job interview…

…hi guys!! to make the long story short.. i am back.. at sana magtuloy-tuloy na… ang hirap naman kasing sumulat, sa totoo lang, ayokong gawing obligasyon ang pagsusulat kasi nawawalan ng sense.. pero kailangan isipin ko rin na kailangan kong gawin ito dahil mayabang ako at gusto kong ipamukha sa inyo na magaling ako…

ok, pasensya na po at na hack po yung unang paragraph ko.. hindi po ako nagsulat niyan.. ‘wag na lang po ninyong pansinin.. sige na.. please… kiss ko kayo… MMWT! (mwah mwah with tongue!)…

alam ba ninyo na bago pa ako magtrabaho ay madami-daming kumpanya na ang inaplayan ko pero lagi akong sablay… at dahil fresh grad ako ng kursong vulcanology, major in cosmetology noon, desidido akong makapasok sa kumpanyang sa tingin ko ay maghuhubog sa akin para maging isang propesyonal, kaya ang isang buwan ng paghahanap ko ng trabaho ay talaga namang hindi ko malilimutan…

syempre, kapag may interview ako, daig ko pa yung manliligaw, naka slacks, naka long sleeves, naka sapatos na pinakintab gamit ang biton, yung ginagamit sa sapatos ni Sion na kapag nilagyan mo ng biton, kikinis yon… yun yon… at yung mga linyang “i want to be part of your company because i believe, that your company is the best, among the rest! i thank you! *bow*” – parang sagot lang ng ms. universe candidate sa final 10…

bagong ahit, bagong gupit ng buhok, trimmed nails, bonbon baby cologne at tawas para di magkaputok… pero bakit laging rejected ako?? pasado naman ako sa mga exams at initial screening, pero kapag sa major major interview, laging sinasabi nila sa akin na “we will call you” or “we will get in-touch with you”.. syet…

naka-sampung job interviews na ako pero wala pa rin, kaya para akong nabasted, yung parang galit ka dun sa nililigawan mo kasi pinaasa ka pero hindi ka dapat umasa… yung ganyang peg…

eh one day, isang araw, nasa bahay ako ng mga pinsan ko at nagkayayaang uminom.. araw ata ng martes yun, at dahil isa akong dakilang bum, sumama ako at nakipaglasingan na parang walang bukas… at dahil sa aking katangahan pagiging makalimutin, nakalimutan ko na may job interview pala ako sa laguna at kailangang 5:30 ng umaga ay makaalis ako para umabot sa interview ko ng alas-9… eh natapos ang inuman ng alas-2.. PATAY!

kaya kahit lasing ako, pinilit kong magpaka-kuya germs.. walang tulugan… hindi ako nakapag suot ng kurbata, tinupi ko ang long sleeves ko dahil mainit, hindi ko pinakinis ang sapatos ko, nakalimutan kong mag-ahit, magpagupit at magcologne, at higit sa lahat, amoy emperador brandy pa ako na may halong red horse… goodluck!

9:30 na ng umaga.. late ako sa interview… nung tinawag na ang pangalan ko, ni hindi ko alam kung saan ako pupunta, nagtatawanan nga ang mga kasabayan ko dahil mukha akong homeless na nagnakaw ng damit sa sampayan…

interview na… medyo maganda yung nagiinterview sa akin so kahit sesenglot-senglot ako ay tumindig ako na parang manyak professional.. at sinagot ng sincere ang mga katanungan niya tungkol sa aking buhay…

HR : So Mr. Potpot, how are you?
Potpot : I’m fine, thank you! Keep the change..
HR : Alright, so Mr. Potpot, how do you see yourself in the next five years?
Potpot : Good question. I will see myself looking back 5 years from now and saying, “thank you for hiring me”
HR : hahaha, that’s cute. So what do you think are your skills that will help us decide to hire you?
Potpot : Not only do I poses the built and strength of a body builder but I am also capable of making this company earn millions of pesos with just my charms!Β I am very resourceful and very diligent when it comes to work. I am also a team player and can work under minimal supervision.
HR : Right.. *look of disgust* So do you have any questions regarding our company?
Potpot : Yes I do… ammm where is the toilet? None as of the moment.. Hope to see you again.
HR : Don’t count on it.. Sure.. Thank you!

at after ilang days.. akalain mo TANGGAP AKO! hindi ko alam kung natakot ba sa akin yung HR o nahumaling nakita niya na desidido akong makapasok sa kumpanya…

i therefore conclude, na sa pagmumukha kong ito, hindi kailangan na magmukha akong tao, ang importante ay maunahan ko sa sindak yung nag-iinterview…

Pahabol : sa lahat nga ng mga naging trabaho ko, kapag umattend ako ng interview, hindi ako nag-eeffort na mag-ayos, at swerte naman na natatanggap ako.. sa ngayon, pang anim na kumpanya na itong pinapasukan ko ngayon.. siguro ang swete ko ay yung balbas ko.. ‘wag na kaya akong mag-ahit? ng buhok sa kili-kili?? hihihi…

51 thoughts on “job interview…

      1. hahaha! trabaho kaya yan! bawal magreklamo. Tayong nasa bottom ng foodchain, tatango lang pag binigyan ng trabaho. Oo lang ng oo.

  1. Naalala ko (down on memory lane).πŸ™‚ college days uso working student.. kaya apply din ang lola sa jollibee.. may kasabayan akong mukhang pokpokin at parang basag pa.. akalain mong sya natanggap? Ang question why will we hire you? Ang sagot ko because I want to help my parents and to be of service… ang sagot nya? Para meron ako panggastos sa panglandi ko!

    O di sya na! Gandang gabi..

  2. ..naalala ko tuloy nung mga nakaraang job interviews ko. may pagkakatula tayo. ilan na rin ang naapplayan ko, at ung mga iyon, talaga namang pinaghandaan ko. pero walang tumawag sa akin. pero etong work ko ngayon, sa totoo lang, ang pinakahindi ko pnaghandaan ang interview. ni hindi nga sumagi sa isip ko na iha-hire nila ako at magtatagal sa kanila. tama ka sa conclusion mong …””hindi kailangan na magmukha akong tao, ang importante ay maunahan sa sindak yung nag-iinterview””

    apir! haha. maligayang pagbabalik pala! MMWK! (mwah mwah with kindat!) hahahaπŸ™‚

  3. napakanta ako sa sapatos ni sion! hahaha! patay na ba ung isang member ng banda nila? cancer daw ata…

    sinubukan ko ring mag-apply dati sa laguna technopark. parusa ang byahe ko! 10am ang interview. nakarating ako ng 1pm. hindi ko kasi alam kung paano makarating dun noon tapos mali mali pa ang binigay na direction ng tumawag sa akin. tinuloy pa rin naman ang interview at sinabi ng interviewer na tanggap agad ako. over qualified daw ako sabay sabi ng sahod. dahil sa hirap ng byahe hindi ko na tinanggap ang offer.

    welkam back parekoy!

    1. salamat sa additional info..

      ang layo di ba? pero ganun ata talaga.. nandun naka-base ang mga trabaho para sa mga tulad nating.. amm.. gwapo? ehehehehe thanks parekoy!! mabuhay!

  4. haha pinaalala mo sa akin ang sagot ko nung tinanong din ako kung may tanong ako / ano first impression ko sa kompanya. sabi ko pangit CR nila haha. aba, natanggap. lol

    haha Mwah mwah with tongue lolπŸ™‚

  5. “Good question. I will see myself looking back 5 years from now and saying, β€œthank you for hiring me.” – Ang dami ko tawa dito kuya pot. Hahahahah.πŸ˜€ Natuwa siguro sa humor mo yun.πŸ™‚

  6. “kapag may interview ako, daig ko pa yung manliligaw, naka slacks, naka long sleeves, naka sapatos na pinakintab ”

    So true! haha ganun din ako nung una. hehe

      1. tama kanaman parin kuya eh.. hehe agree agree pa.flirt flirt na lang basta nakadaming interview na. hehe. sanay na sanay na sa paglalandi..este interview pala. hehe

  7. Uhm, may bago akong guide sa pag-aapply ng trabaho. Ako pa naman, todo ayos pag may interview. Try ko yung tulad sa’yo, hindi masyadong planado.. (at makikipag-inuman ako before the interview..kidding!) Welcome back Kuya Pot. Walang kupas hihihi =)

  8. hello, Pot… thanks for the visit and the like. napilitan ka lang ata? hihi…πŸ™‚

    ei, ang hirap kaya no’ng tanong na how do you see yourself 5 years from now? susko, level of agressiveness plus planning ability tsuba ang sinusukat sa tanong, kapatid… and moi, mataray lang tingnan but susme, di po ako agressive, mygawd…πŸ˜‰ parang naipapasa ko naman ata ang kalahati, yong part about planning, tsika…. kunwari, may plano sa buhay maski wala naman talaga, hihi. what the hey…πŸ˜‰

    hoi, bruho, pagbalik mo ro’n, comment ka… comment ka sa eva peron post, dali…πŸ™‚
    okey ka lang ba dyan, potski? *kaway-kaway*

  9. eh kaya naman pala hindi ikaw ang nanalo sa blog contest kasi baka mabawasan ang charm ala samson. actually tama ka dyan, parang the more na nag-e-exert ka ng effort parang chinuchuva ka lang ng HR.

    i understand yung system ng mga nagha-hire, pero seriously sa ilang company here, medyo napapalastikan ako. they are looking for people na sasagot ng hindi totoong sagot. kung ako ang magiging HR i’ll not ask about five years from now. hohoho

  10. Nakakainis! Partida pa yun ha, mukhang homeless. Hahaha. Ako din nga magpapaka-mukhang homeless sa next job interview. Nakakainis talaga ang sindak mo! Hakhak.

  11. ay bad trip din ako dun sa pinaghandaan kong job interview. Twice pa ako pinatawag tapos sinabihan lang ako na may napili na daw sila. Ako daw ang second choice nila at kung hindi daw mafulfill ni first choice yung duties niya, tatawagan daw nila uli ako. Kahit anong dasal ko para tamaan ng kidlat o kaya masagasaan si first choice, walang nangyari, eh. Ganito siguro ang mga nararamdaman ng mga first runner up sa beauty pageants. hahaha!

    uy new look na pala ang blog mo. ngayon nalang uli ako nakakapag-catch up with fellow bloggers eh kaya ngayon ko lang nakita.

  12. GALING NITO… sinisimulan ko nang magbasa nang mga pinagsusulat mo… atleast di na boring sa office ko… shukran jazeelan

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s