Posted in katas utak, kups session, wala lang

salamat sa lahat…

baho!
baho!

Salamat sa mga naging kakwentuhan, kakulitan, kachikahan ko dito sa aking unang bahay bago pa naging patok ang facebook/twitter/instagram… aminin ko man o hindi, ilang taon na rin akong tambay ng cyberspace… nagkalat ang ka-abnormalan ko sa internet na kahit i-google ninyo ako, ay porn sites ang mapupuntahan ninyo.. pero ‘wag na niyong balaking gawin pa ‘yan.. please.. parang awa na ninyo…

Sa totoo lang, hindi ko inaakala na sa hinaba-haba ng panahon, dito pa rin ako babalik-balik… Dito ko kasi nailalabas ang mga kalokohan ko kahit sabihin natin na sa personal ay may pagkaloko-loko ako… mas malaya kong nasasabi ang saloobin ko na hindi ako hinuhusgahan ng mga tao na ang tingin nila sa sarili ay napaka-superior.. pwe…

Pasensya na at hindi ako nakabibisita sa mga kaibigan ko dito dahil sa mga kadahilanang hindi ko na sasabihin pero kung pipilitin ninyo ako ay hindi ko ipagdadamot na sabihin sa inyo na dahil naging busy ako sa trabaho kaya hindi ako nakakatambay palagi.. pero huwag kayong mag-alala, hindi pa rin ako makakabisita sa mga sites ninyo… paninindigan ko na kunwari ay hindi na ako existing sa internet at magpapaka “anonymous” na lang ako sa pagbisita sa mga page ninyo… at kapag hindi ako nakapagpigil sa pag like at pag-comment, burahin na lang ninyo kasi baka mapahaba pa ang kwentuhan natin…

Nag-iba na ako ng trabaho, pero hindi naman ito nalalayo sa dati kong trabaho na tiga-make-up ng patay sa funeraria paz, ngayon kasi ang trabaho ko ay tiga-manicure/pedicure ng mga namatay na kuko.. medyo malapit ‘di ba? Nagpursigi ako sa trabaho ko ngayon at dahil siguro sa aking determinasyon at sipag sa trabaho, ipinagkaloob sa akin ni batman ang kanyang brief swerte dahil ako ay na-promote sa trabaho ko bilang sub-leader ng mga beking kailangan mong utusan bago magsikilos sa trabaho…

Swerte lang siguro ako ngayon dahil kahit mahirap ang trabaho ko, nakakahabol naman ako at araw-araw may natututunan… at dahil nga nakita nila na kulang na lang ay ingudngod ko ang pagmumukha ko sa mabahong paa ng customer, tinaasan nila ang sweldo ko ng 9 pesos at ginawang taga-saway ng mga nagsasayaw na unggoy sa zoo… bongga lang…

At pansinin ninyo na wala pa ring pinagbago sa mga sulat ko, wala pa rin kayong maintindihan at wala pa ring sense at structure ang pagsusulat ko… kaya nga tinawag na walang basagan ng trip, sabunutan ko kayo sa kili-kili eh…

Bigyan pa ninyo ako ng time para makahinga ng maluwag… at sana mapasaya ko pa rin kayo kahit sandali ng makalimutan ninyo ang mga problema ninyo… maraming salamat at mabuhay tayong mga bloggers!! woot!!

Advertisements
Posted in double meaning, katas utak, kups session, true story

the pain…

the pain..
the pain..

ANO BA?!?? Gaano ba katagal ang balak mong saktan ako? Hindi ko alam kung ano ba ginawa ko para saktan mo ako ng ganito. Ang kirot ng dibdib ko! SOBRA!

Dati-rati, hindi ko pinapansin ang mga ginagawa mo sa akin. Akala ko kasi, normal lang ang nangyayari kapag binibisita mo ako. Sa katunayan, bibihira mo lang akong maalala, at sa tuwing darating ka, pinapahiya mo ako.

Pupuntiryahin mo ang mukha ko, at sa tuwing aalis ka, nag-iiwan ka ng marka na matagal bago maghilom. Sugat na tumatagos, pamamahiya na hanggang sa ngayon ay natatandaan ko. PAKSYET KA!

Pero bakit naman kung kailan nakapag “move-on” na ako sa iyo, saka magpaparamdam ng bonggang-bongga.

Lubayan mo na ako! Hindi ako makakilos ng mabuti dahil sa ginagawa mo! Pakiramdam ko kakaiba itong ginagawa mo sa akin. Hindi ito normal! PARANG AWA MO NA! LUBAYAN MO NA AKO!

Tutubuan lang ako ng tigyawat, sa mismong kaliwang utong ko pa! PESTE TALAGA!

Posted in double meaning, katas utak, wala lang

personal preference..

my husband's lover
my husband’s lover

Lagi na lang na kapag may bago akong post, sasabihin ko na “pasensya na sa late post”. Well, para maiba naman, eto ang sasabihin ko ngayon, “magtiis kayo sa kahihintay!”. Ang yabang lang ng peg ko, sorry naman.

Sobrang busy ako sa trabaho at marami pa kasi akong dapat matutunan sa bagong career ko na isang “SUPULTURERO”. Yes! I dig graves for a living. Kung may kasabihan nga tayo na may pera sa basura, ang motto ng kumpanya namin, “may pera sa bulsa ng mga bangkay na nahuhukay”.

Pero hindi ito ang main focus ng aking kwento. Intro ko lang yan, ang totoo niyan, active ako sa ibang social media sites tulad ng Instagram, Tumblr, at Facebook.

May nakapagsabi nga sa akin, “ang tanda mo na, may instagram ka pa at tumblr”, na sinagot ko naman agad na “EH ANONG PAKIALAM MO! HINDOT!”, pero sa isip ko lang yan. Ang sinabi ko talaga, “Ahhh wala lang, trip ko lang”.

Sino ba ang nagsasabi o nagdidikta kung matanda ka o bata ka sa isang bagay na nag-eenjoy ka? Bakit kailangang magkaroon ng “age-restrictions” ang mga gawain na alam mo naman na qualified ka dahil tuli ka na or nireregla ka na? Paano mo ba masasabi na matanda or bata ang isang nilalang base sa mga ginagawa niya sa buhay? Kailan mo ba sasabihing tama o mali ang isang gawain na wala ka namang kaalam-alam? Ano ang sagot sa square-root of 3?

Ang daming tanong pero isa lang ang sagot.. PERSONAL PREFERENCE.

Nagkakaroon tayo ng sarili nating perception sa tao kapag sa tingin natin ay hindi ito angkop sa ating panlasa. Kapag nakakita ka ng matandang babae na nagsusuot ng sexy na damit, sasabihan natin sila na “NAGMUMURANG KAMIAS” pero ang totoo niyan ay komportable lang sila na isuot ang mga ganung klaseng damit, at posibleng lalandi si lola.

Kapag nakakita tayo ng teenager na may bf/gf, iisipin mo na “MALALANDI” dahil bata pa eh kumekereng-kreng na pero ang totoo niyan, inggit lang tayo kasi sila may lovelife, tayo, WALA! At sila may jerjer tayo ay “all by myself” lang ang beauty.

Kapag nakaka-encounter tayo ng mga matatanda na nanonood pa rin ng cartoons at naglalaro ng DOTA, sasabihin na hindi na bagay at dapat magtrabaho, pero ang totoo ay naiinggit tayo dahil sila ay may oras para magawa ang mga bagay na gusto nila, tayo, WALA!

Kapag nakakakita tayo ng mga bata na kung magsalita ay parang matanda, iisipin natin na masyadong mura pa ang isip para makapag-isip ng ganun, hindi natin naiisip na matalino ang bata at palabasa ng libro kaya matalino kung makapag-salita.

Sarili lang natin ang nagsasabi na tama/mali ang isang bagay ayon sa pagkakaalam natin kung ano ang tama at mali. Parang perlikula lang yan, yung iba gusto ang pinapanood samanatalang yung iba, hindi naman naibigan ang palabas. Personal preference lang lahat.

Parang sa pagkain, yung iba gusto may catsup ang itlog, yung iba gusto asin lang, choosy lang ‘di ba?

Kaya please lang, kung sa tingin ninyo na sa edad kong 25 (ehem!) ay walang karapatang mag-participate sa mga social networking sites, pasensya na at hindi ko na reach ang expectations ninyo.

At dahil jan, na promote ko ang aking ibang site ng hindi ako nagmumukhang desperado. I THANK YOU! BOW!

Posted in katas utak, kups session, true story, wala lang

awkward moments…

me and moon...
me and moon…

Madalas bang mangyari sa inyo yung mga awkward moments na kapag may kasama ka at hindi nag-sync ang utak ninyo, iba ang kinalalabasan ng actions ninyo? Pwes! Sa akin, hindi matatapos ang isang linggo na walang awkward moment na nangyayari sa akin. Bigyan ko kayo ng halimbawa:

1. Hindi mo nakasanayan ang “fist bump” na nauso ngayon na ginagawa ng mga kalalakihan, kaya sa tuwing may nakikipag “fist bump” sa iyo, nasasalo mo ng palad mo ang kamao niya, kaya mukha kang engot na parang hinihimas mo ang kamao ng ka “fist bump” mo. AWKWARD! Solution – Kunwari naglalaro kayo ng bato-bato-pik.. WINNER KA! Talo ng papel ang bato…

2. Kasal ng bestfriend mo, nakikipag-kamay yung father niya sa mga bisita, at akmang makikipagkamay ka, eh yung katabi mo ang kinamayan niya, naka-extend lang ang kamay mo, mga 20 secs na at lumipat na ng ibang table yung father ng bestfriend mo. AWKWARD! Solution – Umarteng may pilay ang braso mo, para kunwaring naka extend lang sya, sabay himas dito para kunwari ay hinihilot-hilot.. WINNER KA! Hindi naman napansin ng ibang bisita kasi nakatutok sa bride and groom ang atensyon nila…

3. Nakipagkita ka sa kaklase mo na matagal mo ng hindi nakita, mga centuries na, akmang nakikipag-kamay ka, sabay inihandusay ang pisngi, beso-beso ang trip, kaya pag-beso mo, naiharap niya ang mukha niya sa mukha mo.. AWKWARD! Solution – pagkahalik ay sabay hila sa buhok at sabihing.. “LOKA KA BAKLA!” WINNER KA! Naiahon mo ang sarili mo sa kahihiyan, dahil lalake yung kaibigan mo na yan.

4. Naglalaro kayo ng mga kaibigan mo nung highschool ng “kadyot pwet” yung tutusukin mo ang pwet ng kaklase mong lalake, usong-uso noong highschool kayo. Eksaktong PE ninyo nun at naka jogging pants kayong lahat, pati babae naka jogging pants, at sa hindi inaasahang pangyayari, natusok mo ang kaklase mong babae, crush mo pa naman siya.. AWKWARD! Solution – lumuhod ka at magpasabunot ng bonggang-bongga.. WINNER KA! Pinatawad ka ng kaklase mo, naka-hipo ka pa..

5. Nung time na nalasing ka sa isang pagtitipon at sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakita mong nakikipag holding hands ka sa kaibigan mong babae, yung holding hands ng mag-jowa.. hindi lang ilang segundo, umabot ata ng ilang minuto.. pagkatapos ay dumadantay na ang ulo niya sa ulo mo at niyayakap ka na parang linta.. AWKWARD! Solution – Kunwari tatayo ka para umihi.. WINNER KA! Hindi mo pinagsamantalahan ang kaibigan mo hindi dahil pangit siya, kundi dahil nirerespeto mo siya bilang babae.

6. Yung moment na nakipagkita ka sa ex mo tapos napabeso ka at napayakap, at ayaw mo ng bitawan.. AWKWARD! Solution – Biglang magsalita ka ng “Kamusta ka na sister? Ang bekiful mo na!” WINNER KA! Maiiwasan mong masampal dahil nag-linger ka, magiging bff mo pa ang ex mo dahil iisipin niyang beki ka.

7. Nagpapatawa ka, at alam mo na nakakatawa ang joke mo dahil muntik-muntikanan ka ng maihi nung una itong sinabi sa iyo, pero nung ni-deliver mo ang punchline sa mga kaibigan mo, hindi sila natawa. AWKWARD! Solution – Hiritan mo agad ng, “Ang corny di ba?” sabay tawa ng malakas. WINNER KA! Dahil inunahan mong ipahiya ang sarili mo, kesa ipahiya ka ng mga friends mo…

Marami pa talagang mga awkward moments na ganyan, kayo ba? May awkward moments ba kayo na gusto ninyong -ishare? wag na kayo mahiya, share na ninyo!

Posted in katas utak, kups session, wala lang

TGIF…

naunahan kong magising ang alarm ko sa pay phone, kadalasan 6:30 ito dapat tumunog, pero nung dinilat ko mga mata ko, 5:45 na ng umaga… at kahit hindi ko aamining signs of aging ang magising ng maaga kahit late ng matulog, bumangon ako para salubungin ang napakagandang araw sa loob ng isang linggong trabaho.. ang biyernes…

tiniklop ko ang aking higaan, dahil ito ang tradisyonal na higaan ng mga hapon, yung karton ng sony bravia.. at tiniklop ko na din ang ang kumot na gawa sa pinagtagpi-tagping gamit na plastic bag ng basura.. mas warm kasi ang feeling kapag may kaunting alingasngas sa balat… pinagpag ang unan na gawa sa nilukot na diyaryo, at itinabi sa kariton ko na nakaparada sa may ilalim ng poste…

kinuha ko ang twalyang gawa sa ginupit-gupit na kumot na napulot ko, bilog na sabong gawa sa pinagsama-samang gamit na sabon, botelya ng shampoo na may lamang baby cologne at sabong joy, at labakarang gawa sa ginupit na bacon brief na binigay ng kumpare kong may sakit sa pantog… naligo ako sa may posong malapit sa kanal.. ang sarap ng feeling…

first time kong magtimpla ng instant coffee galing sa tubig na nahuhulog mula sa alulod ng bubong ng kapitbahay dahil hindi naman ako nainom talaga ng kape, sinabayan ko ng kanin at ang specialty ng lola ko sa mother side, ang toyoba (toyo at baboy) na ni-tweak ko at ginawa kong toyoma (toyo at manok). sinamahan ko rin ng isang mansanas na 3 linggo na nung napulot ko sa may labas ng grocery… ang sarap lang…

nagbihis na ako ng pang-opisina at ready na para salubungin ang huling araw ng work week.. woot!

habang naglalakad ako papunta sa istasyon ng tren, pansin na pansin ko ang mga nakakasalubong ko ay napapatingin sa akin at napapangiti.. hindi ko tuloy alam kung may dumi ako sa mukha pero alam ba ninyo yung pakiramdam na may nakalimutan kang gawin… pero sige lang, baka nagkataon lang..

pero hindi talaga natigil ang mga titig ng mga kabataang babae nakakasalubong ko, kulang na lang ay isipin kong, “artista ba ako?”, pero hindi pa naman ganun kakapal ang mukha ko kaya inisip ko na lang na “model” lang ang peg ko…

nakasakay ako sa tren at umupo sa may bandang dulo malapit sa pintuan, at hanggang dito ay panay tingin hindi lamang ng mga kabataang dalaga, kundi mga nanay at mga lola.. may iilan-ilang lalakeng sa tingin ko ay may kursunada rin sa akin, hindi ko talaga malaman kung ano o bakit sila napapatingin… ang ganda ko lang.. period..

pagkalipat ko ng tren, hindi na ako nakaupo, nakatayo ako malapit sa upuan ng mga matatanda, buntis, may dalang bata at disabled.. napansin ko na yung lolang nakaupo sa harap ko ay aliw na aliw sa akin.. panay ang ngiti niya at papansin sa akin..

hindi na ako nakatiis at nagtanong na ako kung bakit siya tuwang-tuwa… biglang itinuro ni lola ang pantalon ko at nung tinignan ko kung bakit ay naalala kong bigla kung ano yung nakalimutan kong gawin…

nakalimutan kong mag tootbrush…

Posted in katas utak, kups session, pityur pityur, wala lang

sakit sa bangs…

Effortless

Maraming bumabagabag sa akin these past few days, kaya hindi ako nakakapag update kung ano man ang nangyayari sa aking baliw na mundo. Ang larawang nakikita ninyo ay ang hitsura ko ngayon. Hindi ako kirat, sadyang tinaas ko yung kanang kilay ko para magmukha namang interesting ang pagmumukha ko, aminin ninyo, mukha akong balbas na tinubuan ng mukha.

Kamakailan ay kinaiinisan ko ang aming supervisor kuno (kuno kasi hindi naman talaga siya supervisor, parang naatasan lang siyang mag lead sa amin dahil Japanese siya, yun lang yun) dahil pakiramdam ko (oo, feelingero ako pag dating sa ganyan) ay pinag-iinitan na naman niya ako. Iilan lang namang kadahilanan ang naiisip ko kung bakit ako ang flavor of the month niya;

1. Gwapo ako Hindi ako kumukuha ng Sabado/Linggo na trabaho.

Ilang beses niyang sinasabi sa akin na kung hindi daw ako kukuha ng trabaho ng weekends ay posibleng tatanggalin ako sa project at bababa ang sweldo ko. Hellooooo! Hindi naman ako per project, per day ang bayad sa akin, at karapatan ko na mag day-off sa araw na itinakda sa kontrata ko. Optional lang naman kung gusto kong  pumasok ng weekends at hindi ito mandatory. At tandaan mo na tinanggal ninyo ang OT rate ng weekend dahil nga kailangan naming i-offset siya kapag weekdays.

2. Lakas ng sex appeal ko Kapag may tanong ako tungkol sa trabaho ay nagtatanong ako sa may alam.

Aminin mo na hindi mo alam lahat. Wala naman yatang tao na napakatalino na alam ang lahat ng kasagutan sa mga katanungang tulad ng what is love. At saka nang nasubukan kong magtanong sa iyo, alam ko na hindi ito dapat abutin ng 30 minutos bago masagot, kaya minabuti ko na magtanong sa taong nakakaalam, at hindi ikaw yun.

3 . Matalino ako Epal lang talaga siya.

Kung ibinigay sa akin ang task para magturo ng trabaho sa iba, sinisiguro ko naman na alam ko ang mga pinagsasabi ko, kahit balu-baluktot akong mag Nihonggo. Kung sakaling may sinabi ako na mali, tatanggapin ko naman, ‘wag mo lang ipamukha na ikaw ang may alam. Eh kung marunong ka eh di ikaw na magturo, nag aaksaya pa ako ng laway eh mas malakas ang talsik ng sa iyo, ikaw na.

Minsan nararamdaman ko na lang na umaangat ang dugo ko papunta sa ulo kapag nakikita ko siya, kaya nga lagi kong hinihiling na bigyan pa ako ng pasensya sa pakikisalamuha sa kanya, ayoko kasi na may galit sa tao dahil nakaka-stress kaya lang iba talaga siya eh, ang sakit sa bangs…

Sorry ha, rant na naman ako, pagbigyan na ninyo ako, pero para sumaya kayo, share ko pic ko nung dalaga pa ako.

Sabel

Posted in katas utak, wala lang

dear b…

Dear B,

Kamusta ka na? Long time no see ah…  Miss na kita.. Totoo.. Sobrang miss na kita.. Aamin ako sa iyo, iniiwasan talaga kita… hindi sa ayaw ko sa iyo pero kailangan ko itong gawin para hindi mabigat para sa akin…

Nahihirapan kasi akong tanggapin ang mga pangyayari at alam ko na hindi ito biro sa isang tulad ko na lagi na lang biktima ng pagkakataon…

Pero ngayong araw, naglakas ako ng loob na harapin ka at sabihin sa iyo na handa na akong kalimutan ang dumaang panahon.. sawa na kasi ako sa mga sinasabi mo.. sa paramdam mo.. sa gagawin mong impact sa buhay ko… kaya yayakapin kita at tatanggapin ng buong-buo..

Dumistansya man ako sa iyo, hindi ko maitatago na bahagi ka ng buhay ko, at alam ko din na kahit sandali na iniisip kita, at pinilit na i-balewala ang lahat, ay hindi ko magagawa…

Hayaan mong batiin kita ng Merry Christmas… at sana sa darating na taon, habang kasama kita sa bawat luha, sa bawat ngiti, sa bawat pighati sa buhay ko, ‘wag mo sanang kalimutan na nagagawa ko itong bukal sa kalooban ko dahil tinanggap kita…

Salamat ng marami. Mahal na mahal kita.. at kahit alam ko na hindi dito nagtatapos ang ating relasyon, asahan mo na sa buong isang taon ay ilalagi kita sa aking puso…

Ipangako mo sa akin na hindi mo ako pababayaan at bibigyan pa ako ng ibayong lakas para makipaglaban sa hamon ng kinabukasan.. at hayaan mo, hindi na kita ililihim pa.. ipagsisigawan ko sa mundo kung ano ka sa buhay ko…

Mahal kita Birthday ko, at kahit anong iwas ang gawin ko sa iyo, hindi talaga pwede… ikaw kasi eh… ayan, tumanda na naman ako… ang hirap maging 22 23 24 25 26 30 32 34 adult.. pwe..

Nagmamahal..
Potpot (a year older)

Merry Christmas sa mga kaibigan kong walang sawang bumabalik-balik sa aking blog! Nawa’y bigyan kayo ng marami pang biyaya sa darating na taon!

Posted in back to the past, katas utak, kups session, wala lang

plantation…

issue 3 na ng club filipina magazine at dahil wala silang makuhang tagapagsulat, pinagtiyagaan nila ako uli.. kaya click ninyo ito para mabasa ang magazine.. salamat!! mwahugz!

——–

kasalanan ito ng kdrama kung bakit ako magkukwento ng ganito.. kainis naman kasi eh…

meron akong naalala, medyo matagal na, pero bigla na lang bumalik sa aking isipan.. may isang babae na muntik ng maging kami.. pero hindi eh.. gusto ninyong malaman kung bakit? tara.. kaibigan.. usap tayo…

nagkahiwalay kami ng aking gf noon… at hindi ko na lang sasabihin na dahil sa may 3rd party siya kaya kami nagkaroon ng problema… malungkot na malungkot ako.. alam ninyo yung pakiramdam na sinakluban ka ng langit.. isip ka ng isip kung anong mali ang ginawa mo.. nagtataka ka kung bakit sa dinami-dami ng lalake sa mundo ay sa mukhang unggoy ka pa niya ipinagpalit kahit mukha ka ng gorilla… balisa ka.. hindi ka makatulog.. hindi ka makakain… iniisip mo na sa loob ng 3 taon na kayo ay masaya, na sa 3 taon ay umiwas ka sa tukso… na sa loob ng 3 taon ay nagpakatanga ka para lang sa kanya… halo-halo ang sumasagi sa isipan mo… so alam ninyo yang pakiramdam na ganyan? ako kasi hindi eh…

habang pinagdadaanan ko yan noon, may nakilala akong babae.. tawagin na lang natin siya sa pangalang Mek.. wag na kayong kumontra.. kwento ko ito..

siya kasi ang naging sandigan ko noong mga panahon na ako ay mahina.. noong mga panahon na nakikipaglampungan ang gf ko kasama ang ibang lalake.. noong mga panahon na pati pamilya niya at mga barkada ay nagsinungaling para lang ikubli ang relasyon niya dun sa unggoy (ampalaya flavor!!).. si Mek, ang nagbigay sa akin ng bagong pag-asa…

gabi-gabi kaming magkausap sa telepono.. kulitan.. tawanan.. sa totoo lang, nahasa akong mag-inggles dahil sa kanya.. spokening dollar siya eh.. sosyal ang lola ninyo… naikwento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin… at natuwa ako sa kanya dahil willing siyang makinig sa mga kwento at hinaing ko sa mundo…

napag-usapan namin na magkita sa quiapo isang araw, biyernes.. dakilang bum ako dahil bumagsak ako sa board exam noon dahil sa hindi ako makapag concentrate… ituturo niya sa akin ang bilihan ng mga porn vcd na mura… dahil lagi siyang nagsisimba sa quiapo, at doon kasi ang sentro ng kalakal pag dating sa mga panoorin…

usapan namin ay sa dunkin donuts.. nauna ako sa kitaan namin.. umorder muna ako ng boston cream at sprite habang hinihintay ang babaeng ngayon ko pa lang makikita sa tanang buhay ko.. medyo kinakabahan ako… hindi na ako sanay makipagkita sa ibang babae maliban na lang sa gf ko noon… pero nilakasan ko ang loob ko, kahit parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba… bakit naman ako kakabahan, eh kaibigan ko naman siya… yun naman talaga noon eh.. kaibigan…

pumasok siya sa pintuan at nagtagpo ang aming mga mata… alam ko na alam niya na alam ko na kami ang magkikita… pagkatapos ng napakatagal na 3 segundong titigan..

“potpot?” sabay turo sa akin…
“hindi…” sagot ko naman, pero ngumiti ako, senyales na nagbibiro lang ako..

hinampas niya ako sa balikat at nakipag-kamay ako.. tanda ng pakikipagkaibigan…

iyun ang simula ng marami naming pagkikita..

ilang linggo ang lumipas, habang magkausap kami sa telepono… hindi ko alam kung bakit niya sinabi ang mga ito…

“you know what.. i miss you.. i don’t know why but i really do…”
“me too.. i am missing you a lot.. and to tell you the truth, i can’t stop thinking about you..” banat ko…

katahimikan..

ilang segundong pananahimik din ang naganap, at bigla siyang nagsalita…

“is it possible that i am falling for you?”
“is it really a possibility for you to fall for a broken guy like me?”
“you’re not broken.. you’re just.. taken for granted.. your gf is one lucky girl but too bad she dumped you..”
“yeah…”
“so… you want to go out?”
“..of the house?”
“of course, you silly.. let’s watch a movie..”
“i don’t know.. you might take advantage of me.. i’m still a virgin you know..”
“ohh shut up potpot! hahahahaha!”

…effort kung effort.. magkikita kami at manonood ng sine sa may fairview.. kamusta naman.. taga tondo ako.. so byahe galore ang beauty ko.. pero sige lang.. may nararamdaman na rin naman ako nun eh.. go lang ng go!!

…nung nagkita kami sa mall sa may fairview, medyo parang nagkakahiyaan kami.. parang high school lang.. walang pbb teen moment.. pero alam ninyo yung mga eksena na napapanood lang ninyo sa tv o sine na habang naglalakad ay nagkakabanggaan ang kamay.. ganun na ganun ang nangyayari.. hindi ko alam kung mabagal lang ako o mabilis lang siya.. hinawakan niya ang kamay ko.. yung hawak magsyota.. yung alternate ang mga daliri… yung ganyang factor… kilig di ba?

…sa totoo lang.. nakalimutan ko ang pinanood namin.. dahil hindi ako makapag concentrate sa loob ng sinehan dahil masyado kaming sweet sa isa’t-isa.. yun tipong idadantay niya yung ulo niya sa balikat ko.. aakbay ako sa kanya.. pipisilin ko yung tagiliran niya.. hinihimas niyi yung hita ko.. hahalikan niya ako sa pisngi.. yayakapin niya ako.. kinukurot niya yung daliri ko… tinititigan niya ako… yung ganyang peg…

…naulit ang pagkikita namin.. ang kain sa labas.. ang date.. bili ng porn vcd… nakapunta na rin ako sa bahay nila at naipakilala bilang “friend” sa nanay niya at sa kapatid.. may mga patakas moments kami na habang nasa sala kami, eh naghahawakan kami ng kamay.. pbb teens lang…

…pero ang mga saya na nararamdaman ay hindi maaring walang pighati.. isang gabi… magkausap kami sa telepono.. nagsalita siya..

“do you still love her.. your gf?”
“i don’t know…”
“do you love me?”
“i do…”
“then answer the god damn question.. do you still love her?”

katahimikan…

…hindi ko po alam ate charo kung bakit hindi ko siya masagot ng diretso.. mahal ko si Mek, pero bakit hindi ko pa rin makalimutan ang gf kong iniwan ako para sa isang unggoy.. <– halatang bitter talaga… sumagot ako…

“i’m sorry Mek..”
“sorry for what? for taking advantage of me?”
“no.. for not answering the question…”
“what do you want me to do? i can give you what ever you want.. love.. peace of mind.. care.. anything.. you name it.. why can’t you not love me the way you love your stupid gf?”
“i do.. but..”
“but what? you only see me as a shoulder to cry on? your past time? your shock absorber?”
“no.. i do care for you.. but the thing is.. i am not ready to commit..”
“putangina mo pot! we’ve been seeing each other for almost 2 months and you’re saying you’re not ready to commit? so all the things you’ve done for me are just for show?”
“no Mek.. all of them are true..”
“bullshit! stop lying and tell me now.. do you still love her?”
“…..”
“ANSWER ME!”
“ye…yes…”
“goodbye, pot..”

binaba niya ang telepono.. at masakit sa tenga… natanggal ang lahat ng tutule ko noon..

sinubukan kong tawagan si Mek ng ilang beses.. text.. pero di na siya nagrereply… araw-araw kong sinusubukan siyang matawagan para magkausap kami.. pero bigo ako..

fast forward today… nahanap ko siya sa facebook.. at dahil mabait akong nilalang, nag message ako sa kanya upang mag sorry sa nangyari noon… eto ang sinabi ko..

“Hi Mek.. si potpot ito.. do you still remember me? sorry to bother you.. i just want to apologize what happened before… i know that i’ve hurt you and i just want to say sorry for my stupidity and cowardness…”

nag reply siya…

“who are you? i don’t know you…”

*facepalm*

naramdaman kong may ampalaya plantation na siya….

Posted in back to the past, brokeback, katas utak, kups session, wala lang

barberya…

simula nung magka-isip ako hanggang magbinata, lagi akong sinasamahan ng aking lolo magpagupit sa barberyang malapit sa aming lugar… pero napapansin ko na iisa lang ang istilo ng pag-gupit ni mang turing (pangalan ng barbero).. kaya nung hindi na ako takot tumawid sa edad na 13, napagpasiyahan ko na ako na lang mag-isa ang lalakad para magpagupit…

bago makarating sa barberya ni mang turing, may isang parlor na madadaanan na nagngangalang “jenny’s salon” na noong una ay hindi ko pinapansin sa kadahilanang:

1. Takot ako sa bakla Mahiyain ako.
2. Takot ako sa bakla Hindi ko kilala ang manggugupit.
3. Takot ako sa bakla Wala akong kasama.
4. Takot ako sa bakla Kulang ang dala kong pera.

at dahil sawa na ako sa bunot look or shaggy-lid lang ang tabas, nagpasya akong subukan ang parlor ni mang jenny… humingi ako ng dagdag 10 piso sa nanay ko para siguradong hindi magkukulang ang pagpapagupit.. 15 pesos lang ang pagupit kina mang turing at naniguro muna ako para hindi ako mapahiya..

pagpasok ko pa lang ay nagtanong na agad ako kung magkano ang pagupit, na sinagot naman ng 20 pesos ng isang baklang naggugupit doon… umupo ako sa malambot na sofa at gumala na ang aking mga mata… lahat ng nakikita ko ay bago, dahil kulay pink ang paligid at mas maraming customer… na kung ihahambing ko sa barberya ni mang turing eh napaka dark at malumot, parang batcave lang ni batman…

sa may bandang kusina ay meron pang isang kwarto na kung saan ay labas-pasok ang may-ari ng parlor na si mang jenny… manggugupit din siya, pero pili lang ang nakakapasok sa maliit na kwarto na natatakpan ng pulang kurtina… pero napuna ko na ang mga pumapasok na mga binatilyo na mukhang palaboy, paglabas nila mula sa mahiwagang kwarto na may harang na pulang kurtina ay parang nagiging miyembro ng that’s entertainment ang tv star magic sa linis at ganda ng gupit.. sa malamang ay may mga gadget o di kaya’y aparato na ginagamit si mang jenny para sa mga buhok ng mga binatilyong nakikita kong labas-pasok doon…

nagulat din ako dahil 2 bakla at isang babae ang nag-aasikaso sa may harap, at nataon na yung babae ang tumawag sa akin para gupitan.. at dito nagsimula ang aking fetish na magpagupit kina mang jenny… umayos at nagkaroon ng “style” ang buhok ko, at kung dating superwheel or ajax lang ang gamit kong sabon sa buhok, natutunan kong gumamit ng shampoo at conditioner dahil sa suhestiyon ng babaeng manggugupit… natuto rin akong gumamit ng suklay na dati-rati ay daliri ko lang sabay tapat sa bentilador naming naka fix sa number 3 ang speed dahil nasira ang pindutan… kaya pala pinasma ang mukha ko…

mahigit isang taon din ang lumipas, alas 8 ng umaga, sabado, ninais kong magpagupit kina mang jenny dahil may dadaluhan akong party ng kaibigan… sarado pa ang kanyang parlor, sumilip ako at nakita ko lang si mang jenny at isang customer na babae… nakita niya akong dumudungaw-dungaw kaya agad siyang lumapit sa pinto at pinagbuksan ako…

first time kong makita si mang jenny ng malapitan.. matangkad pala siya at medyo may kaunting muscle dahil naka spaghetti strap siya.. pina-upo niya ako at sinabing tatapusin lang niya yung babaeng customer at ako na ang isusunod niya… medyo mainit sa parlor niya dahil hindi pa nakabukas yung aircon, pero napuna niya ito kaya agad-agad na binuksan ni mang jenny ang pampalamig ng hangin…

nag-uusap ang dalawa, pero hindi ko gaanong marinig, ang narinig ko na lang ay “ang swerte mo bakla, ang aga-aga ay may almusal ka na agad”.. na sabay tingin naman sa akin ni mang jenny at ngumiti… naisip ko na baka may magdedelivery ng kanyang almusal dahil busy lagi si mang jenny, at medyo napangiti rin ako dahil pakiramdam ko ay makakatikim din ako ng almusal na sinasabi ng babaeng customer…

natapos ang pagpapagupit nung babae at ako naman ang sinunod ni mang jenny.. noong una ay minomolestiya niya ang buhok ko dahil daw may potensyal itong tumubong maayos at makapal.. pero kailangan daw na doon kami sa may isang kwarto na natatakpan ng pulang kurtina.. nagpalusot na lang ako na “ok na po yang buhok ko, pakilagyan lang po ng kaunting style, dadalo po ako ng isang party” na agad namang pinaunlakan ni mang jenny… natapos ang gupitan at namangha ako sa husay niyang manggupit.. at nung akmang magbabayad na ako ay tumanggi siya sa isang kundisyon, ipapakita daw niya sa akin ang sikreto ng mga binatilyong pumasok sa kwartong natatakpan ng pulang kurtina..

at dahil uto-uto curious ako, pumasok ako sa kwartong iyon.. na agad naman akong nalungkot dahil simpleng banyo lang ito.. narinig ko sa labas ng kwarto na sumigaw si mang jenny na “umihi ka muna jan”.. ewan ko ba ate charo, pero ako namang si tanga masunurin ay binaba ang zipper ng maong shorts ko at umihi naman sa may inodoro… at habang ginagawa ko ang iniutos sa akin, nagulat na lang ako ng bigla siyang pumasok sa kwartong natatakpan ng pulang kurtina at dali-daling dinakma ang aking pagkalalake..

agad-agad kong inalis ang pagkakahawak niya at itinulak siya papalayo habang isinasara ko ang zipper ko… “sandali lang ito, wag kang matakot” makaawa niya sa akin na listo naman akong tumakbo papalabas sa kwarto na yun, pero sa kasamaang palad, nai-lock niya ang kanyang parlor at hindi ako makalabas… sinundan niya ako sa may pintuan at hinihila niya ako papasok sa pintuang natatakpan ng pulang kurtina… dito na ako nagtititili na parang kinakatay na baboy nagpupumiglas at umamba at dahil sa takot ni mang jenny na maiskandalo, agad-agad niyang tinanggal ang pagkakakandado sa pintuan, at ako ay nakaligtas sa tiyak na kapahamakan…

ang moral ng aking kwento ay.. “kung muntik ka ng magahasa ng baklang bakulaw, ‘wag mo ng tangkain pang magpagupit muli doon, dahil kahit gaano katagal ang paglipas ng panahon, makikilala at makikilala ka pa rin”

marahil ay nagtatanong kayo kung nagpagupit uli ako sa parlor ni mang jenny… sabihin na lang natin na hindi na bumalik ang ganda ng buhok ko… salamat kay mang turing…

Posted in brokeback, katas utak, kups session, wala lang

miss maganda… ‘wag po… ‘wag po…

7:35 akong umalis ng bahay para makaabot ako sa 7:48 na alis ng tren sa terminal… at dahil alam ko na ang istasyon namin ang dulo ng linya, siguradong makakaupo ako.. pero pagpasok ko pa lang sa mismong ticket gate ay sinalubong na ako ng dagsang mamamayan ng japan dahil may aksidente na naman at eksaktong sa linya namin ang problema…

medyo dinamdam ko ang nangyari pero kinakailangan kong makapasok ng maaga dahil meron akong trabaho ng 8:30… kaya nagtiyaga akong tumayo sa may gilid ng pintuan kung saan nagsisipasok ang mga tao..

anim na istasyon ang dadaanan bago ako bumaba at sa ikalawang istasyon pa lang ay mabilis na napuno ang tren dahil nga naipon ang mga pasahero dahil sa nangyaring sakuna sa tren… hindi pa naman nagpapalitan ang mga mukha namin, pero may isang manong na nasa edad 40 na may tangkad na 6 feet ang nagsusumiksik sa akin.. medyo nakakabadtrip lang dahil medyo masakit siyang manulak, pero nagpaka “firm” ako sa tayo ko para hindi ako matinag dahil hindi ako takot sa kanya.. kaunti lang…

sa ikatlong istasyon, mas lalong madami ang nagsumiksik, para na kaming sardinas, at laking gulat ko ng may humarap sa aking isang haponesa na maganda, matangkad, maputi, seksi at mabango… pasensya na pero bibihira kasi ang mabango dito sa japan.. kung hindi amoy kama, eh amoy amuong ang iba.. pero kakaiba itong si miss.. nakuha agad niya ang atensyon ko.. suplado kasi ako sa umaga.. at dahil nga siksikan, wala na siyang magawa kundi ang mapaharap sa akin at makipag titigan sa aking mga mata…

noong una ay nahihiya pa si miss.. pero nung huminto sa pang-apat na istasyon, eh nakikipag sabayan na rin siya ng titig sa akin… at dahil makapal ang mukha ko maginoo ako, nag-alay ako ng ngiting labas dimple kay miss maganda.. at hindi ako napahiya, ngumiti rin siya… jackpot!!

nung sumara ang pinto, nagulat ako ng may gumagalaw na kamay sa may bandang hita ko… hindi ako makayuko dahil sobrang siksikan pero alam kong si miss maganda ang humahawak sa hita ko dahil kada himas niya ay ngumingiti siya na parang nahihiya… please miss, ‘wag ka ng mahiya… pwede tayong maging close…

habang umaandar ang tren, ramdam na ramdam ko ang paghimas ni ate na medyo pumapaitaas.. at dahil hindi naman ako eskandalosong tao, hinayaan ko lang na “gamitin” ako ni miss maganda para hindi naman nakakahiya sa aming dalawa.. medyo naaaliw din naman ako kahit papaano…

papalapit na ang panglimang istasyon at pumwesto na siyang bababa.. nagbigay siya ng maliit na yuko, senyales na nagpapaalam… ngumiti lang ako at bumulong ng i love you ingat.. ang ganda talaga ni miss.. at hindi pa rin niya tinatanggal ang kamay niya sa hita ko… nakakakilig…

bumukas ang pintuan at lumabas ang karamihan sa mga pasahero.. kasama dito si miss maganda.. at habang tinatanaw ko siya papalayo ng tren, nagpapantasya pa rin ako na sana ay sinabayan ko na siya sa pagbaba… pero parang nakakapagtakang may nakahawak pa rin sa hita ko…

napatingin ako kay manong kanina.. nakatingin siya sa akin at dinilaan ang kanyang mga labi… saktong pasara ang pinto ay bumaba ako.. takot na takot at pinagpapawisan.. kitang kita ko sa pintuan ang pagsenyas ni manong na magkita kami uli bukas… ‘dun ko napagdesisyunan na mag-iba ng route papasok ng opisina simula bukas…

at dahil napaaga ako ng baba sa tren… hinintay ko pa uli yung kasunod na tren para makasakay… ang moral lesson ng istorya na ito? kapag may nagsusumiksik na matandang ginoo, agad na lumipat ng puwesto… lalo na kapag hindi ka sigurado kung manghihipo nga ba ito… *bow*