…how long has it been?….

nganga
..walang kinalaman ang larawang ito sa post na ito, gusto ko lang magpost ng picture ko na nakanganga para mainggit kayo.. yun lang…

My goodness!! malapit ng mag anim na buwan para madeclare ng tigok ang naka comatose ko na blog. Nagpa-miss lang ako, yun lang yun, pakiramdam ko kasi eh hindi na ako importante sa inyo. Hinihintay ko na haplusin ninyong muli ang mga pahina ng aking blog at himay-himayin ang bawat salitang may double meaning dito. Pero pass muna, balitaan ko muna kayo kung bakit ako nawala, at dito magandang isingit ang “paki-explain… lab yu!”

Namiligro kasi ang trabaho ko dahil hindi na na-renew ang kontrata ko sa pinagtatrabahuhan kong vulcanizing shop. May natitira pa akong dalawang buwan upang maghanap ng malilipatan o di kaya ay bumalik sa aking lupang kinagisnan na tumatanggap ng bakulaw. At sasabihin ko sa inyo na, na stress ng bonggang-bongga ang beauty ko.

Lahat na ata ng pwedeng apply-an ay in-apply-an ko na… tagabuhos ng wiwi galing orinola sa home for the aged, taga bilang ng bituin during day time, tagapag-alaga ng angry bird ni Peter North, secretary ni Napoles, taga-tikim ng pinya, pagpapasubo ng biko, paghawak sa tikoy na matigas at kung ano-ano pang trabaho na makikita kung saan-saan.

Pero subalit datapwa’t ay napanghihinaan ako ng loob, dahil walang sumasagot sa mga sinulatan kong kumpanya. Ginandahan ko pa naman ang resume ko gawa sa gamit na tissue na napulot ko sa loob ng kubeta, yung iba nga ay galing sa toilet bowl, medyo basa pa yung iba, pero pwede pa namang sulatan. Nilagyan ko pa nga ng pabango para maging scented ang peg ng resume ko, pero bigo akong maakit ang atensyon ng mga employers.

At dahil papalapit na ng papalapit ang katapusan ko sa kumpanya ko, hinyaan ko na lang na ang tadhana ang magdikta kung saan pupulutin ang bangkay ko kapag tumalon na ako sa tulay.

Pero laking gulat ko nang may nag testimonial sa akin sa friendster at hinihingi ang aking resume para maipasok ako sa kumpanya na pinagtatrabahuhan niya bilang isang quality tester ng mga bumbilya at blade na ginagamit sa perya, ang kailangan ko lang daw ay matiyaga, handang matuto at matigas ang sikmurang kumain ng bombilya at blade.

Wala pang limang araw nung pinadala ko ang aking impormasyon ay tumawag na agad-agad ang employer at nagpa-schedule ng interview. Magdala daw ako ng kerosene at posporo para masubukan ang aking mga basic skills, parang casting couch lang.

Tatlong tao agad ang nagpasalit-salit sa akin, pinagsawaan nila ang aking murang kaisipan at sinamsam ang aking kaalaman, parang ang sagwa ng pagkakasabi ko dito, tatlong tao ang nagpali-palit na ininterview ako at muli, agad-agad ay natanggap ako. Laking tuwa ko Ate Charo, di ko akalaing matatanggap ako agad kahit wala pa akong karanasan.

Isang buwang palugit ang ibinigay sa akin ng kumpanya para mag-alsabalutan ako sa dati kong kumpanya at lumipat na sa kanila. Pero nagtanong muna ako kung magkano ba ang magiging sweldo ko sa kanila kung sakaling tatanggapin ko nga ang offer nila. Muli, agad-agad niyang isinulat ang matatanggap kong sahod kada buwan, at laking gulat ko dahil dumoble ang matatanggap ko! Ang saya-saya!

Naglalakad akong pauwi na parang lutang at wala sa katinuan, hindi ko namamalayang pinagtatawanan na pala ako ng mga taong nakakasalubong ko dahil nakabukas ang zipper ko at nakalitaw ang sponge bob square pants kong underwear, eh mahaba ang ilong ni sponge bob di ba?

Ang isang nakitang kong maliit na problema ay ang pag-relocate ng bahay, ililipat nila ako sa medyo probinsya at parang magsisimula akong muli, pero keri lang, sa ibang lugar naman ako makakarampa! Ang sosyal ko talaga!

At ang tunay na dahilan kung bakit hindi ako masyadong active sa pagsulat, wala kasing nagbabasa. busy sa paglipat ng trabaho

Madami pa akong kwento, hayaan ninyo, mag-iingay akong muli.

Sobrang namiss ko ang mga kapalitan ko ng comment at ang panggulo sa mga blog ng may blog. Hayaan ninyo at mangungulit uli ako, tiwala lang… AYIEEEE!

Maraming salamat at di pa rin kayo tumiwalag, at sa mga nag-follow sa akin nung mga nakaraang buwan, anong pumasok sa kukote ninyo at ni-follow ninyo ako? Eehehehehehehe.. salamat sa inyo!! Mwahugz!

57 thoughts on “…how long has it been?….

      1. Don’t worry, I will be making time for that.. Still studying the language… Ehehehehe.. And wait, let me get back to first comment you made.. Cute follower? Hmmmmm

  1. Welcome back balakubak!

    Ser, namiss ko ang mga kwento mo! Ayan, mas huhusay na ulit ang araw ko. May mababasa na naman akong mga kagilagilalas na pakikipagsapalaran ni ser potpot!

  2. hayun naman pala busy busy sa pagpapayaman este paghahanap ng trabaho…good thing at may tumanggap pa sayo este nahanap ka agad…at ikaw na talaga doble pa ang sahod ha! ipasok mo naman ako kahit taga hasa lang ng blade bago mo isubo…:-) goodluck pot buti ikaw’y nagbalik…i miss u so much and ur writings…ayiiiiieeee…………….:-)

    1. salamat pareng myr!! kung mayaman ako, eh di sana hindi na ako naghahanap.. at tama ka, buti may nagkamali pang tumanggap sa akin… pasok kita taga kain ng may kalawang na blade…kinilig ako bigla sa sinabi mo myr! ahahay!

  3. welcome back POTPOT!!! Namiss kita peksman. Hehehe. Kwentuhan mo pa kami ng mga nagbabaga mong karanasan at mararanasan sa bago mong trabaho. Congratulation paburger ka naman! aheπŸ˜€

    1. salamat tol Adrian! wag kang mag-alala, be confident at makakahanap ka rin ng work.. nasta apply lang ng apply.. wag kang susuko dahil may company na para sa iyo talaga…

      basahin ko tong testimonial post mo.. usong-uso nga ito sa friendster dati mo.. ehehehehe nanghihingi pa nga ako dati ng testimonial sa mga kaibigan ko… wala ng friendster ngayon, gaming site na yata sya…

  4. Parang naging fan mo na ko kasi bentang benta sakin mga articles mo. Light lang at nakakatawa! ;D Congrats on your new job, tagakain ng blade at bumbilya.. ayos! pakishake muna para hindi mahirap lunukin. haha!

  5. Shucks, namiss kita Kuya Pot!πŸ˜€ Buti naman at laughtrip ka pa rin =)) God bless sa new work mo! Siguro naman ay magbabago na rin ang description mo sa iyong higaan.πŸ˜‰

    More! mwah mwah tsup tsup

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s