plantation…

issue 3 na ng club filipina magazine at dahil wala silang makuhang tagapagsulat, pinagtiyagaan nila ako uli.. kaya click ninyo ito para mabasa ang magazine.. salamat!! mwahugz!

——–

kasalanan ito ng kdrama kung bakit ako magkukwento ng ganito.. kainis naman kasi eh…

meron akong naalala, medyo matagal na, pero bigla na lang bumalik sa aking isipan.. may isang babae na muntik ng maging kami.. pero hindi eh.. gusto ninyong malaman kung bakit? tara.. kaibigan.. usap tayo…

nagkahiwalay kami ng aking gf noon… at hindi ko na lang sasabihin na dahil sa may 3rd party siya kaya kami nagkaroon ng problema… malungkot na malungkot ako.. alam ninyo yung pakiramdam na sinakluban ka ng langit.. isip ka ng isip kung anong mali ang ginawa mo.. nagtataka ka kung bakit sa dinami-dami ng lalake sa mundo ay sa mukhang unggoy ka pa niya ipinagpalit kahit mukha ka ng gorilla… balisa ka.. hindi ka makatulog.. hindi ka makakain… iniisip mo na sa loob ng 3 taon na kayo ay masaya, na sa 3 taon ay umiwas ka sa tukso… na sa loob ng 3 taon ay nagpakatanga ka para lang sa kanya… halo-halo ang sumasagi sa isipan mo… so alam ninyo yang pakiramdam na ganyan? ako kasi hindi eh…

habang pinagdadaanan ko yan noon, may nakilala akong babae.. tawagin na lang natin siya sa pangalang Mek.. wag na kayong kumontra.. kwento ko ito..

siya kasi ang naging sandigan ko noong mga panahon na ako ay mahina.. noong mga panahon na nakikipaglampungan ang gf ko kasama ang ibang lalake.. noong mga panahon na pati pamilya niya at mga barkada ay nagsinungaling para lang ikubli ang relasyon niya dun sa unggoy (ampalaya flavor!!).. si Mek, ang nagbigay sa akin ng bagong pag-asa…

gabi-gabi kaming magkausap sa telepono.. kulitan.. tawanan.. sa totoo lang, nahasa akong mag-inggles dahil sa kanya.. spokening dollar siya eh.. sosyal ang lola ninyo… naikwento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin… at natuwa ako sa kanya dahil willing siyang makinig sa mga kwento at hinaing ko sa mundo…

napag-usapan namin na magkita sa quiapo isang araw, biyernes.. dakilang bum ako dahil bumagsak ako sa board exam noon dahil sa hindi ako makapag concentrate… ituturo niya sa akin ang bilihan ng mga porn vcd na mura… dahil lagi siyang nagsisimba sa quiapo, at doon kasi ang sentro ng kalakal pag dating sa mga panoorin…

usapan namin ay sa dunkin donuts.. nauna ako sa kitaan namin.. umorder muna ako ng boston cream at sprite habang hinihintay ang babaeng ngayon ko pa lang makikita sa tanang buhay ko.. medyo kinakabahan ako… hindi na ako sanay makipagkita sa ibang babae maliban na lang sa gf ko noon… pero nilakasan ko ang loob ko, kahit parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba… bakit naman ako kakabahan, eh kaibigan ko naman siya… yun naman talaga noon eh.. kaibigan…

pumasok siya sa pintuan at nagtagpo ang aming mga mata… alam ko na alam niya na alam ko na kami ang magkikita… pagkatapos ng napakatagal na 3 segundong titigan..

“potpot?” sabay turo sa akin…
“hindi…” sagot ko naman, pero ngumiti ako, senyales na nagbibiro lang ako..

hinampas niya ako sa balikat at nakipag-kamay ako.. tanda ng pakikipagkaibigan…

iyun ang simula ng marami naming pagkikita..

ilang linggo ang lumipas, habang magkausap kami sa telepono… hindi ko alam kung bakit niya sinabi ang mga ito…

“you know what.. i miss you.. i don’t know why but i really do…”
“me too.. i am missing you a lot.. and to tell you the truth, i can’t stop thinking about you..” banat ko…

katahimikan..

ilang segundong pananahimik din ang naganap, at bigla siyang nagsalita…

“is it possible that i am falling for you?”
“is it really a possibility for you to fall for a broken guy like me?”
“you’re not broken.. you’re just.. taken for granted.. your gf is one lucky girl but too bad she dumped you..”
“yeah…”
“so… you want to go out?”
“..of the house?”
“of course, you silly.. let’s watch a movie..”
“i don’t know.. you might take advantage of me.. i’m still a virgin you know..”
“ohh shut up potpot! hahahahaha!”

…effort kung effort.. magkikita kami at manonood ng sine sa may fairview.. kamusta naman.. taga tondo ako.. so byahe galore ang beauty ko.. pero sige lang.. may nararamdaman na rin naman ako nun eh.. go lang ng go!!

…nung nagkita kami sa mall sa may fairview, medyo parang nagkakahiyaan kami.. parang high school lang.. walang pbb teen moment.. pero alam ninyo yung mga eksena na napapanood lang ninyo sa tv o sine na habang naglalakad ay nagkakabanggaan ang kamay.. ganun na ganun ang nangyayari.. hindi ko alam kung mabagal lang ako o mabilis lang siya.. hinawakan niya ang kamay ko.. yung hawak magsyota.. yung alternate ang mga daliri… yung ganyang factor… kilig di ba?

…sa totoo lang.. nakalimutan ko ang pinanood namin.. dahil hindi ako makapag concentrate sa loob ng sinehan dahil masyado kaming sweet sa isa’t-isa.. yun tipong idadantay niya yung ulo niya sa balikat ko.. aakbay ako sa kanya.. pipisilin ko yung tagiliran niya.. hinihimas niyi yung hita ko.. hahalikan niya ako sa pisngi.. yayakapin niya ako.. kinukurot niya yung daliri ko… tinititigan niya ako… yung ganyang peg…

…naulit ang pagkikita namin.. ang kain sa labas.. ang date.. bili ng porn vcd… nakapunta na rin ako sa bahay nila at naipakilala bilang “friend” sa nanay niya at sa kapatid.. may mga patakas moments kami na habang nasa sala kami, eh naghahawakan kami ng kamay.. pbb teens lang…

…pero ang mga saya na nararamdaman ay hindi maaring walang pighati.. isang gabi… magkausap kami sa telepono.. nagsalita siya..

“do you still love her.. your gf?”
“i don’t know…”
“do you love me?”
“i do…”
“then answer the god damn question.. do you still love her?”

katahimikan…

…hindi ko po alam ate charo kung bakit hindi ko siya masagot ng diretso.. mahal ko si Mek, pero bakit hindi ko pa rin makalimutan ang gf kong iniwan ako para sa isang unggoy.. <– halatang bitter talaga… sumagot ako…

“i’m sorry Mek..”
“sorry for what? for taking advantage of me?”
“no.. for not answering the question…”
“what do you want me to do? i can give you what ever you want.. love.. peace of mind.. care.. anything.. you name it.. why can’t you not love me the way you love your stupid gf?”
“i do.. but..”
“but what? you only see me as a shoulder to cry on? your past time? your shock absorber?”
“no.. i do care for you.. but the thing is.. i am not ready to commit..”
“putangina mo pot! we’ve been seeing each other for almost 2 months and you’re saying you’re not ready to commit? so all the things you’ve done for me are just for show?”
“no Mek.. all of them are true..”
“bullshit! stop lying and tell me now.. do you still love her?”
“…..”
“ANSWER ME!”
“ye…yes…”
“goodbye, pot..”

binaba niya ang telepono.. at masakit sa tenga… natanggal ang lahat ng tutule ko noon..

sinubukan kong tawagan si Mek ng ilang beses.. text.. pero di na siya nagrereply… araw-araw kong sinusubukan siyang matawagan para magkausap kami.. pero bigo ako..

fast forward today… nahanap ko siya sa facebook.. at dahil mabait akong nilalang, nag message ako sa kanya upang mag sorry sa nangyari noon… eto ang sinabi ko..

“Hi Mek.. si potpot ito.. do you still remember me? sorry to bother you.. i just want to apologize what happened before… i know that i’ve hurt you and i just want to say sorry for my stupidity and cowardness…”

nag reply siya…

“who are you? i don’t know you…”

*facepalm*

naramdaman kong may ampalaya plantation na siya….

106 thoughts on “plantation…

  1. Whahahahah! Honestly, pinagisipan ko kung babasahin ko ba lahat o mag deretso nlang ako sa comment box at itype ang dakilang ‘nice post’ whahaha! Pero xempre dahil responsableng-mapagpanggap-na-blogger ako binasa ko sya impernes
    Halong iyak tawa ako habang tinatapos ang iyong kwento haha xempre joke lang., pero dami ko tawa na may halong duda, totoo to? Nice post hahaha!

    Hahaha

      1. sa totoo lang.. may posibilidad na maging kami noon.. pero kailangan ko munang ayusin yung feelings ko para hindi unfair sa kanya.. nagulat lang ako sa kanya kasi minadali niya ako.. sorry naman…

      2. Nope. Thumbs up for you
        for me its not ideal to enter in a relationship just right after the break up
        You knw? D ko na un kailangang ielaborate I knw u knw that very well
        berigud ka dyan

      3. salamat po.. ayoko lang din kasing masaktan siya.. at ayoko ding rebound siya.. pero enjoy akong kasama siya at gusto ko talaga siya… ewan ko kung bakit siya nagmamadali… kung na explain ko yung side ko, hindi magiging ganun ang mangyayari.. sadness…

      4. Alam mo while reading ur replies the song ‘nanghihinayang’ keeps playing on my mind hahaha !
        One more chance lang ang peg? hahaha

      5. Akin na email add nyang si mek isend ko link nitong post mo para maalala nya haha! Dpat nagreply ka nlang ng
        ‘this is a chain message, pass this to 20 people or else you’ll die’
        Who you too? Hahaha

  2. For some reason, I admired what she did. You were on the rebound mode…. it was just right that she turned her back and walked away,….. that was hard, y’know?…….. she had a strong will and character. Women are always trampled upon ( although your ex was an exception ) so , I can’t helped but applaud what she did. It’s a pity you were the one on the receiving end. =_=” Okay, don’t hate me.I’m only speaking for women who happen to be the one always holding the short end of the stick.

    1. hello renxkyoko!! good valid point.. true that there were “rebound” issues.. can’t deny that.. what was sad for me was that i never intended to hurt hurt that way.. if only she had waited.. i would have run to her side eventually.. but she caught me off-guard.. and never spoke to me again..

      wow! i’m impressed… you understood most of the “tagalog” here.. congratulations!

      1. Your Tagalog words are very simple… conversational, like.

        Yep, she should have waited, but …. you wavered….. she asked you so many times, and you hesitated . You were just telling the truth, and I admired you for that. Unfortunately, she walked away, and never came back. It was a sad decision, but that was her decision, and she stood up for it. You know what, if some guy would tell me exactly the way you did, ” that you still love your ex and you still cannot forget her, ” I’d be out of there in a second.

      2. that’s good to hear.. ehehehehe..

        i’m not the kind of person who takes advantage of other peoples feelings.. i did felt something for her at that time but will only be complicated if we were together and i was not yet over with my ex at that time.. what i was contemplating was why did she reacted that she never knew me? that was hurtful..

  3. Hanep Inglisera si Mek! Feel na feel ko yung convo nyo sa phone. LOLz Feeling ko taga Arreeneow si Mek. LOLz

    Hindi ako na niniwalang nakalimutan nya na ang holding hands nyo ang PBB teen moments. Nasobrahan lang siguro sya ng apalaya at charantiya kaya Hu U ang na reply nya LOLz

    1. ako din.. hindi naniniwalang nakalimutan niya ako.. unforgettable nga ako eh… ehehehehehe uyy jepoy!! haymisyu!! long time ah!! pumapasok ba mga comments ko sa blog mo? hindi ko kasi alam kung nakakapasok, nag eerror sa akin o baka napupunta lang sa spam mo.. ehehehe mabuhay ka!! woohoo!!

      1. Hindi ko yata nakita paps ang mga comments mo LOL ayos lang no biggies. Nahirapan din ako mag comment sa blog mo kaya ngayun lang naka pag comment, nag re-register pa ko sa depotang wordpress ahahha himishu too mhuachupa LOLz

      2. kung kinakailangang mag log ako sa dati kong blogspot para lang makapagcomment ako sa blog mo.. gagawin ko!! haylabyuberimach jepoy!! ahahay!! eheheheheh stay cool pre!!

  4. bwahaha! napahalakhak ako mag-isa dito.

    una: nakakainis ang mga babaeng ganyan. mga manloloko!

    pangalawa: bilib ako kay mek. mabilis siya. she literally scooped you up from your loniliness. naks! haha!

    pangatlo: bakit nagalit si mek!? in the first place, alam niya ang katayuan mo noon di ba?

    pang-apat: nakakatuwa ang pag-iingles ni mek. naalala ko yung ex ko na inglesera din. naaalala ko tuloy siya ngayon. hahaha!

    bumpfist bro!

    1. *bumpfist*

      una – uu nga eh.. na badtrip lang din ako sa reason kung bakit niya ako iniwan para sa unggoy.. saka ko na ikukwento.. ehehehe mahaba-haba din siya.. ehehehehe

      pangalawa – pinulot niya ako, nilinis at inalagaan.. ganun…

      pangatlo – siguro nainip siya… kulang na lang kasi sa amin yung confirmation na kami na…

      pang-apat – kwento mo naman yang ex mo na inglesera.. ehehehehe

      salamat pre!

  5. baka hindi lang naintindihan yung english mo potπŸ˜† hindi seryoso hayaan mo na yan past is past or else para kang kumain ng panis.

  6. Binalak ko din yan dati. Pero ako yung magsosorry. Pero naisip ko, WAG NA! Para anu pa? Past is past is passsssssssssssssstttttttttttttttttttt!πŸ˜€

    1. talagang ang haba ng past mo eh no… sabagay.. pero kasi gusto ko ipaliwanag side ko at that time, kung na contact ko naman siya dati, eh di naliwanagan sana siya, eh di sana friends kami ngayon sa fb at naglalandian na ngayon.. ok, deadmahin mo na lang yung naglalandian part.. eheheehehe

      1. Kasi antogol togol na. Iniisip ko po kasi, magugumilahanan lang siya. Tipong huh? After 400 years, ngayon mag sosorry? Parang ganun po. Parang may iniimply po. So ibig sabihin, gusto nya pa ko? Baka ganun isipin nya. Ayun po. Haha. Pero I commend you for the apology kahit pa isang malamig na Hu u? ang sagot niya.πŸ™‚

      2. may ganung factor?!?! ehehehe. kaya nga dapat may batas na bawal mag assume.. pwede bang magsorry lang muna.. saka na yung mag-isip ng mga ganyan.. ehehehehe.. salamat salamat..

  7. nagsisi ka ba potpot?
    nagsisi ka ba na hindi kayo bumili ng porn??
    i mean… nagsisi ka ba na hindi mo hinayaan ang sarili mo na mahalin siya like ur ex??

    hello potpot!!!!
    napadaan here ^_^

    1. hi hana!! salamat sa pagdaan ha.. hayaan mo, makiki silip din ako sa blog mo.. sana nga lang makapasok mga comments ko.. may sapi ata ang comments ko kapag sa blogspot ako nangungulit.. ehehehehehe salamat uli!!

      nagsisisi ako bigtime.. sa hindi pagbili ng porn.. ehehehehe

      may kaunting paghihinayang.. kasi nung nagkabalikan kami nung ex ko, downhill na eh.. so sana.. kahit sana.. naging kami kahit papaano.. or mas naging close friends kami… or hindi ko alam.. basta…

  8. Hahaha. Ayan na HU U ka tulooy. Wag na kasing ibalik! Ipinaalala pa e. Ang tagal na non e. Hahaha I’d do the same thing din siguro. Hahahahaha.πŸ˜› Ang dami ko tawa kuya pots parang kilig flick lang sa TV!πŸ˜€

    1. oo nga eh.. na hu u ako tuloy.. maayos naman profile pic ko sa fb nung minessage ko siya.. imposibleng makalimutan niya mukha ko, eh nilalamutak nga niya dati pisngi ko.. amfpt..

      buti naman at natawa ka.. at ako naman dito ay nagpipighati.. eheheh joke lang.. musta ka na rhence?

      1. Oks naman, Wahaha. Keri lang yan!πŸ˜€ Eh kasi naman napaka-honest mo din na sabihin na lab mo pa ang ex mo (na unggoy ang gusto)..pero on the other hand, dapat naiintindihan ka din niya bakit ganun. Tss. Haha. Natawa ko na nagmura sya ng tagalog. Napagsalita mo ng tagalog e. Haha. Hay nako ang dami ko talagang tawa..mga 56. HaahahaπŸ˜€

      2. ehehehehehe.. mas malutong kasi ang mura ng pinoy kaysa sa iabg mura ng banyaga.. eheheheh.. ayoko din naman kasing maging rebound lang siya.. mas masakit yun.. alam ko rin naman kasi ang pakiramdam ng ganun.. salamat rhence at nabisita ka.. at napatawa.. ehehehehe ingat ka palagi ha…

      3. ahhh hindi ko na rin tinangkang i-add.. baka ireklamo ako ng harassment.. hinayaan ko na lang.. inisip ko na lang na isang panaginip ang naganap sa aming dalawa…

  9. Mala bitter ocampo pala ang eksena nito. Pero sayang pot si mek na, im sure may malaking puwang siyang naiambag sa iyo upang maibsan lahat ng kalungkutan na pinagdadaanan mo. Pero kase you cannot teach your heart. ito pa rin ang masusunod. But still may shock absorber ka ng mga panahon na ikaw ay nalulumbay. Pre, forward mo sa kin number ni Mek para ako naman ang maging shoulder to cry on niya..;-) Lolz…

    1. oo.. malaki talaga ang naitulong niya sa aking rehabilitation.. medyo nahibang ako ng ilang buwan dun sa ex ko.. kakaisip kung bakit ako iniwan… well that’s life.. pero tama ka, hindi natuturuan ang puso.. may sarili siyang isip pag dating jan.. pero hindi naman ibig sabihin ay wala akong pagtingin kay mek nung mga panahon na yun.. sino ba namang hindi mahuhulog sa taong tumutulong sa iyo para maging malakas sa mga oras na ikaw ay mahina… number niya? sorry pre, hindi ko na rin nahanap.. pero feeling ko nagpalit na rin siya ng number.. ehehehhe.. saka mukhang madami ka ng pinaiyak sa balikat mo ah.. sanay na sanay ka na ah.. eheheheh

  10. WINNER ANG POST!πŸ˜† “putang ina mo” pala, eh!πŸ˜† yun lang ang itinagalog niya?πŸ˜† nice! click siguro personality niyo… naging bitter lang siya, masakit kaya yun para sa ego ng babae… mabilis lang siya at mabagal ka. kung ako sa kaniya, move on na, gurl… pero hindi ka daw niya maalala eh! panu na yun?

    now i know, chicks talaga si potpot! witwiw!πŸ˜›

    1. oo nga.. ako ata ang babae.. anuber..*make hawi sa long hair* nagtatagalog naman siya kapag nagkwekwentuhan kami, pero kadalasan ay english ang medium namin.. ilang cc rin ng dugo ang lumabas sa ilong ko, pero hindi ako nagpatalo.. haaayyy.. wala na eh.. nakalimutan na niya ang mga panahon na nag-tour kami sa quiapo at hinanap yung suki niya ng porn.. este ng vcd..

  11. Trending ka na naman kuya pot! hahaha
    In fairness tama naman yung ginawa mo, hindi ka nag-take advantage se feelings niya…

    kumusta naman ang Ampalaya plantation niya ngayon? hahaha

    Natawa naman ako sa comment na sana nireplayan mo na chain message yung message mo sa kanya hahaha…wagi ito kahit sawi ka sa dito sa kwento (maka-rhyme lang?!) hahaha

    Psssttt…kuya, pasko palang bumabalentayms ang peg? hahahaha

    1. siguro mayaman na siya at umaani siya ng ga-truck na ampalaya…

      gawin ngang chain letter eh no.. pwede.. naku juice mio.. sana hindi niya nababasa ang blog ko.. sana nga kinalimutan na niya ako ng tuluyan.. eheheheheh.. at oo nga.. pwedeng slogan..

      “wagi.. kahit sawi.. ” a short short film with long explanations…

      starring : potpot.. in a role that no one wants to take..
      mek.. ang may-ari ng ampalaya plantation…

      “wagi… kahit sawi…” a film by Cathy Garcia-Molina.. released thru Star Cinema.. in cooperation with ABS bitter herbs…

      1. ang taba ng utak mo kuya! hahaha…i-produce na ‘yan! indi film ang peg? haha tapos medyo sepia yung kulay para yung mood pang-Quiapo. hehehe

        “Wagi…Kahit Sawi” written by Potpot

      2. naiimagine ko na kapag naisa pelikula ito.. ahahahaah! parang gusto kong mag video tuloy.. amfpt.. lakas trip lang.. ehehehehehe.. salamat tetay!! naiiba na ata tawag k osa iyo.. ahahahahahaha!

      3. hmp! oo nga, pero sige bahala ka na sa tawag mo sa akin, hindi naman niyan mapapalitan ang katotohanang maganda ako kaya keribels lang!πŸ™‚ hehehe
        merry Christmas, mamamasko poπŸ˜‰

      4. hihihi… wag na tampo.. wala naman daw sa pangalan yan eh.. ehehehe.. merry christmas din.. teka.. bakit kayo namamasko sa akin? mukha ba akong mayaman? nasaan na ba ang mayordoma ko??

      5. nayahaha…oo mayaman ka ‘di ba?!
        Ipadala mo nalang kay facundo ang Christmas gift mo para akin…hahaha

      6. facundo!!! ilabas ang mercedes! mamili ka ng regalo sa divisoria! yung 20 pesos ang isa! piliin mong mabuti! hingi kang OR ha… tignan mo kung may TIN number sa resibo! bili mo rin ako coke float! madali ka!

      7. mas mahal pa yung pamasahe ni facundo sa binili niya? good luck naman hahaha…at talagang kelangan ng OR? hahahaha LOL!

      8. syempre kailangang ng OR.. papa-reimburse ko kay papa yang pinamiling regalo.. tapos lalagyan ko ng tatlo “0” sa huli para may kick back ako.. ayy teka.. FACUNDO! eto ang tseke.. eto gamitin mo pambili..

      9. hahaha, tseke naman sana!!! hahahaha…magna-night market nga lang si FACUNDO halagang bente pesos lang tapos tseke? sossssiiiiyal! hahaha

        tsk, tsk, tsk, kurapsyon ‘yan lagot ka sa Pa-Pa mo!

      10. hay naku.. may utang pa nga sa akin si papa nung nag private jet ako papuntang puerto galera with the dogs for nail pampering.. then yung nag yacht ako at nagparty sa gitna ng pacific ocean.. at saka yung time na nag casino siya sa las vegas at natalo siya ng 1.5 million dollars sa jack en poy.. ako nag bayad nun.. kaya ok lang siguro yun..

      11. may kasulatan ba kayong pinirmahan? pero kung sabagay maliit na halaga lang naman ‘yan. taray ng dogs mo! haha

      12. OWMAYGASH! i totally forgot the contract.. sandali.. YAYA!! YAYA!!! can you contact my attorney. tell her to produce a contract.. ora mismo!! *clap clap*

        at oo.. mataray talaga ang mga dogs ko.. maricel soriano level…

      13. hahaha…sng bagal ng yaya mo anebeyen! tsk, tsk, tsk, buti nalang naging friend mo ako, kung hindi walang magpapaalala sa’yo ng contract…haisst

      14. oo nga.. salamat tetay.. isa kang tunay na kaibigan.. sige.. dadagdagan ko na yung gift ko.. FACUNDO!! PUNITIN ANG CHEQUE!! GAWIN MO NG 25 PESOS!! ORA MISMO!!

  12. Malamang wala na yun sa kanya. O Baka talagang di ka na niya maalala. O Baka nag assume ka na special ka. O malamang ayaw Lang nun mapahiya.

    Kung ano man, ikaw na ang chick magnet! Gwapings!

    1. sagutin ko isa-isa ha..
      Malamang wala na yun sa kanya – kung wala na yun sa kanya.. bakit di niya ako nakilala?

      O Baka talagang di ka na niya maalala – 2 buwan kaming halos araw-araw nagkikita.. hindi ako maalala??

      O Baka nag assume ka na special ka – paanong assumption yun eh siya yung nagsasabi ng i love you… ano yun? i love you.. friend?

      O malamang ayaw Lang nun mapahiya – hindi ko naman siya papahiyain, nag sorry nga ako para may closure kaming dalawa.. para maging friends kami kahit papaano.. kasi kahit sandali lang ay naging bahagi siya ng buhay ko… kahit sandali lang…

      Kung ano man, ikaw na ang chick magnet! – chick magnet ba yun? hindi na ako kinausap.. at oo lumalapit ang mga babae, para mangopya ng assignment or para maging friends lang…

      Gwapings! – thank you! ehehehehe…

  13. hello, Pot… magandang Pasko po.πŸ™‚ ay, teka, pwedeng kumanta? “O, bakit, minsa’y sadyang kaydamot ng tadhana?” kung sisihin mo kaya ang pagkakataon, Pot?;) palagay ko, kinanta ni Mek no’n ang “You build me up, buttercup.” peace, kapatid ^^

    magagalit ka ba kung sasabihin kong tama lang ang whu u? reaction nya… 10-12 years na… naiintindihan ko rin yata ba’t ka nagsusumbong sa blog – you meant well by your fb message. yon lang, 10 to 12 years ang dumaan, kapatid… kasaklap ng mga bagay-bagay…πŸ˜‰

    cheers!

  14. hahah.. sana makuha ko ang peg nyang gnun hehe.. ayan kc e umaarte ka pa, ayan na hu u ka tuloy! hahah.. aktwali malapit na din ako magka ampalaya plantation hahah.

  15. Ang galing talaga, napatawa na naman ako ng magazine article mo. Sumusulat din ako sa lifestyle section ng Filipino newspaper dito, siguro mataas ang rate mo kaya ako ang pinagtyatyagaan nila, hihihi. Kakaenjoy talaga ang pagsusulat mo.

  16. inpairness napatawa mo ulit ako sa pangalawang pagkakataon,matanong ko lang sm fairview ba kayo nagdate ni mek? bilib ako sayo atleast di ka nagtake-advantage tulad ng iba dyan.

    1. Malalim ang pinaghugutan niyan… Eh sayang lang at hindi nagkaroon ng bunga..oh well.. Ganun ata ang buhay.. Makakalimutan at makakalimutan mo ang nakaraan mo… O pilit lang na kinalimutan?

    2. Haha ang saya ng article mo sa magazine… mukhang tanga lang. I guess that’s really the idea for the humor, so…achieve!πŸ˜€ Pero malaman din yung sinulat mo ha, di ko alam kong proud ka sa mga pinaggagawa mong yun or satirical hehe. anyway, magaling!πŸ˜‰

      1. Ahahahaha! Salamat at na,igaw ka dun sa magazine… Kaibigan ko kasi yung editor at sabi niya gawa daw ako ng article na medyo light sa readers… Eh hindi naman ako writer, kaya ang ginagawa ko ay yung natural lang sa akin… Loko-loko talaga ako sa totoong buhay… At oo, minsan proud ako sa pinaggagagawa ko, pero kaunting kurot ng realidad… Salamat ng marami june! Nlalagare mo mga post ko ha.. Babawian kita!

      2. Yun nga yung best read ko sa magazine eh. Naghahanap ako ng reblog button di pala WP yun.πŸ™‚
        Babawian parang atraso lang? hehe… You have no idea kung gaano ko talaga kagustong basahin mga posts mo… the pleasure is mine… and please don’t oblige your self to read my posts.πŸ˜‰

      3. Kailangan ko ng mahaba habang oras para mabasa ko ng tuliyan mga post mo… Sagabal talaga ang trabaho ko sa pagbabasa ng blog.. Ehehehehe… Oo nga ano, parang ang samang basahin kapag babawian.. Sige, i will return the favor.. Ayan para kunwari marunong din akong mag english.. Ehehehehe.. Salamat talaga june!

      4. tsk nakakasama talaga ang trabaho sa blogging.
        Why, Amaguard that you need to return the favor? hehe just messing up… sya sya, ingat!πŸ˜‰

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s