i scream…

me, ben and jerry
jen and berry’s + nguso shot

Cool facts about me…

– Mas paborito ko ang ice cream kumpara sa cake. At mocha flavored ice cream ang trip kong lafangin. Pwede na rin ang chocolate marble.

buong-buo pa ipin ko...
buong-buo pa ipin ko…

– Mahilig akong kumain ng yelo, as in literal na nginunguya ko siya, buti na lang at hindi pa nasisira ipin ko.

– Kapag minamalat ako at walang boses, umiinom ako ng ice cold water, at sa maniwala kayo’t sa maniwala, gumagaling ang malat ko.

– Adik ako sa air-con, dahil ipinanganak na kasing kapal ng kalabaw ang balat ko, kaya mas gusto ko yung nagbabaga sa lamig kesa sa nanlalamig sa init.

– Kung iinom ako ng kape, preferred ko ang iced coffee.

– Laging malamig na tubig ang pinanliligo ko dahil mas nagigising ang diwa ko kapag pinambuhos ko ito sa katawan ko.

– Kapag kumakain ako ng chocolate sundae, tinutunaw ko sya at hinahalong mabuti dun sa chocolate, tapos tutunggain ko siya hanggang maubos at pagkatapos ay hindi ako iinom ng tubig.

—-

Siyanga pala, promote ko lang uli yung magazine namin, pwede ninyong basahin online, wala pang bayad sa akin, kaya kailangan kayod kabayo, pambiling load.

edit
ang maarte..

http://issuu.com/clubfilipina/docs/may2013

26 thoughts on “i scream…

  1. waaah paborito ko rin ang ice cream kaso pistacchio ang trip kong flavor. hihihihi. cold-blooded ka pla! haha. khit na d ko alam if applicable sa tao ang definition nia. ako din kahit magdamag kumakatak at kakasalita over the phone sa trabaho, malamiiig na tubig pa din ang iniinom ko. hehehe.

    at kahit maliit ung font sa picture ng magazine nio, binasa ko talaga! haha.masasabi kong, pinaghalong ‘choosy’ at ‘geek’ type ang degree of kaartihan ko. hahaha. nakakatawa ung mga thumbnail photos. pwede!

    1. salamat kimchipuffs! gusto ko yung pistacchio lang.. kahit magkasugat ang dila ko.. at meron pwede nga atang matawag na cold blooded ang isang tao..

      click mo yung link sa baba nung pic, screen cap lang yan… hihihi..

  2. Tsura mo sa taas, yan yung tipong sinasabihan na, “Hooy mag-ahit ka naman!”πŸ˜€
    Kyut mo nung totoy ka pa ah. Sinong mag-aakalang lalaki kang ganyan noh?
    Dami ko na namang tawa. (sure ako, bilang na bilang eh)
    Dami kong masasabi kaso magiging isang post na.πŸ™‚
    Mataas din tolerance ko sa lamig kaya ayoko ang summer dahil kahit kakatapos ko lang maligo at nakaupo lang pinagpapawisan na. Pero sensitive naman lalamunan ko sa lamig kaya kumakain ako ng ice cream pag siguradong wala akong speaking engagement pagkatapos.πŸ™‚

    Sa magazine naman… OOUCH! Ouch ha! Nakakarami ka na.πŸ˜€

    1. lagi nga akong nasasabihan na mag-ahit na ako.. mahirap kasi itong balbas ko, after 2 days, mahaba agad, eh hindi ako pwedeng mag-ahit everyday dahil sensitive ang face ko.. ehehehehe

      buti naman at napatawa ka, sa totoo lang, ako ang kailangang tumawa ngayon.. sobrang down ko.. ewan ko ba.. ang drama ko lang..

      ikaw na ang may speaking engagement! ako kasi eating and sleeping engagement lang laging present.. ehehehehe pero ganyan din ako.. pawisin..

      wala akong pinatatamaan ah.. observation ko lang.. ouch..

      1. Haha sensitive your face! Pero naiintindihan kita, it takes one to know one hehe.

        Ooops. buzzkill naman tong 2nd paragraph mo, napatahimik ako bigla.πŸ™‚ Pero seriously, ano man pinagdadaanan mo, wish ko lang malagpasan mo. Zoom out ka na lang muna sa worries mo, divert mo attention mo sa lighter thoughts at kain ka rin ng ice cream or cake na may halong dark chocolate, nakakatulong yun magpa secrete ng happy hormones. Alam ko madaling sabihin yan kesa gawin pero yan na yata ang pinakaleast kong masasabi to console you or to give back sa mga times na napatawa mo rin kami sa mga posts mo nung kami siguro ay may pinagdadaanan din.πŸ˜‰

        hehe at least marami kang kain at tulog yung iba deprived ng ganyan..

        bato bato talaga sa langit pag tumama wagas no?πŸ™‚

  3. ang galeng ng mga articles mo, binasa ko lahat…portfolio na yan, ilako mo na sa mga publication na magbabayad sa ‘yo. sa tokyo lang yata makakakuha ng kopya ng magasin ninyo. wala pa akong nakitang ganyan sa lugar ko.

  4. “Kapag kumakain ako ng chocolate sundae, tinutunaw ko sya at hinahalong mabuti dun sa chocolate, tapos tutunggain ko siya hanggang maubos at pagkatapos ay hindi ako iinom ng tubig.’ — Hindi ka naman nag kaka sore throat sa ginagawa mong yan?

  5. nabasa ko ang “maarte” post mo sa isang blog mo… dun sa tumblr. Dun pa lang, tawa na ako ng tawa, what more ngayong me picture version pa.. hahaha!

    Di ako masyadong palakain ng matatamis. sa ice cream naman, chocolate flavor ang gusto ko, i don’t like anything with marshmallows. niluluwa ko yung marshmallow.πŸ˜›

    pag down ka, tandaan mo lang yung song:
    “when you’re down and trouble, and you need a helping hand….
    You just call out my name and you know wherever I am, I’ll come running.. to see you again
    Winter, spring, summer or fall, all you have to do is call…
    I’ll be there (I can’t be though), you’ve got a friend”

  6. Hahaha! Ako din mahilig ngumuya ng yelo. Wala lang. Nakakatawa na naman yung article mo sa magazine sosyal pang-magazine ang level mo! Hakhak. Meron pang maarte, yung nag-iinarte lang kapag may gustong ipabili sa nanay o tatay. HAHA!

  7. hahaha, ako rin mahilig sa ice cream kaysa cake. ang mocha rin ang isa sa favorite ko. naalala ko tuloy yung brand na presto. yun ang the best sa ganoong flavor.

    sa pagpapaligo, malamig din trip ko kahit nagkakanda bitak-bitak na ang labi ko sa lamig. lalo k;asi akong inaantok sa mainit,tas after parang mas malamig pa yung pakiramdam tapos malakas pa maka-hairfall. hohoho

    pero hindi ko aaminin na makapal ang balat ko na parang kalabaw, ikaw nalang no!? hehehe

    tama ng pangkambing lang ako.

  8. Ibang klaseng nilalang ka talaga, Potpot! Malat ka na nga umiinom ka pa ng malamig na tubig at kayang-kaya mong maligo sa malamig na tubig. Woooh! Makapanindig-balahibo! Hehe!πŸ˜›

  9. comfort food mo ang ice cream? apir tayo jan! ako double dutch!πŸ˜€

    natawa ako sa pic mo.. talaga bang kumpleto pa rin yung ngipin mo dun?πŸ˜„ naalala ko kasi yung bata kong pinsan sa pic mong yun… kamuka mo pala si Edward Cullen?πŸ˜†

    de.. joke langπŸ˜› namiss kita pot!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s