Basagan

2016-02-05 16.34.21

Mahigit isang taon na ang nakakalipas at sa malamang hindi pa rin kayo nagsisi-alis dito sa aking pahina, ANO BANG BINABALIK-BALIKAN NINYO DITO?!?!

Siguro iniisip ninyo na kapag nagbalik si Potpot eh napakalupit na nitong gumawa ng katha sa Tagalog… Siguro iniisip ninyo na kapag gumawa uli si Potpot ng bagong blog post ay mas nakakatawa ang ikukwento niya… Siguro akala ninyo nagparetoke na ng pototoy si Potpot at ganap na siyang babae? Siguro.. hindi sigurado…

Siyanga pala, nandito pa rin ako sa lupain ni ultraman at godzilla, at oo, mukhang dito na ako tatanda kahit matanda na ako dahil bata pa ako…

Marami na namang magtataka sa inyo, magbabalik ako tapos aabutin ng pagputi ng uwak buwan bago ako bumalik sa pag kwento, pero hindi na ngayon. Ako ay nagdesisiyon na dapat sa loob ng isang linggo ay meron akong maibabahagi sa inyo na kapupulutan ninyo ng katarantaduhan aral at makakapag-bigay sa inyo ng matinding kasuklaman aliw…

At naisip ko rin na ipakilala sa inyo ang nakikipagplastikang totoong ako. Kung ano ang kinahihiligan ko, kung ano ba ang pinagkakaabalahan ko, at kung sino ang PUTANG-INANG NAGNAKAW NG CELLPHONE KO SA JEEP nakakapagbigay sa akin ng inspirasyon para sumulat.

Hindi lang yan, sasamahan pa natin ng kaunting video at pictures ng sa gayon ay maipakita ko sa inyo ang isa sa kinaaliwan ko noong nakaraang taon… mga hindi pa tuli na mga lalake mga collectibles…

Salamat at hindi pa rin kayo nagsasawang balikan ang pahinang ito.. promise, hindi ko na kayo bibitinin.. pero tandaan, promises are made to be broken…

The most important thing you should never forget…

20 thoughts on “Basagan

  1. Anong say ko? Aba’g magaling! Tatlong taon ko unang nadaanan ang site mo dahil sa random na paglalakwatsa sa internet ngunit aking nakalimutan ang pangalan ng site mo pero natandaan ko ang Pot, ini-try kong isearch and pot-pot, pot’s blog, kuya pot, pot wordpress, pot blogspot, pota di kita nahanap, hanggang sa mapadaan ako sa page ni Doon Po Sa Amin at nakita kita serrr, ako ay masaya, haha, siguro destiny tayo. Hahahaa. jk. #fan

      1. sige mag-aahit ako para sa iyo! ahahahaha! salamat sa pagbisita kaibigang Miggy! teka, nakapag ahit na ako.. pwede na torrid, 3 minutes ha, walang malisya yan.

      2. hahaha. kwela ka talaga pareng pot, hindi mo ako stalker pero alam kong nasa Japan ka at sana ay napatawad mo na ang kupal na boss dati, hehe, pag-uwe mo ng Pinas eh sasalubungin kita sa airport na may malaking name card tapos pag nakita mo ako at nakita kita eh tatakbo tayo papalapit sa isat-isa ng slow motion na may background music hahahahaaa.

      3. ayy! gusto ko yan!! ido-dawn zulueta mo ako ha!! excited much!! marami ng nagbago sa akin, hayaan mo, madami na akong kwento, sana nga lang magawa ko ito linggo-linggo para masaya… i will try.. labyu fafa Miggy! ahahay! fafa agad!

      4. ayun ang wordl na di ko ma-alala kanina “I-dawn zulueta mo ako” hahahaa. Hahalunkatin ko pa ulit ang mga laman ng baol mo, grabe kaytagal talaga kitang hinanap ser, so glad to meet you here. Looking forward to read your posts, old and new. cheers papi!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s