dear b…

Dear B,

Kamusta ka na? Long time no see ah…Β  Miss na kita.. Totoo.. Sobrang miss na kita.. Aamin ako sa iyo, iniiwasan talaga kita… hindi sa ayaw ko sa iyo pero kailangan ko itong gawin para hindi mabigat para sa akin…

Nahihirapan kasi akong tanggapin ang mga pangyayari at alam ko na hindi ito biro sa isang tulad ko na lagi na lang biktima ng pagkakataon…

Pero ngayong araw, naglakas ako ng loob na harapin ka at sabihin sa iyo na handa na akong kalimutan ang dumaang panahon.. sawa na kasi ako sa mga sinasabi mo.. sa paramdam mo.. sa gagawin mong impact sa buhay ko… kaya yayakapin kita at tatanggapin ng buong-buo..

Dumistansya man ako sa iyo, hindi ko maitatago na bahagi ka ng buhay ko, at alam ko din na kahit sandali na iniisip kita, at pinilit na i-balewala ang lahat, ay hindi ko magagawa…

Hayaan mong batiin kita ng Merry Christmas… at sana sa darating na taon, habang kasama kita sa bawat luha, sa bawat ngiti, sa bawat pighati sa buhay ko, ‘wag mo sanang kalimutan na nagagawa ko itong bukal sa kalooban ko dahil tinanggap kita…

Salamat ng marami. Mahal na mahal kita.. at kahit alam ko na hindi dito nagtatapos ang ating relasyon, asahan mo na sa buong isang taon ay ilalagi kita sa aking puso…

Ipangako mo sa akin na hindi mo ako pababayaan at bibigyan pa ako ng ibayong lakas para makipaglaban sa hamon ng kinabukasan.. at hayaan mo, hindi na kita ililihim pa.. ipagsisigawan ko sa mundo kung ano ka sa buhay ko…

Mahal kita Birthday ko, at kahit anong iwas ang gawin ko sa iyo, hindi talaga pwede… ikaw kasi eh… ayan, tumanda na naman ako… ang hirap maging 22 23 24 25 26 30 32 34 adult.. pwe..

Nagmamahal..
Potpot (a year older)

Merry Christmas sa mga kaibigan kong walang sawang bumabalik-balik sa aking blog! Nawa’y bigyan kayo ng marami pang biyaya sa darating na taon!

42 thoughts on “dear b…

  1. Waw! December 25 ang birthday mo?? WAW!!! Merry Christmas at happy new year!!! New year talaga dagdag tanda hakhak. More blessings, kuya! Life begins at 40 daw, di mo pa nasisimulan ang life kaya relaks ka lang hahahaha. Happy birthday!!!

  2. Maligayang kaarawan sa iyo, sana sa bawat taon ng buhay mo, mayruong magandang pagbabago ang nagaganap dito. Sa isang head of the family, sana dito naka focus ang pagiisip mo dahil ang oras o araw na magdaan, di na ito maibabalik pa at dito rin nagsisimulang magsisi ka sa nawalang panahon na wala kang nagawa!

  3. Belated happy birthday PotPot!!!πŸ˜€

    “adult.. pwe!” hahahaha! nice one! ^^, young at heart ka naman eh.πŸ˜€πŸ™‚

    1. san!! *kaway-kaway* i am very much ok naman… winter na dito pero hindi pa naman nag so-snow.. hindi na minsan kaya ng heater ang lamig na pumapasok sa kwarto, kayal laging naka balot.. ehehehehe.. have a wonderful sunday!! ingat palagi!!

  4. nagbirthday na pala kayo kuya pot! wala pa kong nabigay sayo. ah pwede makuha address mo jan. may postcard din ako! ehehe
    (wait san na ba yung postcards mo para sakin, akin na!) hahaha

  5. c B ay bagay ke Papa P. hello. nakaantig ang iyong liham, sa kabilang banda may halong kiliti, sabi ko na nga ba at may binabalak eh. Naisip ko, na miss ko rin c B kasi taunan kung magparamdam, ang sa akin apat na taon pa ataπŸ˜›.

    smile…

    1. ahahahaha! bagay ba ang B kay papa P? ahahahaha.. pag sinasabi mong papa P, si Piolo ang naiisip ko.. amfpt… salamat cup! ano na ang balita sa iyo? mukhang pangiti-ngiti ka na lang jan ah.. ehehehehe mabuhay!

  6. dear P… miss ko na ang panulat mo at kakulitan. sige na nga, pati ikaw na rin, haha. kumustamos, kapatid? ako, maproblema pa rin, hihi. hinack ako, kapatid, medyo may katagalan na, hoho. kung ilan sila, kainaman na… tapos, recently, inalis ang Google searches papasok sa dpsa. di ko alam kung ini-report ang site as having mature content or spam o ano… basta, nawala ang Google searches, kakasaklap na buhay, huhu. well, mabibigat pa rin dalahin sa personal, as you know…. ikaw, hope things are bearable, if not better, your side of town. ngiti ka pa rin para di pumangit gaya ng lola mo rito, haha. keep well, look up (ang lakas ng loob magsabi, hihi). ingat ka ryan. hwag kang suplado, nakita na kitang nagsasayaw sa site ni biatch, hakhak. and that goes into your record, peace. *kaway-kaway*πŸ˜‰

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s