hooters…

20140202-150137.jpg

February na pala… Lumipas na naman ang isang buwan bago ako nakapag-post ulit… Tumitindi na naman ang katamaran ko sa katawan…

Eniwey, kwento ko lang nung nakaraang biyernes, nagpunta kami ng mga ka-opisina kong Pinoy sa hooters dito sa may Osaka.. Isang kilalang family restaurant sa Amerika na kung saan marami kang makikitang naglalakihang dibdib servings ng pagkain..

Noong una ay sceptic ako, kasi naman, alam naman natin na ang hooters ay pinupuntahan dahil lamang sa mga babae kilala itong family restaurant… Parang pagboto lang ng mga trapo sa Pinas, name recall lang…

Pero laking gulat ko ng matikman ko ang pagkain nila. Hindi lang marami, napakasarap pa! Kaya nga parang magiging tradisyon na namin na bumalik-balik sa hooters dahil ang sexy ng mga babae napakasarap ng pagkain nila…

Pero hindi jan nagtatapos ang kwento ko…

Sa may bandang likod namin, may pamilyang kumakain, may kasamang bata ang mag-asawa, siguro mga 4 years old yung batang lalake… At hindi namin maiwasan mainggit dun sa bata kasi nilalandi nilalaro siya ng mga waitress…

Napaisip lang kami na baka unano lang yung bata at nagpapanggap lang na bata para makipaglaro ng apoy sa mga babaeng waitress… Napaka-swerte mo bata, buti na lang ‘di ka pa tuli wala ka pang alam…

Isa pang naka-agaw atensyon sa amin ay yung isang Haponesang waitress na pilit kaming kinakausap ng tagalog… Nagtanong pa nga siya ng tagalog ng “i love you” na agad kong sinagot ng “i love you too” “mahal kita”… Kaya paulit-ulit niyang sinasabi yan sabay beso-beso apir… Sino ba naman kami para hindi manigas matuwa sa kanya… Tapos, sinabi niyang may Pinay na nagtatrabaho din sa hooters, at dali-dali niya itong tinawag… Nagulat lang kami kasi, mas hospitable pa yung Hapon kumpara sa Pinay na waitress. Siguro, ayaw mag-aksaya ng oras yung Pinay na kausapin kami… Chura naman niya… Mas maganda naman kami sa kanya…

At syempre, hindi ko makakalimutan ang mga mini dance number nila kapag pinatutugtog ang it’s all coming back to me now YMCA at Mickey…

At sige na nga… Madaming sexy at malalaking dodo kaming nakita… Busog pati mata namin… Hindi ko rin natiis, sinabi ko rin… Pero masarap talaga food nila.. Pramis… Mamatay man si Batman…

7 thoughts on “hooters…

  1. Kala ko pinatugtug rin ang “carrie or I don’t wanna miss a thing”. You’re the man! (yahkhisz!? lol) Sure akong pagkatapos ay marami kang naipalabas…. na dighay, sa sobrang kabusugan.😀
    Hanggang sa susunod mong trip, Pot!😉

    ( Ano ba yag, error every time post ko na tong comment ko😀 )

  2. Nalala ko tuloy yung kwento ng isang kaibigan ko, kwento lang hindi ako kasama, na dapat gagawin nyang wedding march yung Marry Your Daughter kaso biglang ginawang “mini dance” din sa isang …

    Meron na din nga palang Hooters sa may SM MOA. Hindi ko lang alam kung masarap makipag apir dun!

  3. LOL at crossing out nilalandi and replacing it with nilalaro😆

    Do they take their tops off? Meron na ata nyan dito sa Pinas, I think I’ve heard some of my straight friends say so. No one can make me go to Hooters though, I might end up puking because I’m scared of ladyparts.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s