opposite sex…

uyy long time no blog! kamusta na kayo? pasensya na at maagiw na dito, hayaan ninyo, maglilinis muna ako.. ehehehehe.. hindi ako magkukwento ng nakaraan, bagkus ay ibabahagi ko sa inyo ang ilan sa mga ugali ko na hindi ko alam kung kaiinggitan ng mga kalalakihan o kasusuklaman ng mga kababaihan…

mula pagkabata, elementary (parang kasasabi ko lang na hindi ako magkukwento ng nakaraan.. failed!), palakaibigan ako.. kung uso lang ang “most friendly award” nung graduation, sa malamang nakuha ko na yang medal na yan… pero hindi siya uso kaya hanggang pangarap na lang ako.. game, tuloy.. sa dinami-dami ng mga kaibigan ko, karamihan dito ay mga babae.. hindi ko rin alam kung bakit… alam ko naman sa sarili ko na ako ay tunay na lalake, marunong nga lang akong mag piko, jackstone at chinese garter… pero besides that, parang mas may connect ako kapag babae ang nagiging kaibigan ko.. naisip ko siguro na dati akong babae kung may past life na matuturing o kung ni-recycle man ang kaluluwa ko, eh nagkamali ng lagay at nilagay ito sa katawan ng lalake…

ok, wag na ninyong i-analyze ang sinabi ko… so hanggang sa naging high school ako, madami pa rin akong mga kaibigang babae, pero mas pinili kong maki grupo sa hanay ng mga lalake dahil nababansagan na akong “bakla” ng ibang kaibigang lalake.. hurt ang feelings ko.. i was crying from the inside, pero sige lang.. pero ang totoo niyan, iba kasing maging kaibigan ang mga babae.. hindi naman sa wala akong tropang lalake.. iba pa rin kasi kapag nagtipon-tipon ang mga lalake dahil marami kaming usapang hindi ko pwedeng isiwalat dito tulad ng panonood ng porn at pagkumpara ng laki ng dodo ng mga babae…

ang mga babae kasi ay napakasarap kasama.. madaling patawanin at sincere na kaibigan.. hindi tulad ng mga lalake.. mas maarte pa kami kaysa mga babae.. halimbawa, maiintindihan ko pa na ang mga babae ay nagpupulbos, pero may mga kabigan akong lalake na juice mio parang espasol kung mapulbos.. stock holder ata sila ng johnsons baby powder.. with chamomile…

ilan naman sa kaibigan kong lalake ang naiinggit dahil daw laging mga babae ang kasama ko.. at lalong nanlalaki ang butas ng ilong nila kapag yung crush nila ay kaakbayan ko kapag bumibili ng chippy at softdrinks sa canteen… kaya maraming nagtatanong kung ano daw ang sikreto ko kung bakit daw preferred ng mga babaeng kaklase namin na kaibiganin ako.. well boys, eto lang ang napansin ko at sinabi ng mga kaibigang babae…

– madaling mapalagayan ng loob…
– hindi nagtatake-advantage…
– walang malisya..
– maginoo…
– malambing…
– maasikaso…
– mapaghihingahan ng problema…
– they feel safe kapag kasama ako…
– pasensyoso…

siguro kaya ko na-acquire ang mga ugaling yan dahil na rin sa nanay ko.. parang sinalpak niya sa kukote ko na ang mga babae ay dapat galangin dahil nga may nanay at kapatid akong babae.. kung paano ko daw tratuhin sila, ganun din daw ang babae… at dahil takot ginagalang ko ang nanay ko, sinunod ko ito…

pero sa totoo lang, mahirap din ang ganitong sitwasyon.. dahil kung sakaling manligaw ako sa isang babae na nakapalagayan ko na ng loob, eh hindi ako seseryosohin.. parang naka “auto-friendzone” na ako sa kanila.. kaya hindi ko rin masasabi na ito ay isang gift galing sa kalangitan.. kung minsan, ito ay parang sumpa na mahirap takasan…

kaya sa mga naging girlfriends ko at mga naging “special” sa buhay ko nung ako ay binata pa, salamat at hindi ninyo ako ni-“auto-friendzone”.. at kahit papaano ay may nakita kayong malisya sa akin… kayo ba? lapitin din ba kayo ng opposite sex? same sex? unisex?

53 thoughts on “opposite sex…

  1. noon nung hindi ako palaayos hindi masyadong nakipagkaibigan sa akin ang opposite sex, puros babae lang ang kaibigan ko. pero ngayon na marunong na akong mag-ayos halos lahat ng nagdedma sa akin na lalaki ay gusto akong kaibiganin! chos haha

    1. ikaw na jenny ang dyosa!! ahahahaha… ang mga lalake kasi mata lang ang ginagamit… kaya hindi nila nakikita ang inner beauty.. pero at least ngayon, pwede mo na rin silang deadmahin.. ehehehehe

  2. noong elemtary ako, gustong gusto akong kaibiganin ng mga babae kasi mabait daw ako. e ayokong sinasabing mabait ako kaya nagpakasalbahe na ako. nice guys finish last daw eh. haha!

    tingin ko mas sincere ang mga lalake kesa sa babae. case in point:
    babae sa kaibigang babae: girl ang ganda ng bag mo! (bwisit! mas maganda bag niya kesa sa akin. kainis!)
    sagot ng babae: mas bonnga ang bag mo kaya (taob ka sa bag ko. bwahaha!)

    lalake sa tropang lalake: hoy kupal! pautang ng bente! pambili lang ng yosi.
    sagot ng lalake: potah! etong yosi ko. kuha ka lang ng isang stick dupang!
    *nagmumurahan pero kita pa rin ang samahan*

    disclaimer: di ako naninigarilyo pero yan ang madalas kong nakikita sa mga tambayan.

    1. may punto ka.. ahh siguro kasi mas insecure ang mga babae sa kapwa nila babae.. kaya kinakaibigan nila ang mga lalake… ehehehehe.. sige, naniniwala akong hindi ka naninigarilyo… mukhang goodboy ka naman apollo.. ehehehehe

  3. Naks naman! Habulin. Ako habulin din… ng aso. Nyahahahaha! Buti nga di ka na-peer pressure at alam mo pa rin na tunay kang lalaki. Di ka nakinig sa mga asar nila sayo. Apir!

  4. kahit cyber silver friend lang kita, feeling ko totoo yung mga sinabi na characteristics ng mga girl friends mo (except yung maginoo.. di ba manyakis ka? o secret identity lang ba yun? shhh…)

    Bilang babae, mas trip ko maging friends ang boys dahil usually sila yung walang kaarte-arte, wala masyadong tampuhan, game sa lahat, objective mag-isip, prangka at di masyadong emosyonal. At least yung mga guy friends ko (parang slumbook answer lang, gurl!)

    1. salamat silver friend.. isa kang tunay na cyber friend.. ehehehehe.. yun ang sinasabi nila.. pero honestly, walang malisya eh.. naiinis pa nga ako kapag yumuyuko sa harapan ko mga kaibigan ko.. naaasiwa ako…

      at oo nga.. parang slumbook lang ang sagot mo… sige nga.. define love…

      1. Kaya ok kang maging friend kahit friend zoned ka na lagi. At least nakakakita ka pa nun di ba? Haha! Love is like poop.. Messy and necessary. MGF?!

  5. pot, yun ang isang mahirap dun eh kapag nakapalagayan ka na ng babae parang hindi ka maconsider as “special”..gaya ng sinabi mo auto friend. na lang. isa talaga yan sa mga disadvantages. Ako rin halos mga friend ko rin girl. One of the gurls nga akong ituring pero marami rin ako tropang lalaki pero iba ang trip kapag mga babae kasama. Di mo rin maiiwasa na magkaraoon din ng pagnanasa sa kanila but at the end mas mangingibabaw pa rin yun respeto. Welcome back..busy busyahan mode..;-)

    1. apir tayo jan myr!! oo nga.. ganun nga ang disadvantage ng masyadong malapit sa mga babae na tulad nating mababait na lalake.. mahirap magkaroon ng malisya… eheheheh… salamat sa pag welcome! sana ay magtuloy tuloy na.. dami kasing trabaho dito.. ehehehehe slave mode ako…

  6. Ang alam ko, kayong dalawang magkapatid ay pinalaki ng inyong mommy na maging isang magalang sa matatanda, matulungin sa mga nanagangailang, mapagbigay sa kapwa tao, mapagmahal sa mga taong naka paligid sa kanya, maasikaso sa mga kamaganakan, responsable sa pamilya, magaling makibagay sa lahat ng tao kahit na mga bata ito, masunurin sa nakatataas sa kanya at marunong tumanaw ng utang na loob. Hindi mo ba napapansin Pot, kahit mga bata ay ikaw ang hanap nila, mga pinsan mo ay ginagalang ka, anak mo ay sumusunod sa iyo, asawa mo ay umaayon sa mga ideya mo, at higit sa lahat, gustong gusto ka ng biyenan mo sampu ng mga kaanak nito! Ipagpatuloy mo yan ng gumanda ang buhay mo!

    1. yun ang sabi ng mga kaibigan kong babae.. hindi ko din alam sa sarili ko kung ganun nga ako.. pero pramis.. hindi ko ginagamit ang kabaitan para makapang-chicks.. mas pinapakita ko ang kakulitan ko at kalokohan para malaman nila ang totoo kong ugali.. para kapag nagustuhan nila ako, alam nila na ganito ako.. loko-loko… saka hindi ata usa sa babae ang mabait.. di ba gusto nila yung bad boy image? at salamat sa pag welcome!! sana hindi na ako mawala.. ehehehehe

      1. Hahaha. Heto ok naman. Naku go, take time to read. Marami rami ka ata binabasa tagal ng post mo bago eto e. Busy ba ulit sa pagpopromote ng star magic movies? Haha.πŸ˜€

      2. ahahahaha hindi naman.. dam lang shooting, concerts at road tours.. ehehehehhe <– nangarap.. busy lang sa trabaho.. alipin ang beauty ko ng ilang araw.. ehehehe.. buti naman at ok ka.. mag-ingat ka palagi ha…

  7. pot! sensya na ngayon lang ulit naligaw.. medyo nahuhuli na ako sa mga balibalita.. natutuwa naman ako dito. kasi feeling ko magkabaliktad tayo… ako naman puro boylet ang kasama kahit sa all girl school ako nag HS. naalala ko nung college ang mga kasama ko puro lalaki.. naka tambay kami sa hagdan at kumakartada ng babae! hahaha.. pero di naman ako tomboy, proof na may asawa’t anak ako..πŸ™‚ siguro nga recycled din ako nagkamali ng lagay sa katawang babae.. hahaha.. kaloka!

    1. binky!! long time no see.. ehehehe ako din kasi naging busy lately.. ahahahaha! may mga tropa din akong babae na nagrarate ng mga babae.. minsan sila pa nga nagsasabi kung maganda o sexy.. hindi kasi ako natingin masyado sa maganda at sexy… ehehehe.. naniniwala naman ako na di ka tibo.. nataon lang na talagang mas ok ata ang kombinasyon kapag opposie sex ang kaibigan.. ehehehe.. kaloka ever!

  8. hahaha, mas prefer ko mag-open up ng “world” problem sa lalake, wahaha! hindi sa pagiging malandi ha, eh kasi – kung makapag- advice wagassss!πŸ˜€ loko lang paminsan, galaw ng galaw, malikot kapag kinakausap mo, pero matino naman kapag judgement time na. hahaπŸ˜€ Mas nangibabaw nga lang ang friends ko na mga babaeπŸ™‚

  9. sa aking pananaw takot daw ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw, hehehe. o kasabihan lang yan hindi literal. ok lang ako papa P, hahaha. eto manananghalian pa lamang, late na kasi nakapag-umagahan kanina. basta mas idol kita hahaha.

    smile…

    1. mukhang sinusuyod mo ang mga post ko ha.. wag mo ng balikan yung mga sinauna at siguradong makakatulog ka.. ehehehehe salamat pareng cup.. kain lang ng tanghalian.. ako naman ay magmemerienda.. eheheheheh

  10. Wala akong kapatid na lalake at halos babae mga pinsan ko noon kaya mas alam ko kung paano paikutin ang mga babae (trip to jerusalem?) hindi… ibig kong sabihin mas alam ko kung pano makitungo. Naging altar boy naman ako at nagkabarkada ng boys sa school kaya okay lang pero gaya mo lapitin din ako sa mga babae kaya minsan natatanong akong, ano ba tayo? madali akong makadetect kung may nahuhulog na sa akin kaya ako na mismo ang dumidistansya bago pa matanong ulit na ano ba tayo? at minsan iniiwasan ko rin si Oscar.
    Sa ngayon unisex ako, di ko binabase ang pagiging kaibigan ng tao sa gender mas hinahanap ko yung ugaling nagtatranscend sa gender at pinapakita ang universal humanity. Bago pa ako malunod dahil lumalalim na sinasabi ko, oo naiintindihan kita dahil rin mas trip ng mga babaeng kaibiganin ang lalaking mahilig magpatawa. seryoso akong tao pero nagiging bibo ako pag may mga girls.πŸ™‚

  11. hello, Pot… oy, ba’t wala kang post, pwede ka nang i-declared na disappeared, gano’n? paramdam ka, kapatid pag over na sa mga hinaing at kabusyhan, ahaha.πŸ™‚ dyok lang, ma-problema ka pa rin, ginagaya mo me? naman, hwag gano’n… ka-level ng novels ni William Faulkner ang mga problema ng lola mo, as in… i’d rather life treats you better, hala pa…πŸ™‚

    heniweys, comment na rin me dito, ha… one kilometer lang, parang di mo na-miss ang tsika ko…;) hmn, mas masarap kakwentuhan ang girls, as in girl talk na walang patumangga – magdamagang inuman na di naman nababawasan halos ang beer, puro tsismisan, kwentuhan at comparison ng experiences at pagkain ng pulutan (sarap ng fried kangkong and onion rings, may dip)…. masarap din ang lunch out with girl friends, kunwari bihis kayo and respectable ladies, pero alam nyo naman ang mga itsura nyo sa bahay – wapoise lang, hihihi. ^^

    pero, masarap ding friends ang mga lalaki… una, mas napapansin nila pag bihis at nakaayos ka. they look at you, differently, haha. tapos, pag may pera sila, ililibre ka nila somewhere na medyo mahal. most of my men friends, may pa-epek ding buhat ng chair or tumatayo pag mag-e-excuse ka and sa danger side lumalakad, ahihi. masarap din yon, lalo pa sa mga gaya ko, mukha at tunog lalaki naman, feeling lady pag treated that way, hehe. saka, masarap ang inihahatid sa bahay pag after12 na ang uwi. mga gano’n…

    and, isa pa pala, masarap magpa-advise sa friends na lalaki, mas mabilis silang mag-simplify ng problem. or, iba lang ang approach nila? nyo?πŸ™‚ ang hassle, i guess, tila mas madaling ma-develop ang male friends sa kaibigang babae, parang… after a few months of constant exposure, medyo nag-iiba… parang mararamdaman mo, may something else… ^^

    so, ang ending, kung di naman reciprocated, medyo walay muna kayo ng landas, ang sama… ^^ marami rin akong naging friends na lalaki, pero kokonti na-maintain over the years. sabi nila, kasi raw, visual ang guys… naiiba yata pag nakakita ng plunging neckline or skirt na may slit. thing is, madalas namang may slit ang skirt, hano, hehe… and for us (oo, kasali me, haha) minsan, masarap ding magsuot ng medyo plunging, hwag lang ka-level ng sa mga artista, hehe… ayon, masarap friends ang lalaki, pero challenge paano i-maintain na hanggang friends lang… sa experience ko, slightly gano’n… ^^

    ooopps, maiksi ang hair ko and as i said, mukhang lalaki lang, kapatid.. pero yun ang wento, hehe… hooist, mag-post ka, marami nang nakaka-miss ng humor mo, naman.πŸ™‚

    keep well, Pot… *kaway-kaway* have a restful weekend.πŸ™‚

    1. san!! *kaway-kaway* salamat sa nobela! ehehehehehe.. nag post na po ako.. ehehehehehe.. dami lang talagang trabaho ngayon.. as in patong-patong… inaabuso na kami ng mga hapon.. ehehehehe…

      iba ibang levels naman ang pakikipag kaibigan.. sa mga lalake na kaibigan ko, dun kami pwedeng maging barubal at bastos kasi pare-pareho naman kaming mga lalake.. kaya uncensored ang peg namin.. sa mga babae naman, medyo pili ang mga foul words para hindi naman ma turn-off pero kapag super tropa na talaga.. ayy balahuraan na! ehehehehe

      gusto ko kausap ang mga babae kasi mas emotional sila ata parang laging may pinagdadaanan.. kaming mga lalake kasi kailangan medyo malasing muna bago magkwento ng trahedya sa buhay… pero pareho namang masaya…

      at hihiritan kita.. ANG HABA NG HAIR MO SAN!!! may develop effect ang friendship ninyo.. ehehehehehe anubayun!

      miss ko na ang kulitan.. kung di lang talaga madaming trabaho.. at kapag weekends naman, wala ako sa bahay at nasa galaan ako.. pero hahabol uli ako at gagawa ng way para everyday eh makapag basa at makichika sa inyo.. lalo na sa iyo.. ehehehehe.. ingat ka palagi!! friday ngayon… gimik time!!! ingat san!! *kaway-kaway*

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s