puso…

May sasabihin ako sa inyo, atin-atin na lang ito ha, ‘wag na ninyong ikakalat, sikretong malutong ito. Alam ba ninyong dati akong naging stalker? Oo, stalker ako dati. Matagal na naman iyun at kaya ko lang naman ginawa iyun ay dahil sobrang tinamaan ako dun sa chick na yun. Marahil nagtataka kayo kung paano nangyari yun ‘no? Pwes! Kumuha na kayo ng popcorn, labakara or panyo para sa luha, at tissue pang-singa, at ikukwento ko sa inyo.

Dear Charo… *que maala-ala mo kaya instrumental theme song para mas feel*

Third Year college po ako noon, usong-uso pa ang mga hacked ISP accounts dahil dial-up pa ang in na in noon. Kung wala po kayong hacked account, jologs po kayo.

Nag-jojoin po ako sa mga mirc chatrooms noon, at dahil first time kong makagamit ng “internet”, sinubukan ko kung masaya ba ito. At nasiyahan naman ako ng 5%. Ok sige, 6.5%.

Sa DALNet po ako naligaw, at nanatili. Marami akong naging mga kaibigan at madami na rin akong naka-eyeball, pero may isang babae ang nakapagpatibok ng aking pagkalalake puso, tawagin na lamang po natin siya sa pangalang Vangie.

Hindi pa po uso ang webcam noon, kaya palitan lamang po ng larawan ang pwede, at noong nasilayan ko ang mga malalaki niyang dibdib mata, sinabi ko na sa aking sarili na, “I think she is the one”, sabay tulo ng aking laway luha sa tuwa.

Sa chatroom pa lang ay meron na kaming “understanding” at dahil ako ay isang manyakis na binata “hopeless romantic” naiisip ko na agad kung ano yung mga maiinit na tagpo mangyayari kapag nagkita kami.

Tawag sa telepono, message sa mirc, telegrama, message sa icq, carrier pigeon, smoke signal, bat signal, at kung anu-ano pang pamamaraan para magkausap kami. Malandi lang ako. Pagbigyan na ninyo ako.

Nagkaroon na kami ng usapan na dadalo kami sa isang “group eb” at pagkatapos ay pupunta kami sa lugar na pwede kaming mag-usap ng masinsinan, sa motel sa jollibee.

Nasa 7-11 po ako naghihintay, ng may lumapit sa aking babae.

“Potpot?”
“Van..hmmmm….gie?”
“Hi!”

NAKNAMPOTAH ATE CHARO!! MAS MAGANDA SIYA SA PERSONAL!

Inabot niya ang kamay niya na mabilis kong sinalo at naghintay ng 30 seconds bago ko binitawan. Malandi lang.

Hindi ko na napansin ang iba pang mga kasama namin dahil nakatutok lang ako ng tingin kay Vangie, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko, na “love at first sight” ang beauty ko sa kanya. Kita ko naman na may “reciprocation” dahil panay ang hawak niya sa braso ko at kurot sa pisngi ko. It’s a sign.

Kaya nung niyaya ko na siyang mag-usap ng masinsinan, ay agad siyang tumanggi, dahil inamin niyang may bf na pala siya. Si Charles.

Ang sakit-sakit ate Charo, pero ok lang, sinabi ko naman na ok lang na maging friends kami, pero ang totoo, I WANT MORE!!

Inalam ko ang lahat-lahat tungkol sa kanya, at kahit hindi pa uso ang friendster noon, nalaman ko ang lahat-lahat tungkol sa kanya. Mula sa parlor na pinupuntahan niya hanggang sa sanitary napkin na ginagamit niya. Dinaig ko pa ang bagsik ni Sherlock Holmes, ang abilidad ni Inspector Gadget, ang sumbrero ni Dick Tracy, ang pagkaabnoy ni L at ang height ni Detective Conan sa husay ko sa pagsaliksik.

At hindi nagtagal, nung nalaman kong naghiwalay na sila ng tukmol niyang boyfriend na si Charles, ay agad akong pumasok sa eksena. Pero masakit ate Charo, dahil nung sinabi ko ang “feelings” ko sa kanya, ay agad niya akong sinabihan na;

“Sorry Pot, you’re not my type”

OH SYET ANG SAKIT-SAKIT LANG!!!

Pero wala akong nagawa, kundi ang kalimutan siya. Kalimutan… Kalimutan.. Kalimutan…

Lumipas ang ilang taon, siguro mga 1 year, habang kasama ko ang jowa ko noon, nagtagpo kami sa isang mall sa QC ng hindi sinasadya.

“Hi Potpot, still remember me?”
“Van…hmmmmm…..gie?”
“OOOHHH! YOU STILL REMEMBER!”

Niyakap niya ako noon na parang ayaw na niya akong pakawalan ate Charo.

“So, does your offer still stand?”

Ngumiti ako, hinawakan ko ang kamay niya at sinabi ko with feelings;

“NEKNEK MO!”

Sabay alis hawak-hawak ang kamay ng jowa ko… si Charles…

61 thoughts on “puso…

    1. i will take that as a compliment.. parang yung sinabi mong “sinasabi ko na nga ba eh!!” ay may kakaibang ibig sabihin.. pero salamat leeyo!!! ammm.. mapapautang mo na ako?

      1. HAHAHAHA!πŸ˜‰ pag-ibig pa lang ang mapapautang ko sayo…πŸ˜„ hindi pa panahon ng pagaani kaya wala pa akong datungπŸ˜„

    1. huwaw!! so kilig naman.. gusto ko malaman ang kwento ninyo… hihihi.. nakakarelate kasi ako jan.. ehehehehe… so ibig sabihin tayo ay mga. amm.. early 20s pa lang.. hihihi…

      1. mga late 20’s nun nagsimula ako maadik sa irc, once lang ata kami naging magkachat ni cheese un mga sumunod text and tawag na sa phone pero mga ilang linggo din before kami nag eyeball.

  1. hahaha! pinalagpas pa niya ang pagkakataon e. nakuha mo tuloy si charles. hahaha!

    nagutom tuloy ako sa jobee at 7-11 kailangan makabili na at baka makakita rin ako ng ganitong eksena.

  2. hahahaha. yung mga batsignal at badsignal para kay Charles lang pala yun. hahaha. ang tindi mo kuya. hehehe. sarap gawan ng storyboard!!!!
    napaiyak ako sa ganda at trahedya ng lovestory ni Van.. hmmm.. gie. hahaha

  3. Ang galing galing!!! HAHAHAHA. Walang ‘one more chance, one more chance’ sa’yo. Na-in your face siya. BOOM! HAHAHAHA!!! Di na ko tumigil katatawa baka mapanaginipan ko pa’to.

  4. hello, Potski… ikaw na ang istoryador, hihihi. parang ang tigas ata ng word, huh? basta, ikaw ang magaling gumawa ng wento, galing.πŸ™‚ ei, parati ka na lang hinahabol. habulin? pero yun lang, no more chance sa episode na ‘to, hihi. hellow! kaway-kaway.πŸ™‚

  5. Gustong gusto kong tingnan muna ang ending.. ^_^ pero malakas ang dating ng kwento kaya dapat simulan sa pinaka- umpisa…

    Ikaw na talaga! Ikaw pala ang matindi ang pagnanasa kay charles… Hihi.
    Ginamit mo din ba ang mirc/DALnet kay charles?:)

  6. Hahaha. Old School ang mga programs ah pero alam ko lahat yun, di ko nga lang nagamit lahat hehe. MIRC, hmm those were my totoy days.

  7. Sobrang nakakaaliw!!! Sa sobrang pagkaaliw ko, hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa kwento mo! Jk! hahaha!

  8. hello, Potski… dumaan lang ako para gisingin ang inaantok pa ring funny bone thru your riot posts. am wondering, malamang seryoso kang tao sa totoong buhay (like your father). na hindi naman every minute, kalokohan at kabulastugan ang naiisip mo, hihi. minsan, may seryoso rin, seryosong kabulastugan, hakhak.

    saka pala para sabihin, seryoso ako, mag-guest post ka do’n sa ‘min. hanap ka sa archive ng luma mo pang composition, ta’s publish natin…πŸ™‚

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s