TGIF…

naunahan kong magising ang alarm ko sa pay phone, kadalasan 6:30 ito dapat tumunog, pero nung dinilat ko mga mata ko, 5:45 na ng umaga… at kahit hindi ko aamining signs of aging ang magising ng maaga kahit late ng matulog, bumangon ako para salubungin ang napakagandang araw sa loob ng isang linggong trabaho.. ang biyernes…

tiniklop ko ang aking higaan, dahil ito ang tradisyonal na higaan ng mga hapon, yung karton ng sony bravia.. at tiniklop ko na din ang ang kumot na gawa sa pinagtagpi-tagping gamit na plastic bag ng basura.. mas warm kasi ang feeling kapag may kaunting alingasngas sa balat… pinagpag ang unan na gawa sa nilukot na diyaryo, at itinabi sa kariton ko na nakaparada sa may ilalim ng poste…

kinuha ko ang twalyang gawa sa ginupit-gupit na kumot na napulot ko, bilog na sabong gawa sa pinagsama-samang gamit na sabon, botelya ng shampoo na may lamang baby cologne at sabong joy, at labakarang gawa sa ginupit na bacon brief na binigay ng kumpare kong may sakit sa pantog… naligo ako sa may posong malapit sa kanal.. ang sarap ng feeling…

first time kong magtimpla ng instant coffee galing sa tubig na nahuhulog mula sa alulod ng bubong ng kapitbahay dahil hindi naman ako nainom talaga ng kape, sinabayan ko ng kanin at ang specialty ng lola ko sa mother side, ang toyoba (toyo at baboy) na ni-tweak ko at ginawa kong toyoma (toyo at manok). sinamahan ko rin ng isang mansanas na 3 linggo na nung napulot ko sa may labas ng grocery… ang sarap lang…

nagbihis na ako ng pang-opisina at ready na para salubungin ang huling araw ng work week.. woot!

habang naglalakad ako papunta sa istasyon ng tren, pansin na pansin ko ang mga nakakasalubong ko ay napapatingin sa akin at napapangiti.. hindi ko tuloy alam kung may dumi ako sa mukha pero alam ba ninyo yung pakiramdam na may nakalimutan kang gawin… pero sige lang, baka nagkataon lang..

pero hindi talaga natigil ang mga titig ng mga kabataang babae nakakasalubong ko, kulang na lang ay isipin kong, “artista ba ako?”, pero hindi pa naman ganun kakapal ang mukha ko kaya inisip ko na lang na “model” lang ang peg ko…

nakasakay ako sa tren at umupo sa may bandang dulo malapit sa pintuan, at hanggang dito ay panay tingin hindi lamang ng mga kabataang dalaga, kundi mga nanay at mga lola.. may iilan-ilang lalakeng sa tingin ko ay may kursunada rin sa akin, hindi ko talaga malaman kung ano o bakit sila napapatingin… ang ganda ko lang.. period..

pagkalipat ko ng tren, hindi na ako nakaupo, nakatayo ako malapit sa upuan ng mga matatanda, buntis, may dalang bata at disabled.. napansin ko na yung lolang nakaupo sa harap ko ay aliw na aliw sa akin.. panay ang ngiti niya at papansin sa akin..

hindi na ako nakatiis at nagtanong na ako kung bakit siya tuwang-tuwa… biglang itinuro ni lola ang pantalon ko at nung tinignan ko kung bakit ay naalala kong bigla kung ano yung nakalimutan kong gawin…

nakalimutan kong mag tootbrush…

45 thoughts on “TGIF…

  1. Ahahaha So, your fly was open. It’s not really that embarassing coz you’re a guy. Isn’t it ? If I saw a guy with his fly open, I’d signal it to him.

  2. “nagbihis na ako ng pang-opisina at ready na para salubungin ang huling araw ng work week.. woot!” ahihi, panalo ang woot dito.πŸ˜‰

    gusto ko ang first half, ang ganda lang ng pagkahabi. lumabas ang ‘yong natural talent, kapatid na Potski. ang sony bravia karton, pinagtagpi-tagping kumot at ang apple na three weeks na. pwede mo nang palitan si Michael V sa segment ng BG na taong grasa, ahihi.πŸ˜‰

    sinadya mong ibukas ang fly, Pot. you’re running out of mischiefs, kapatid. tamo, si lola na lang ang naaliw. i’d say, change your tactics, bro… model ka pa naman… ^^

    btw, di ako dumaan, ha… consider i didn’t pass by. and, wala rin meng sinabe…πŸ˜‰

    1. hi san!! *kaway-kaway* parida pa yan at wala ka pang nasabi ha.. ehehehehe

      uyy hindi ko sinasadya na maiwan kong bukas ang zipper ko.. wala naman akong maipagmamalaki.. ayy wait.. nung mga oras na yun meron ata.. ehehehehe joke lang…

      1. a, wala… sinusunod ko lang ang bilin mo kaya, hehe. hala, ilang kwentong tren na ang nabasa ko sa posts mo. ikaw na ang commuter…πŸ™‚ btw, post ka naman ng pics ng tren para mainggit naman kami. empre, mas maganda sa mrt at lrt ang trains dyaan… haiiys, tigilan mo me. me naglabas na ng study ng length ng male organs worldwide. do’n sa lowest tier ang noypis, kainaman… buti na lang may koreans, sila ang nasa pinakababa, wheheheπŸ˜‰ cheer up, Pot. ^_^

      2. ammm.. hindi na lang ako magsasalita about sa “size” nang kung ano man.. hindi yata ako kabilang sa study na yan.. ehehehehe.. hi san!! *kaway-kaway* kamusta ka na ba?

      3. a, talaga lang, maiiba mo pa ang resulta?πŸ˜‰ wag mong kakalimutan ang pagse-sepilyo. importante ‘yon.πŸ˜‰ ayos naman, Pot. may pambili pa ng kape. parang gusto kong bumili ng epol ta’s i-stock ko ng three weeks, hehe. hope you’re alrighty…πŸ™‚

  3. cute naman ng kama mo.. super comfortable… hehehe!
    akala ko yung toothbrush mo ang umumbok.. yun pala, talagang nakalimutan mo.. wala ni senyas noh.. bakit di ka naman kasi yumuko?

  4. Wala akong ma say dahil ang ganda ng kuwento mo, lalo na kung paano ka magdescribe ng isang bagay. Manang mana sa pinag manahan talaga! Bilis bilisan mo naman ang magsulat, ang haba at ang tagal ng interval eh

    1. thank you mother dear.. pasensya na, busy sa trabaho.. alam mo naman, kailangan kumayod para may pangta… hmmm.. pangbigay sa mga junakis.. ehehehehe…

  5. HAHAHA! Pangkaraniwang nangyayari sa mga lalaki yan lalo’t nagmamadali, ‘no? Ok lang ‘yan, mahalaga may panloob! HAHA!

  6. Kaw kasi eh.. Hindi mo siguro bahay yung tinulugan mo noh? Haha!

    On another note, nahihirapan ako sa bago mong blog format though maganda siya kasi Hindi ko Kita Kung alin yung bagong post agad. Kaya Baka may mamiss ako na post mo! Haha! Wala Lang, just thought you wanted to know. Hehe. Alam mo naman Kung gaano Kita sinusuportahan, silver friend! Hehe

  7. Ngayon na lang ulit ako nakabisita dito sa site mo kuya. At quota na naman ako sa tawa,
    Ang galing lang ng pagkakasulat nito.πŸ˜‰

  8. gusto ko sanang maniwala sa mga sinabi mo dun sa una ang galing kasi ng pagkakasulat.πŸ™‚ pero dahil ikaw si potpot, e di ayun, nakalimutan mo na lang magtoothbrush. hahahaha! lekat ka talaga. sara sara din ng zipper pag me time. haha!

  9. boss busy din ba? sayang at akala ko, tatanggalin na ang visa requirement ng japan sa mga pinoy. pwede sana akong dumaan jan nung bumalik ako dito sa us. sayang!

  10. nakakatuwa naman ang bagong lay out ng blog mo, na realize ko mahilig kapala mag selfie. I dont usually likes selfie, pero ang lupit ng mga selfies mo,very entertaining talaga ang blog na ito!!!

  11. hello, Pot… musta ang magaling na kwentista… katuwa, parang selfie album na pambungad ng site. hangganda mo ro’n sa isa, pede nang itaob si P. Ballesteros, hihi. mas gusto ko pa rin ata yong pic ng awkward moments – di halatang tarantado, peace.πŸ˜‰ musta ka na?πŸ™‚

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s