personal preference..

my husband's lover
my husband’s lover

Lagi na lang na kapag may bago akong post, sasabihin ko na “pasensya na sa late post”. Well, para maiba naman, eto ang sasabihin ko ngayon, “magtiis kayo sa kahihintay!”. Ang yabang lang ng peg ko, sorry naman.

Sobrang busy ako sa trabaho at marami pa kasi akong dapat matutunan sa bagong career ko na isang “SUPULTURERO”. Yes! I dig graves for a living. Kung may kasabihan nga tayo na may pera sa basura, ang motto ng kumpanya namin, “may pera sa bulsa ng mga bangkay na nahuhukay”.

Pero hindi ito ang main focus ng aking kwento. Intro ko lang yan, ang totoo niyan, active ako sa ibang social media sites tulad ng Instagram, Tumblr, at Facebook.

May nakapagsabi nga sa akin, “ang tanda mo na, may instagram ka pa at tumblr”, na sinagot ko naman agad na “EH ANONG PAKIALAM MO! HINDOT!”, pero sa isip ko lang yan. Ang sinabi ko talaga, “Ahhh wala lang, trip ko lang”.

Sino ba ang nagsasabi o nagdidikta kung matanda ka o bata ka sa isang bagay na nag-eenjoy ka? Bakit kailangang magkaroon ng “age-restrictions” ang mga gawain na alam mo naman na qualified ka dahil tuli ka na or nireregla ka na? Paano mo ba masasabi na matanda or bata ang isang nilalang base sa mga ginagawa niya sa buhay? Kailan mo ba sasabihing tama o mali ang isang gawain na wala ka namang kaalam-alam? Ano ang sagot sa square-root of 3?

Ang daming tanong pero isa lang ang sagot.. PERSONAL PREFERENCE.

Nagkakaroon tayo ng sarili nating perception sa tao kapag sa tingin natin ay hindi ito angkop sa ating panlasa. Kapag nakakita ka ng matandang babae na nagsusuot ng sexy na damit, sasabihan natin sila na “NAGMUMURANG KAMIAS” pero ang totoo niyan ay komportable lang sila na isuot ang mga ganung klaseng damit, at posibleng lalandi si lola.

Kapag nakakita tayo ng teenager na may bf/gf, iisipin mo na “MALALANDI” dahil bata pa eh kumekereng-kreng na pero ang totoo niyan, inggit lang tayo kasi sila may lovelife, tayo, WALA! At sila may jerjer tayo ay “all by myself” lang ang beauty.

Kapag nakaka-encounter tayo ng mga matatanda na nanonood pa rin ng cartoons at naglalaro ng DOTA, sasabihin na hindi na bagay at dapat magtrabaho, pero ang totoo ay naiinggit tayo dahil sila ay may oras para magawa ang mga bagay na gusto nila, tayo, WALA!

Kapag nakakakita tayo ng mga bata na kung magsalita ay parang matanda, iisipin natin na masyadong mura pa ang isip para makapag-isip ng ganun, hindi natin naiisip na matalino ang bata at palabasa ng libro kaya matalino kung makapag-salita.

Sarili lang natin ang nagsasabi na tama/mali ang isang bagay ayon sa pagkakaalam natin kung ano ang tama at mali. Parang perlikula lang yan, yung iba gusto ang pinapanood samanatalang yung iba, hindi naman naibigan ang palabas. Personal preference lang lahat.

Parang sa pagkain, yung iba gusto may catsup ang itlog, yung iba gusto asin lang, choosy lang ‘di ba?

Kaya please lang, kung sa tingin ninyo na sa edad kong 25 (ehem!) ay walang karapatang mag-participate sa mga social networking sites, pasensya na at hindi ko na reach ang expectations ninyo.

At dahil jan, na promote ko ang aking ibang site ng hindi ako nagmumukhang desperado. I THANK YOU! BOW!

11 thoughts on “personal preference..

  1. Two thumbs up! Para ano pa’t nasa free country tayo (maliban na lang sa nakatira sa striktong bansa) kung malilimitahan lang din ang mga ginagawa natin na hindi naman talaga mali. So go lang ng go!

    Wala ngang basagan ng trip diba?😉

  2. tao po, may tao ba? natutuwa ako kasi una sa lahat, lalo mo kaming pinabata sa edad mo, hehehe. kung bente-singko anyos ka, ano pa kaya kami, naging tinedyer kami sa edad mo papa P. at isa pa, ang laki naman ng picachu mo papa p.

    teka na curious din ako sa meaning ng “jerjer” mo, kapares ba cya ng “chorva”. pls enlighten. haha, ‘yun lang.

    maligayang pagbabalik.

    1. Lahat naman tayo ay bata… May isip bata, kung umasta bata, at higit sa lahat ay yung mahilig sa bata… Ang laki ng pokemon ‘no? Mabuhok nga ang pokemon na yan.. At ang laki ng pokemon! Teka, hindi mo alam yung jerjer? Yan yung pinsang buo ng burjer… Na minsan sinasamahan ng canton… Ehehehehe.. Salamat cup! Sana magtuloy-tuloy na ang pagbalik ko.. Para akong kabute…

  3. Talent, mali ang posing mo. Hindi iyan ang tinuro ko syo. Sabi ko naman sayo, wag liliyad para di halata ang tyan! Nakipagpaligsahan ka pa dyan…dyan…dyan sa toy mo😛

  4. ganito na lang ang usapan, sino ba yan at nang @#$%^ hehehe

    para sa akin, mabuti ang mga kagaya mo na sa murang edad na 25 years old ay nag-e-explore ng social media sites. at kung ako ang nasa kalagayan mo like you- keber sa kanila. buhay ko to. hehehe

  5. “Supulturero” ka pala. So madami ka pala ibinabaon. Hooters ba or pokemon? Hehehe. Pero mahirap nga yung inggit kasi walang lunas dun lalo na kapag walang basehan. Pero minsan ndin e akakadistract yung mga naka-“perfect” shorts. Kaya nga hindi ako tumitingin sa ganun e, pramis.

  6. Umamin ka! 25 ka ba talaga? hahaha!

    at dahil jan, i clicked the links. I’ve added you, followed you… Feel free to follow me back.🙂 Cheers!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s