awkward moments…

me and moon...
me and moon…

Madalas bang mangyari sa inyo yung mga awkward moments na kapag may kasama ka at hindi nag-sync ang utak ninyo, iba ang kinalalabasan ng actions ninyo? Pwes! Sa akin, hindi matatapos ang isang linggo na walang awkward moment na nangyayari sa akin. Bigyan ko kayo ng halimbawa:

1. Hindi mo nakasanayan ang “fist bump” na nauso ngayon na ginagawa ng mga kalalakihan, kaya sa tuwing may nakikipag “fist bump” sa iyo, nasasalo mo ng palad mo ang kamao niya, kaya mukha kang engot na parang hinihimas mo ang kamao ng ka “fist bump” mo. AWKWARD! Solution – Kunwari naglalaro kayo ng bato-bato-pik.. WINNER KA! Talo ng papel ang bato…

2. Kasal ng bestfriend mo, nakikipag-kamay yung father niya sa mga bisita, at akmang makikipagkamay ka, eh yung katabi mo ang kinamayan niya, naka-extend lang ang kamay mo, mga 20 secs na at lumipat na ng ibang table yung father ng bestfriend mo. AWKWARD! Solution – Umarteng may pilay ang braso mo, para kunwaring naka extend lang sya, sabay himas dito para kunwari ay hinihilot-hilot.. WINNER KA! Hindi naman napansin ng ibang bisita kasi nakatutok sa bride and groom ang atensyon nila…

3. Nakipagkita ka sa kaklase mo na matagal mo ng hindi nakita, mga centuries na, akmang nakikipag-kamay ka, sabay inihandusay ang pisngi, beso-beso ang trip, kaya pag-beso mo, naiharap niya ang mukha niya sa mukha mo.. AWKWARD! Solution – pagkahalik ay sabay hila sa buhok at sabihing.. “LOKA KA BAKLA!” WINNER KA! Naiahon mo ang sarili mo sa kahihiyan, dahil lalake yung kaibigan mo na yan.

4. Naglalaro kayo ng mga kaibigan mo nung highschool ng “kadyot pwet” yung tutusukin mo ang pwet ng kaklase mong lalake, usong-uso noong highschool kayo. Eksaktong PE ninyo nun at naka jogging pants kayong lahat, pati babae naka jogging pants, at sa hindi inaasahang pangyayari, natusok mo ang kaklase mong babae, crush mo pa naman siya.. AWKWARD! Solution – lumuhod ka at magpasabunot ng bonggang-bongga.. WINNER KA! Pinatawad ka ng kaklase mo, naka-hipo ka pa..

5. Nung time na nalasing ka sa isang pagtitipon at sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakita mong nakikipag holding hands ka sa kaibigan mong babae, yung holding hands ng mag-jowa.. hindi lang ilang segundo, umabot ata ng ilang minuto.. pagkatapos ay dumadantay na ang ulo niya sa ulo mo at niyayakap ka na parang linta.. AWKWARD! Solution – Kunwari tatayo ka para umihi.. WINNER KA! Hindi mo pinagsamantalahan ang kaibigan mo hindi dahil pangit siya, kundi dahil nirerespeto mo siya bilang babae.

6. Yung moment na nakipagkita ka sa ex mo tapos napabeso ka at napayakap, at ayaw mo ng bitawan.. AWKWARD! Solution – Biglang magsalita ka ng “Kamusta ka na sister? Ang bekiful mo na!” WINNER KA! Maiiwasan mong masampal dahil nag-linger ka, magiging bff mo pa ang ex mo dahil iisipin niyang beki ka.

7. Nagpapatawa ka, at alam mo na nakakatawa ang joke mo dahil muntik-muntikanan ka ng maihi nung una itong sinabi sa iyo, pero nung ni-deliver mo ang punchline sa mga kaibigan mo, hindi sila natawa. AWKWARD! Solution – Hiritan mo agad ng, “Ang corny di ba?” sabay tawa ng malakas. WINNER KA! Dahil inunahan mong ipahiya ang sarili mo, kesa ipahiya ka ng mga friends mo…

Marami pa talagang mga awkward moments na ganyan, kayo ba? May awkward moments ba kayo na gusto ninyong -ishare? wag na kayo mahiya, share na ninyo!

26 thoughts on “awkward moments…

  1. awkward moment yung may kausap ka tapos yung last mong tanong eh hindi n’ya narinig at iniwan kang nagsasalitang mag-isa… kunyari na lang nag-iisip ka at linakasan mo lang ng konti boses mo hehe

    1. maraming ganyan… meron nga kami kaklase noong HS, lahat nagtawanan na sa joke, sya hindi pa.. tapos after ilang minutes, tatawang mag-isa, na gets na niya ang joke.. slow lang.. ehehehehe

      Happy New Year PM!!

  2. Muntanga yung number 1. Halatang hindi in.😀 Pero okay yung palusot. Effective yun pag nagawa ng tama.

    Moment ko naman…
    Birthday ng dabarkads kong lalake. Ginipit sa oras kaya cake na lang ipinangregalo ko. Pagdating ko, sabay sigaw ng birthday boy ng pangalan ko para i-welcome at i-highlight ang aking dramatic entrance at sabay lingon ang lahat. Greet to the max naman ako, sinasabayan ang level ng kanyang energy. Kung hindi official handshake, akap sabay tapik sa likod ang usual greetings namin pero dahil may hawak at kakaabot ko lang ng cake na nasa gitna namin. Imbes na mag-akapan, beso beso ang nagawa namin. — AWKWARD!

    Deadma na kahit narinig namin ang kuliglig dahil sa deadair. Sa sobrang conscious ipinakilala niya ako sa mga dati ko nang kakilala. Lahat kami nagkawayan at nagkunwaring kaka-meet lang namin for the first time. LOL! Pumasok na ako sa loob para kumain at pinagpawisan ng isang galong tubig kahit centralized yung bahay hihihi.

    Happy Holidays Pot!

      1. Yun ang ultimate goal ko sa buhay at as a blogger, paduguin ilong mo.🙂
        Kita kits sa blogosphere Pot. Palabasin mo mga abs ko sa katatawa sa posts mo. Asahan ko yan!!!!!! No pressure.😉
        Happy New Blogging Year!

  3. Hahahahahaha! Number 1, palagi kong nararanasan yan. Minsan, talagang hindi ko na lang alam ang gagawin kapag ganun, mas sanay kasi ako sa high five. Hehe. Isa pang awkward na pagkakataon ay yung biglaang hindi mo maririnig ang sinabi ng kausap mo, at tatawa ka na lang at magsasabi-sabi dahil hindi mo talaga narinig kung anong sinabi nya. Hehe. Merry Christmas!

  4. Ang harsh hung number 6 hahaha

    Yung number 2, madaming naka-experience nun.. minsan kahit sa jeep… yung tipong napahiya yung kamay mo dahil sa iba inabot yung bayad🙂

    Happy 2014 Bossing🙂 Nawa ay madami ka pang katatawanan na maibabahagi pa sa amin. Iba ka tlaga!

    1. parang naka relate ka sa number 6 ah… ehehehehe

      ayyy uu sa jeep laging ganyan… nanjan pa nga yung awkward moment na binibigay ng driver yung sukli, tapos tinitignan mo lang tapos yung kaharap mo ganun din, tapos sabay kayong aabot, then magpapang-abot kamay ninyo, parang love story lang.. tapos pareho kaming lalake.. WASAK!

      bossing ka jan! ako ata ang dapat tumawag sa iyo ng bossing no… ehehehehehe

  5. #2 and #7 sa akin! hehehehe. Ako naman galit na galit na yung Fx sa terminal hindi makaalis kasi may hindi pa nagbabayad. Ako din galit na galit kung sino man yun sabay tingin pa ng masama sa lahat ng mga kasakay ko. No choice si Fx driver, umalis. Tapos pagbaba ko, nakita ko yung pamasahe ko nasa kamay ko pa pala.

    1. hala.. nag 1-2-3 ka.. ahahahahaha! ok lang yun.. wag mo lang gawing habit.. salamat sa pagbisita at pag follow!! wag sana kayong mag-sisi!! salamat ng marami rey & lyn!! follow ko din kayong mag-asawa!! mabuhay!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s