ako, “hindi pa sapat ang alam mo sa sweldo mo” paksyet!

so ang tanong, sino ang nagpakabayaning pumasok ng linggo… syempre hindi ako…

nakatanggi… *facepalm*

64 thoughts on “pasok…

    1. dito kasi, hindi sila pwedeng magreklamo, kasi “the customer is always right” kaya nga kung sasabihin ng customer na patalunin kami from 9th floor, kapag binayaran na nila ang agency namin, papatalunin kami ng employer namin… huhuhu

      1. aww.. wala ka palang choice talaga, hanap-hanap ka na ng ibang kompanya, para pagtapos ng kontrata mo layasan mo na sila, kumukota na sila sayo ah.

      2. actually, by january, maghahanap na ako… magtuturo na lang ako ng english… less pressure at mas malaki ang sweldo… nung una nahihiya pa akong magresign kasi nahihiya ako, kaya lang makakapal talaga mukha nila kaya kinapalan ko na rin mukha ko…

  1. Astig! Tama ka…ako rin napapagod na sa “going the extra mile”. Wala naman kasi minsan kinahahantungan. Sana dumating ang panahon na maging singtapang mo akong tumanggi…๐Ÿ™‚

  2. “business need”. yan ang palaging rason. natural na to sa linya ng trabaho natin pre (tingin ko, parehas tayong sa IT).

    dito naman medyo maluwag. pumsok ako ng work last oct 20 pero parang 4 hrs lang ang work tas pinauwi na kami. tapos buong araw kahapon ang offset ko. haha!

    1. IT nga pre.. naintindihan naman namin yung “business need” pero hindi naman nabibigay yung para sa amin.. sa totoo lang, ang dami nilang demands.. pero kapag kami humingi ng kaunti, ang damina nilang sinasabi… haaay…

      buti ka pa, maluwag diyan sa office ninyo..

  3. hello pots, actually ganyan nga ang ugaling hapon, may positive pero may negative side din, kapag medyo magkakilala na kami ng hapon, kahit customer pa sya, inaaway ko na kapag abusado haha๐Ÿ˜€

    1. ayy oo… kaya sumama rin ang loob ko kasi may isang pasok ako ng linggo, tapos may isa akong absent ng buwan na yun.. ang ginawa ko ay ginawa kong leave yung absent ko para walang bawas yung OT ko.. aba ang ginawa nila ay ni “off-set” yung absent ko at yung pasok ko nung linggo.. ayun… lugi ako…

      1. yaan mo na yun, donation na lang. mayaman na naman ang Pilipinas eh, yehey! hehe๐Ÿ˜‰

    1. sinubukan ko ngang magpakitang gilas.. as in, lahat ginagawa ko… then napag alaman ko na “hindi pala yun ang factor” so tinanong ko ano ba ang factor para tumaas sweldo ko.. “hindi din nila masabi sa akin” kaya ayun.. hindi na ako nagpapaka effort ngayon… para patas lang…

  4. Bakit nga ba ganun, always kaawaawa ang mga empleyado? Palagi na lang iniisahan? Nuong nagooffice pa ako, kaming mga executive secretaries maraming kalokohang ginagawa sa aming mga amo kapag inaabuso na kami sa trabaho. Handong duran namin ang kanilang kape, pigaan namin ng basahang basa ang kanilang softdrinks, etc etc etc na hindi nila alam. Nagkakaroon na kami ng matatamis na ngiti kapag nilalagok na nila ang aming tinimplang coffee at drinks. Hehehehehe, akala nila sila lang ang marunong mang isa!!!

      1. Hindi kami salbahe, pumaparehas lang naman. Sila ang una, sinasagot lang namin. Talagang ganun, mas masakit ang ganti, kaya never na maging offensive ka, patay kang bata ka kapag dumating ang hambalos ng ganti sa iyo!

  5. Sikat! May feature article. Puro mga seksi star pa andun. Hakhak. Akala ko yung lapad ung pag bumibili ng mantika, isang lapad nga pooooo! Hahahaha! Lagi ka na lang nabu-boom sa mg chiks. Hahaha! Penge pasalubong!!! Yung seafood saka bulalo hakhak!

    1. hindi pa ako sikat.. hayaan mo kapag sumikat ako bigyan kita ng autograph saka ng fan sign.. ganyan ka kalakas sa akin batopik.. hakhak!! at pareho tayo ng inakala sa lapad.. dahil naririnig ko rin yan dati sa tindahan kapag nabili ako ng mantika… hindi ako boom sa chicks.. lagi nga akong nafe-friendzone eh… sadness.. at talagang seafood pa gusto mo ah.. hayaan mo, kapag yumaman ako… isang truck ng cup noodles.. ehehehe.. salamat sa pagbasa ng online mag..

  6. hello, Pot…. At Nang Mag-Say No si Potski. pwede na ‘yang title?๐Ÿ˜‰ hey, how are you, boss? kumusta ang exercise program, ahehe…

    hoy, bruho, alin doon sa articles ang sinulat mo, ano ang pamagat… kung ilan ang binasa ng lola mo, di naman alam alin ang kay Potski…๐Ÿ˜‰ kaway-kaway…

    1. pwede yang title na yan san!! ok naman ang exercise.. patuloy pa rin.. hindi ako nababawasan ng timbang, hindi ko lang alam kung napapalitan ng masel kasi may mga bahagi ng katawan ko ang tumitigas, tulad ng aking ulo… hihihi

      yung article ko eh yung walang basagan ng trip.. ang title ng october eh yung pasalubong na cup noodles at yung pang november naman ay yung palapad ng palapad.. nandun ang pagmumukha ko.. ehehehehe yung mukhang may sayad.. ako yun!! hi san!! *kaway kaway* weekend na!! woohoo!!

  7. alam mo kuya pot nadarama ko ang pinagdadaanan mo. hehehe. napapaisip tuloy ako kung pare-pareho pa talaga silang ganyan. pero ganun na nga lang talaga, mapasensya kung kaya at lumaban kung hindi na talaga makatarungan.

  8. hindi ko makita yung featured article mo.. o hindi ko pa natatapos iscan yung e-mag?

    puso mo, pot!๐Ÿ™‚ ok lang yan… kung hindi naman justified ang sweldo mo sa trabaho mo, eh, sisisantihin ka nila eh…๐Ÿ™‚ mukhang kailangan ka pa nila jan..๐Ÿ™‚ tiis-tiis lang..๐Ÿ™‚

      1. sabi kasi nung editor na laging nadugo ilong ko kapag english, kaya binigyan niya ako ng karapatang mag tagalog para hindi naman daw ako maubusan ng dugo.. ehehehehehe salamat sa pagbasa! pero sa totoo lang, sabi ng editor na tagalugin ko para may touch pa rin ng pinoy, saka parang ako daw yung only thorn among the roses… kung papansinin mo puro models at magagandang tanawin tapos makikita mo pagmumukha ko, ayun.. sabog ang magbabasa.. ehehehehe

  9. hmmm, ating isulong ng maayos ang tahimik na pakikibaka. wag matakot, makibaka… (may plakards pa).

    kung minsan talaga darating ang panahon na di na kayang maatim ang mga nangyayari sa kapaligiran, dito ay maiisipan na gumawa ng bagay upang magkaroon ng pagbabago. at nasisigurong itoโ€™y magmumula lamang sa sariling desisyon at pagpili, walang ibang makapagbibigay solusyon dito kundi ang sarili lamang.

      1. salamat! salamat! feeling ko kasi corny ako.. at eto, atin-atin na lang ha… sabi nung editor.. ewan ko lang kung inuuto lang niya ako, madami na nagsusubscribe sa magazine niya dahil sa article ko.. at natutuwa din ako kasi kapag nagkakaroon ng get together ang mga pinoy dito sa japan, unang pangbungad nila ay yung nabasa nila sa magazine.. nakakataba ng puso… basahin mo rin yung pang feb and march article ko.. hindi ko na na-link dito sa blog.. ehehehehe.. nandun lang naman siya sa site… thanks june! nakakarami ka na ah!! ehehehehehe..

      2. ganun ba? magaling…. tingin ko di siya nagsisinungaling. May something sa articles mo na tingin ko patok sa mga pinoy. Relate much sila?๐Ÿ™‚
        Cge, I’ll check. Quota na ako today sayo hehe

    1. magdilang anghel ka sana at magtagumpay nga sana ako.. pero sa ngayon “working smart” ako.. at paano ko nasabi.. pansin mo nakakareply ako sa mga comments mo, eh oras ng trabaho.. ehehehehe… thanks june!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s