pa-laser ng kili-kili…

May kasabihan nga ang mga Pilipino, dalawa lang ang tao sa mundo, ang nananalo at ang nadadaya. Kung ano man ang koneksyon ng sinabi ko sa post ko na ito, ay ‘wag na ninyong isipin kung ano dahil wala talaga. Gusto ko lang sabihin iyan, wala naman masama ‘di ba? ‘DI BA? SAGOT!

Napilitan ako Ipinagmamalaki ko ang entry na ito dahil isasali ko sa pa-contest ni hoshi dahil gusto kong magpalaser ng kili-kili kung sakaling manalo ako dahil gusto kong ibahagi ang aking kwento sa inyong lahat.. *bow*

“Bakit ako nag ba-blog?”

Ang totoo niyan, iyan din ang tanong ko sa sarili ko, at hanggang ngayon, hindi ko alam ang kasagutan sa katanungan na ito. The End. NOT!

Bigyan ko muna kayo ng background kung paano ako nagsimula.

“TIME SPACE WARP, NGAYON DIN!”

Once upon a time, may isang napakagwapong lalake na tatawagin natin sa pangalang Potpot. Itong gwapong lalake na ito ay may kahindik-hindik na charisma at nakakakilabot na sex appeal mabait at mapagpakumbaba. Kaya nga siya ang paboritong habulin ng mga aso tambay babae pinagkakautangan ng pera eskwelahan para gawing scholar.

Dahil hindi siya mayaman, ninais ni Potpot na makipagsapalaran sa bansa ng mga geisha at samurai upang hanapin si shaider para sumali bilang pulis pangkalawakan, pero sa kasamaang palad, hindi siya nakapasa dahil bumagsak siya sa written exam dahil hindi siya marunong magsulat. Pramis.

At dahil mag-isa siya sa bansa ng mga supot (plastic dahil maraming laruan dito), ilang beses na ring inisip ni Potpot na gumawa ng isang bagay na sa tingin niya ay magbibigay aliw sa bilyong-bilyong sangkatauhang gumagamit ng internet. Ang gumawa ng porn ng blog. Pero ang totoo niyan, gumawa siya ng blog para magkaroon ng libangan dahil nakaka-depress ang malayo sa labing dalawang panganay, limang asawa, tatlong kabit, pitong sugar mommy, limang fafa, at isang nanay…

Pero seriously, ang pagba-blog kasi ay ang aking escape sa realidad. Alam naman natin na ang realidad ay seryoso, at dito sa interwebs, naipapakita ko kung gaano ako kapalpak kahusay sa pagsusulat. Kaya ako gumawa ng comedy/reality/action/fiction/drama blog. Ok, opinyon ko lang yung kahusayan ko sa pagsusulat, sorry, unggoy lang.

Naniniwala kasi ako na laughter is the best medicine, at yan ang kaya kong ibahagi, ang magpasaya ng tao. Hindi man ako seryosohin sa kalokohan ko, ay ok lang, basta alam ko na isa sa mga post ko ay nakapagbigay ng ngiti, tawa at halakhak sa mga iilang naliligaw sa aking pahina.

At bilang panghuli, dahil binibilang ko words dito sa entry na ito, baka madisqualify pa ako, sayang ang pampakinis ng kili-kili, kaya ako nagba-blog ay dahil gusto ko, ganun kasimple, kaya para sa inyo, WALANG BASAGAN NG TRIP! *bow*

Paglilinaw:

ang post na ito ay sagot sa Hoshi’s Blog Life Contest

walang sinaktan na hayop sa paggawa ng post na ito

hindi ako mahilig magpa-like sa facebook, at hindi rin sincere ang paggawa ko nito, pero kung ibibigay sa akin ang gantimpala para matanggal ang buhok ko sa kili-kili ay iiyak ako.

73 thoughts on “pa-laser ng kili-kili…

      1. Ai hindi wax lang! Haha. Pero yung feeling lang na hairless e masarap sa pakiramdam at hygienic!🙂 pero sabi nila pag nagpalaser ata after 6mos kana ata tutubuan. Matagal ttubo.

      2. Permanent na? Ang alam ko matagal lang tubuan e, meron na palang permanent!🙂 May kirot pero tolerable naman yung sakit, sobrang onting sakit lang naman. Mga 2sec lang tapos oks na. Hot wax try mo🙂

      3. parang natakot ako bigla.. parang ang sakit kapag binunutan ng buhok.. yun ngang sa balbas ko eh, umiyak talaga ako nung hinila ng bata.. ang sakit…

      4. Naku hindi naman masakit. Gugupitan naman yung buhok hanggang sa pinakamaliit na kaya tapos tsaka iwa-wax yung natira. Ako din una natakot pero kayang kaya naman! Pramis! Peksman! Hehe

    1. ako ang dapat magpasalamat sa iyo at bumabalik ka dito sa blog ko.. salamat RP! nakakataba ng puso na maraming natutuwa.. kahit sa mumunting paraan na ganito eh makapag bigay ako ng aliw sa iilan.. salamat uli RP!! mabuhay!

  1. Ayos ang entry! Iba ka Talaga kuya Potpot. hehehe

    bakit naalala ko bigla yung pagsuot mo sa salbabida. ganoon kagaling eh. lusot kong lusot sa kwentong lokohan at seryosahan. mabuhay ka!

  2. IKAW NA. talaga pot… taena laughtrip ako talaga dito…tagos tumbong ko sa mga sulat moh…wohhhhhhhh! Ikaw na ang mananalo kay hoshi, sigurado. I recommend ko sayo doktora velo ko para mas maging malinis yung kilikili mo😉

  3. hello, Pot… pag nanalo ang entry mo, sa ‘kin na lang ang pampa-laser ng kili-kili, hihi. am sure, mas maganda pa ang kili-kili mo kesa sa underarms ko, feeling ko lang, whehe. usapan yan, ha?😉 have a pleasant weekend, kapatid….

      1. heh! maayos naman ang kili-kili ng lola mo, bruho. pero feeling ko lang, mas makinis ang underarms ni lolo Potpot, uu. mukhang makinis syang mama at inalagaang mabuti ng nanay, haha. arte nya lang na gusto nya ng free laser ng kili-kili, believe me. hi, Potski! happy weekend, kaway-kaway!😉🙂

  4. Nyahaha! Bakit gusto mong magpa-laser? Metrosexual men lang? Hehehe =)
    Natawa ako sa usapan niyo ni Rhence sa comment box sa taas. Usapang kili-kili. Well, suportanta ka Kuya Pot! At pag nanalo ka, post mo yung flawless mong kili-kili at yung karanasan mo dun. Hahahaha =)

  5. well, na-achieve mo naman yung aim mo at natawa ako sa post mo. good luck sa contest! kung hindi ka man manalo, at least may pampainit ka pa rin ng kilikili jan sa bansa ng mga supot (saan ba ang stress ng word na ito, sa first or second syllable?).

  6. yun oh! tapos na ba ang contest potski? parang bigla ako nainggit parang gusto ko na rin mag pa lazer ng buhok sa kili kili hahaha.. anyways sana manalo ka at alam kong mananalo ka.. eh suki mo kaya ako.. ako pag nalulungkot dito ako nagbababad🙂 i like your blog i really really like hihi

  7. I LOLed so much at this post. But I;m so late for the party. I’m not getting your updated post. I’m supposed to be following you !

    Anyway, Cheers ! Oh, did you win the contest ?

    1. awww.. i’ll sue wordpress for not showing my post on your dashboard!! how was the party? ehehehe

      thank you! the contest is still on going.. i have tough competition for a hairless armpit… woohoo!!

  8. Mukhang di ka na makakapag-pa-“laser” ng kili-kili, bakit kamo? Kasi ipinaskil ko na ang aking pagtatangka, pero huwag kang mag-alala, sakaling masungkit, ibabahagi ko ito sa iyo, para di ka na uutang sa akin, hehehe. teka, kelangan ba talaga laser, puwede bang “tyani” na lamang.

  9. Hahaha…ang kulet.
    Next time sisiguraduhin kong mag-isa lang ako pag nagbabasa ng blogpost mo para di ako magmukhang tanga tumatawa magi-sa.😀

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s