Salamat POEA and DFA… NANYO!

2016-04-23 19.04.42
Walang kinalaman ang larang ito sa post na ito.. pakialam ba ninyo!

Limang araw bago ako magbalik sa lupain ni godzilla nang naiplano ko na kumuha ng OEC o tinatawag na Overseas Employment Certificate na kinakailangan ng isang OFW para makatakas makalabas sa bansang nagpapasakit sa aking bulsa sinilangan.

Itong papel na ito ay nagsisimbulo na ikaw ay isang TNT bayaning Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa para payamanin ang kaban ng ating pamahalaan na binubulsa ng karamihan sa mga pulitiko ipadala sa ating mga mahal sa buhay para magkaroon sila ng salapi pang gastos sa paglaro ng DOTA sa piso net pang-araw-araw.

Nagpareserve ako sa website ng POEA para mabigyan ng prioridad sa pagkuha ng OEC. Kinse minutos bago mag ala-una, nandun na ako sa may POEA Ortigas, kasama ko ang daan-daang mga nakapag pa”reserve” dahil ang ibig sabihin pala ng “reserve” ay “pipila ka pa rin sa ayaw mo’t sa gusto dahil pangit ang aming sistema at magtiis ka jan, belat!!”

Walang problema, umupo ako at hinintay isigaw ng guwardya sibil ang numero ko, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit may mikroponong ginagamit ang guwardiya, pero sabog naman ang maririnig mo sa speaker, nakakalungkot lang. Eniweys, nasa may harapan na ako ng isang taga-asikaso ng aking OEC pero nagkaroon lamang ako ng problema, apat na buwan na lang at mapapaso na ang aking pasaporte na ayon sa batas trapiko ng Pilipinas, kailangan ay mapa-renew ko na ito six month before expiration.. eh di wow.

Pinapunta ako sa DFA na kung saan kailangan kong humingi ng “extension” sa aking pasaporte para payagang makaalis ng bansa, or else, mahaharang lang daw ako sa immigration dahil bawal umalis ang pogi malapit na ngang mapaso ang pasaporte ko kahit apat na buwan pa ang natitira. Kaya napaisip ako na dapat ang pagkain ay tinatapon na rin kapag 6 months pa ito bago mag-expire, o di kaya 6 months bago matapos ang termino ng mga politiko ay magsialis na sila sa pwesto, ang husay lang kasi.

Eh di yun nga, nagpunta akong DFA para makakuha ng “extension” pero sa may entrance pa lang nung tinanong ako ni manong guard kung bakit ako nagpunta sa DFA, sinabi agad nilang “wala na pong extension na binibigay”. Doon pa lang gusto ko ng maglulupasay at umiyak sa harap ng maraming tao magwala dahil paano ako makakaalis ng bansa kong pinakamamahal para ipagpatuloy ang trabaho ko sa ibang bansa bilang macho dancer engineer.

Mahinahon kong sinabi na “Sa April 5 na po ang alis ko papunta sa Japan, paano po yan?” At pinakita ko ang saddest look na pwedeng gawin ng lalakeng may bigote at balbas. Siguro bading mabait si manong guard dahil pagkatapos niya akong kapkapan ng 5 minutes, eh sinabi niyang pumunta ako sa window 5.

At nung sinabi niya yun ay nagkaroon ako ng pag-asa at nasabi sa aking sarili na “nagbago na nga ang mga ahensya ng gobyerno”. Pero bago pa ako pumasok ay hinarang na naman ako ng isa pang manong guard para kapkapan ako ng 5 minutes uli at sinabing “wala na hong binibigay na extension, pasensya na.” At dito gusto ko ng sabunutan si manong guard kahit semi-kalbo sya magwala dahil nawawalan na ako ng pasensya.

ITUTULOY…

Expectation vs. Reality

 

 

11 thoughts on “Salamat POEA and DFA… NANYO!

  1. Yung tita ko rin po dapat pabalik na ulit sa lunes, kaso mukhang madedelay pa siya ng alis, dahil sa pabago-bagong proseso ng OEC na yan -.-

  2. ang alam ko advisable talaga na magrenew before six months from the date of expiry ng passport, nangyari yang ganyan sa kakilala ko hassle wagas,

  3. yung may video pa sa dulo e. iba na talaga technology ngayon …sa ONLINE :p
    I hope maayos yang sa POEA at OEC, tama ka naman kung may online reservation dapat mas maayos. Na-try ko mag-apply ng walk-in at online sa DFA … mas better yung online. sad to say, hindi lahat ng government agencies ay centralize at high tech.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s