sakit sa bangs…

Effortless

Maraming bumabagabag sa akin these past few days, kaya hindi ako nakakapag update kung ano man ang nangyayari sa aking baliw na mundo. Ang larawang nakikita ninyo ay ang hitsura ko ngayon. Hindi ako kirat, sadyang tinaas ko yung kanang kilay ko para magmukha namang interesting ang pagmumukha ko, aminin ninyo, mukha akong balbas na tinubuan ng mukha.

Kamakailan ay kinaiinisan ko ang aming supervisor kuno (kuno kasi hindi naman talaga siya supervisor, parang naatasan lang siyang mag lead sa amin dahil Japanese siya, yun lang yun) dahil pakiramdam ko (oo, feelingero ako pag dating sa ganyan) ay pinag-iinitan na naman niya ako. Iilan lang namang kadahilanan ang naiisip ko kung bakit ako ang flavor of the month niya;

1. Gwapo ako Hindi ako kumukuha ng Sabado/Linggo na trabaho.

Ilang beses niyang sinasabi sa akin na kung hindi daw ako kukuha ng trabaho ng weekends ay posibleng tatanggalin ako sa project at bababa ang sweldo ko. Hellooooo! Hindi naman ako per project, per day ang bayad sa akin, at karapatan ko na mag day-off sa araw na itinakda sa kontrata ko. Optional lang naman kung gusto kong  pumasok ng weekends at hindi ito mandatory. At tandaan mo na tinanggal ninyo ang OT rate ng weekend dahil nga kailangan naming i-offset siya kapag weekdays.

2. Lakas ng sex appeal ko Kapag may tanong ako tungkol sa trabaho ay nagtatanong ako sa may alam.

Aminin mo na hindi mo alam lahat. Wala naman yatang tao na napakatalino na alam ang lahat ng kasagutan sa mga katanungang tulad ng what is love. At saka nang nasubukan kong magtanong sa iyo, alam ko na hindi ito dapat abutin ng 30 minutos bago masagot, kaya minabuti ko na magtanong sa taong nakakaalam, at hindi ikaw yun.

3 . Matalino ako Epal lang talaga siya.

Kung ibinigay sa akin ang task para magturo ng trabaho sa iba, sinisiguro ko naman na alam ko ang mga pinagsasabi ko, kahit balu-baluktot akong mag Nihonggo. Kung sakaling may sinabi ako na mali, tatanggapin ko naman, ‘wag mo lang ipamukha na ikaw ang may alam. Eh kung marunong ka eh di ikaw na magturo, nag aaksaya pa ako ng laway eh mas malakas ang talsik ng sa iyo, ikaw na.

Minsan nararamdaman ko na lang na umaangat ang dugo ko papunta sa ulo kapag nakikita ko siya, kaya nga lagi kong hinihiling na bigyan pa ako ng pasensya sa pakikisalamuha sa kanya, ayoko kasi na may galit sa tao dahil nakaka-stress kaya lang iba talaga siya eh, ang sakit sa bangs…

Sorry ha, rant na naman ako, pagbigyan na ninyo ako, pero para sumaya kayo, share ko pic ko nung dalaga pa ako.

Sabel

69 thoughts on “sakit sa bangs…

  1. okay lang ser potpot ang rant. mas binabasa ko to kesa sa mga long short stories ng iba. hahaha😄

    sa maraming paraan, mas nakaka identify ako sa rant.

    gusto ko lang itanong saiyo kung anong naisipan mong magpakuha ng larawan na may peluka at lipistik?

    tatlong araw na akong tatlong oras lang ang trabaho. gusto ko tumawa ng malakas sa huling piktyur pero sobrang nanghihina na ako.

    1. salamat palaboy, kaya wala rin akong maiblog dahil stress ako.. pero salamat talaga…

      self portrait yan at ginamit ko yan sa article ko sa isang magazine dito sa japan…

      pahinga ka naman palaboy.. wag ka masyadong pakapagod.. masarap pa rin ang may mahabang tulog…

  2. Mahirap kalabanin ang boss, kahit saang workplace. Hehe. Pero kung nasa katwiran ka naman, there’s nothing wrong with a friendly debate with a boss. Basta chill lang, and done in a good way.😀

    1. hello ventocoseuss! salamat sa pagbisita… hindi ko naman siya kinakalaban, sa katunayan, close kami dati, nabigyan kasi siya ng posisyon kaya bigla na lang nagbago ugali niya.. maiintindihan ko siya kung pasaway ako, pero hindi sa pagbubuhat ng bangko, masipag naman akong magtrabaho… salamat ng marami!

  3. Timpi timpi din minsan. Kahit nasa tama ka pa, minsan pabor talaga sa higher boss. Kaya konting pasensya nalang baka masira ang beauty ng lola mo. Haha

  4. potah! muntik na akong nainlab sa huli mong pic! lols!

    seriously, wag mo syang pansinin. tingnan natin kung sino ang maaasar. office pranks pre? hehe

    1. ahahay! ganda ko no? eheheheheh

      thanks pre.. pokerface na nga lang ako kapag kinakausap ako, minsan kasi parang nonsense na yung mga sinasabi niya, tinitignan niya kung maaasar ako… eh hindi eh.. siya yung naaasar…

    1. ahahahahaha! sorry naman.. sa susunod lalagay ko na agad sa taas para di ka na mapagod silver friend..

      thank you at sinabihan mo akong maganda.. gusto ko pa rin ang lips mo..

  5. Hahahaha Homaygaad! YOU ARE SICK! Immersed na immersed na ako sa rant mo at super relate na pero biglang may hiwaga na kumikiliti sa huli.
    gusto ko sanang magmessage ng serious pero sumasakit parin abs ko kakatawa! You’re illegally blonde. LOL!

  6. Hinay na lang muna pot. Tiis ganda ka rin sa trabaho muna..eventually lilipas din pero sana dumating na lang un araw na gumaan gaan na rin ang pakiramdam mo sa knya baka maimbyerna lang ang beauty mo teh😉

  7. HAHAHA! Insekyora lang yun dahil ikaw blonde nung kabataan mo, siya di nakaranas maski long hair. Hahaha! Ipaabang mo yan kay Spider Man. Ewan ko na lang baka lalong maging sakang yan. Hakhak.

  8. Ganyan ata talaga iba sa kanila pero i agree na sundin mo lang kung ano ang nasa kontrata. kasi sa aking palagay at experience din, the more na nagpapakita ka na okay lang sa iyo yung extra-extra na hinihingi nila gagawin lang talaga nilang normal yun. Hopefully hindi naman lahat ng Hapon ay gaya nila.

  9. ahihi, ang ganda mo pala at ang kinis noong araw. kaya pala sangkatutak ang girls na nalinlang sa pambabarkada mo, Pot. payong kapatid, bawasan mo kain these days at nang maibalik dati mong nakakalokang alindog…😉 na-insecure ako, grabe. kaway- kaway.🙂

  10. Hay nakez! Ang dami talagang mga ganyang nilalang sa workplace!:/ Mga nagmamainam! Haha! Kundi ka lang takot sa asunto, masarap hambalusin sa mukha ng dos por dos, eh! Hihi

  11. hello, Pot… daan lang ako para sabihing mukhang mug shot ang unang pic. at super winner ang last pic, ahaha. you’re a walking contradiction, kapatid, hihihi….😉 regards and cheers!

  12. “nag aaksaya pa ako ng laway eh mas malakas ang talsik ng sa iyo, ikaw na.”

    *BRAVO!*

    tapos.. tapos… biglang pinakita yung picture nung dalaga pa siya…

    HAHAHAHAHAHAHAHA!!! *BRAVA!!!!!*

    mahinhin effect pa! HAHHAHAHAHAHA!!! HAHAHAHAHA!!

  13. ung dalawang pic parang “Gandang di mo inakala” kuya potpot version :))
    …kakaiba pala pag rant ang post nyo…nasanay kc aq n msaya ung mga sulat nu…pero ito my pasabog p rin s dulo. LOL.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s