…ano ba tayo?…

ano ba tayo?

…kwentuhan ko uli kayo ha, pagtiyagaan sana ninyo ito… hindi sa nagyayabang ako pero akala ko kasi ako lang ang nilalagay sa friendzone, ako din pala ay may nailagay sa friendzone ng hindi ko sinasadya… hayaan ninyong ibahagi ko ang kwentong ito, ilang taon na rin ang lumipas…

(sakay time machine)

…unang trabaho ko at sa laguna ako nadestino bilang isang PE, physical educator, sa isang planta ng plantsa… ilan kaming pinalad na mabunot ang aming resume sa tambyolo ng mga aplikante para sa nasabing posisyon…

…araw ng training, 7 kaming PE at may naligaw na isang HR, horse racer, at dahil hindi siya sanay sa mga lengwahe ng mga PE, ay kinaibigan ko siya para hindi naman siya ma-OP, only person….

…ilang araw din kaming masayang nagkukwentuhan, nagpapadala ng mga mensahe gamit ang kalapati at yung manaka-nakang titigan sabay tango o di kaya titigan sabay tawa… masaya ang mga bawat sandali dahil may bagong kabigan… or so i thought…

…kadalasan, ay nagkakasabay kami sa sakayan ng shuttle sa may magallanes, at lagi kaming nagtatabi para magkwentuhan ng mga kaganapan sa buhay… sabay din kami kung umuwi at nauuna siyang bumaba ng FTI… at kahit napagkwentuhan na namin ang isang bagay, panay tawa pa rin kami, na marahil ay nabibigyan na ng malisya ng ibang mga tao sa loob at labas ng planta…

…isang araw, ay nahuli siya ng gising at hindi nakaabot sa shuttle… agad niya akong pinadalhan ng mensahe na hintayin ko siya at sumakay na lang kami ng FX, fire fox, papasok…. at kahit alam kong mahuhuli ako, ay hinintay ko pa rin siya, ganyan akong kaibigan, walang iwanan…

…magkatabi kami sa FX, at dahil medyo puyat pa ako ng mga panahon na yan, ay hindi ko sinasadyang makatulog at madantay ang aking mga ulo sa kanyang balikat… hanggang sa makarating kami sa planta, ay saka lang niya ako ginising…

Uyyy, sorry ha.. natuluan ba kita ng laway? pabiro kong tanong…

Hindi naman, ok lang, sarap nga ng tulog mo, himbing na himbing ka… sagot naman niya…

Nakakahiya naman sa iyo, pasensya na uli ah… sabay tapik sa kanyang balikat…

Ok lang nga, ano ka ba… na sinuklian naman niya ng pisil sa aking braso…

…sabay kaming kumain ng lunch ng 11:30 dahil ‘yun ang schedule ng aming kain kapag nasa planta, at kahit alam ko na 1:00 pa ang break time niya, pinipilit talaga niya na magkasabay kami, ang sweet lang…

…sa loob ng dalawang buwan ay ganyan ang routine namin.. hanggang isang araw, naging kakaiba ang timpla ng lahat…

May GF, grape fruit, ka ba pot? pag-uusisa niya sa akin…

Meron! bakit mo natanong? mabilis kong sagot…

Wala. katahimikan…

…ilang araw niya akong iniwasan at hindi kinausap, lagi niyang sinasabi na marami siyang ginagawa at meron lang daw siyang inaasikaso sa bahay nila…

…hanggang isang araw, nagkasalubong kami sa corridor… agad ko siyang inakbayan, yung akbay tropa, na kinagulat niya dahil bakit ko daw siya inakbayan… sinagot ko siya na, sira! na miss kaya kita! tagal nating hindi nagkita at nag-usap no.. 2 weeks ba?

…at nagsimula uli ang kulitan at tawanan…

…pagkatapos ng isang linggo, inaya niya akong kumain sa mcdo sa may magallanes, mag-usap daw kami… eh di pumayag ako dahil gusto ko rin namang tumambay muna…

…habang umiinom ako ng softdrinks, nagtanong siya…

mag ano ba tayo?

*gulp* ammm.. magkaibigan? bakit?

eh bakit pinapaasa mo ako na parang may gusto ka sa akin? medyo tumataas ang boses niya..

ano ka ba! alam mo naman na friends lang tayo, at alam mo ding may GF ako ‘di ba? sagot ko naman..

pero sinasaktan mo ako, pot.. bakit kasi ang sweet mo sa akin? sa iba hindi ka naman ganyan…

sorry… maiksi kong sagot…

…pinag-usapan namin na hindi kami pwede dahil nga one way lang ang feelings.. pero hindi namin tinigil maging magkaibigan.. at hanggang ngayon, kahit minsan na lang kami magkamustahan, nag-uusap pa rin kami ni oscar… mabait naman kasi siya… kaya hindi dapat iwasan… ayun.. hihihihi…

87 thoughts on “…ano ba tayo?…

  1. ang ganda mo pa ring magkwento, ang gaan lagi…πŸ™‚ hello, Potski!

    hmnn, halatang ginawa mo na lang twist ang pagiging Oscar nya. mukhang girl talaga ang ikinukwento mo, all along, Manong, as in… ang galing mo sa paghuli ng imagination ng readers at sa pag-break ng stereotype – ikaw na!πŸ˜‰

    antagal mo uli bago nakapag-post. panay OT ka siguro, hwag ganyan, haha.πŸ™‚

    1. hi san!! *kaway-kaway!* thank you at nagustuhan mo…

      ‘wag mo ng i-over analyze yan, hayaan mo na lang na ganyan ang kwento, baka mabasa pa nung taong tinutukoy ko sa kwento kasi dati siyang nagbabasa ng blog ko, ewan ko lang ngayon ha.. eehehehehe..

      sorry ha, naging busy sa work, as in super busy… at kahit ayokong ma-stress, natuloy pa rin.. hay… kalerkey… musta ka na san? have a fun weekend ha!!

      1. hala, fan ako ng mga kwento mo, naman…πŸ™‚

        di ko over-analyze, hala. magaling ka, yon lang, hehehe. at mabagsik, kainaman na… parang ang dami mong close encounters ng closeness na di nag-mature into full relationships? ahaha, ganyan ka kabait? companionable ka, kapatid? pwede ka nang magtayo ng escort business, ahehe…

        eto, walang gaanong output ang week, ang sama ko…hindi naman yata stressed, napasobra lang sa kape. btw, weekend na, mag-destress ka na, kapatid. have a fun and restful weekend, Pot…πŸ™‚ kaway-kaway…

    1. kapag napapatingin nga ako sa salamin, hindi ko maisip kung bakit may nakawalang gorilla sa zoo, tapos ako lang pala yun.. ehehehehe

      hindi ko sinasadyang mafriendzone siya… kasalanan ni oscar na mahulog.. lahat ng signs ko ay pang friendship lang…

  2. hehehe yang bang oscar ay first or last name?

    pero kasi wala namang sanang problema kung sincere lang at wag hahaluan ng malisya. baka naman may nakitang kamali-malisya potsquared? hohohoho

    1. anong paasa jan? hindi ko alam na ang ginagawa ng isang magkaibigan ay pwedeng mamisinterpret bilang more than friends… huhuhu.. wala akong kasalanan… at oo bagay nga kami…

  3. Hi, Pot. I miss you na. Napatawad na kita kahit nilagay mo ko sa Friendzone – Oscar

    Hahaha. Idol talaga kita, Boss Master Tsip. Next time mag-ayos taong grasa ka na para wala nang mafall sa yo. Ganyan din ang ginagawa ko eh.

    1. nagpapaka-ermetanyo mode na nga ako.. nagpapahaba ng buhok at nagpapahaba ng balbas.. next month, no-ligo na ako para mas makatotohanan… eheheheh..

      .. at oscar.. wag ka na! past is past!

      1. Sayang. Kala ko pwede pa. -Oscar ulet, ayaw gumive up

        Haha. Subukan mong magpakapal ng tinga sa ngipin, epektib ren. Yung mala-miso na sa kapal ah. Yan ang secret weapon ko eh, to ward off evil spirits at mga taong napo-fall.

  4. hello, Pot… wala pang bagong post? ahaha, ikaw na ang maramig na-buttercup, pambihira. alalahanin mo, kapatid, kailangang mag-ipon ng indulhensya, sige ka.;) hmn, parang anlupet ng pagiging cool mo, naknang… regards, Pot. salamat sa dalaw and kaway-kaway.πŸ™‚πŸ˜‰

    1. ang lalim ng indulhensya ah.. buti na lang at ganyan makipag-usap sa akin ang mga tiyahin ko kaya naintindihan ko.. ehehehehe.. cool nga ako.. cool-lang sa katihuan.. ehehehehe.. at teka.. yan ba ang bagong tawag sa pakikipagkaibigan? buttercup? parang kapag sinabi ko yan sa bagong kaibigan “pwede ba kitang i-buttercup?” masasampal ako ng wala sa oras.. ehehehehe.. regards din san! basta may oras ako, bibisita at bibisita ako.. pagpasensyahan mo at hindi ako makagawa ng post, abala lang sa trabaho.. sorry naman.. hihihi.. *kaway-kaway*

      1. hoy, manong, di kami magka-edad ng titas mo, bruho to.πŸ˜‰ sabi nga ni Lea S. she will slap any 35-year old calling her tita, haha. patatawarin muna kita, 34 ka pa lang, whehe.

        hala, doon yon sa kanta, “You build me up, buttercup. Don’t take my heart, huhuhohuho…”

        o, ingat ka sa kabusyhan, kapatid na Pot. salamat sa mga dalaw at sa kind words – appreciated po.πŸ™‚πŸ™‚

  5. Teka, saang magallanes sa makati ba? Baka nakakasabay kita dun dati, gano na ba katagal to? Hakhak. Galing mo magkwento, nagiging comedy lag kahit tunay mong experience.

  6. Sabi na nga ba may twist nanaman ang ending eh. Ay kahaba ng hair ni Oscar ha, assuming. Baka naman kasi yang tapik mo may kasamang konting pisil!πŸ˜›

  7. hahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!!!!!
    sabi ng isip ko kaya lang nasa opis ako kaya hindi ako maka-laugh out loud…

    i love u so big na!
    happy hearts day sa’yo, at kay oscar din πŸ˜‰

    1. hi hana!!! belated happy hearts day!! kalimutan na natin si oscar.. hindi na siya babalik.. EVEEEEEEERRRRR!!!

      hinay hinay lang sa pagtawa sa isip.. baka mabaliw ka niyan.. hihihi salamat sa pagbasa!1 i am so touched!!

  8. Homaygaaaad! Nagulat parin ako sa “ano ba tayo?” na part kahit alam ko na yun ang title.
    Naalala ko may ganun din akong experience pero sa dami, di na ako sure kung ako ang nagtanong or ako ang tinanong….pareho yata hehe.
    Galing mo magkwento, nakakapiga ng emosyon, dami ko kayang tawa at naramdaman….
    teka lang CR muna ako.πŸ˜€

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s