ay! wrong man!

1
sabog sa dinurog na stork…

‘Wag kayong matakot! ‘Yan ang recent mug shot ko dahil nagpagupit na ako. Matagal ko na ring pinag-iisipan kung tutuluyan ko na bang i-donate ang buhok ko sa tahanang walang balakubak foundation, at kahapon nga ay naglakas loob akong pumasok sa barberya, nagbayad ng 500 pesos para magmukha akong nanggagahasa ng kaning lamig.

2
stop.. in the name of love…

Bukod sa pagpapachupit kahapon, noong linggo (day off) ay nanood kami kasama ng aking mga amiga ng Iron Man 3. Maraming nakapagsabi ng hindi daw gaanong kagandahan ang pelikula, pero para sa aking mababaw na pananaw, napukaw niya ang damdamin ko at napabilib ako sa character ni RDJ (i love you na fafa!). Parang hinulma talaga si Tony Stark sa katauhan ni RDJ, at kahit may bali-balitang eto na daw ang huling pelikula niya bilang taong bakal, ako ay umaasa na siya pa rin ang gaganap na iron man sa avengers 2, bakit ko nasabi? Dahil ka-facebook ko si Stan Lee. Period.

took from my friends FB.. thanks Alaine!

Biyernes naman ay nagbowling kami, at ako ang ginawang pin, yun lang. Naranasan kong masaktan, patumbahin at daan-daanan ng bola. Ang sakit pala ng ganoong feeling. I hate IT!

Ayun lang. Nag-update lang ng kalokohan ko sa buhay. Hindi ako makatulog, wala ako sa tamang ulirat. Pasensya na po…

19 thoughts on “ay! wrong man!

  1. hihihi… natakot ako, sa totoo lang. ang laki kaya ng image sa reader? biglang bumulaga, hakhak…😉 hello, Pot. am gonna catch my breath muna saka ako babalik pag nabalik na rin katinuan ko, whaha. kaway-kaway…🙂

  2. natawa ako sa pangatlong pic! ang cute ng costume. hehehe. uhm oo nga. nakakagulantang sa reader yung unang pic. napa-exclamation point ako ng bumungad sa screen! hahaha. ano daw😀

  3. presh na presh ah….kaya pala medyo kumilimlim eh pinatabas mo na pala yun balbas mo….tama si mrbeancent award un costume mong bowling pin kumpara sa suit ni iron man…ang bumangga giba!…

  4. 500 para sa gupit! anyway pokus kung pokus ang picture mo agad ko tuloy binasa ang post mo, akala ko kung ano ng nangyare! hahaha😀

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s