Posted in katas utak, kups session, wala lang

salamat sa lahat…

baho!
baho!

Salamat sa mga naging kakwentuhan, kakulitan, kachikahan ko dito sa aking unang bahay bago pa naging patok ang facebook/twitter/instagram… aminin ko man o hindi, ilang taon na rin akong tambay ng cyberspace… nagkalat ang ka-abnormalan ko sa internet na kahit i-google ninyo ako, ay porn sites ang mapupuntahan ninyo.. pero ‘wag na niyong balaking gawin pa ‘yan.. please.. parang awa na ninyo…

Sa totoo lang, hindi ko inaakala na sa hinaba-haba ng panahon, dito pa rin ako babalik-balik… Dito ko kasi nailalabas ang mga kalokohan ko kahit sabihin natin na sa personal ay may pagkaloko-loko ako… mas malaya kong nasasabi ang saloobin ko na hindi ako hinuhusgahan ng mga tao na ang tingin nila sa sarili ay napaka-superior.. pwe…

Pasensya na at hindi ako nakabibisita sa mga kaibigan ko dito dahil sa mga kadahilanang hindi ko na sasabihin pero kung pipilitin ninyo ako ay hindi ko ipagdadamot na sabihin sa inyo na dahil naging busy ako sa trabaho kaya hindi ako nakakatambay palagi.. pero huwag kayong mag-alala, hindi pa rin ako makakabisita sa mga sites ninyo… paninindigan ko na kunwari ay hindi na ako existing sa internet at magpapaka “anonymous” na lang ako sa pagbisita sa mga page ninyo… at kapag hindi ako nakapagpigil sa pag like at pag-comment, burahin na lang ninyo kasi baka mapahaba pa ang kwentuhan natin…

Nag-iba na ako ng trabaho, pero hindi naman ito nalalayo sa dati kong trabaho na tiga-make-up ng patay sa funeraria paz, ngayon kasi ang trabaho ko ay tiga-manicure/pedicure ng mga namatay na kuko.. medyo malapit ‘di ba? Nagpursigi ako sa trabaho ko ngayon at dahil siguro sa aking determinasyon at sipag sa trabaho, ipinagkaloob sa akin ni batman ang kanyang brief swerte dahil ako ay na-promote sa trabaho ko bilang sub-leader ng mga beking kailangan mong utusan bago magsikilos sa trabaho…

Swerte lang siguro ako ngayon dahil kahit mahirap ang trabaho ko, nakakahabol naman ako at araw-araw may natututunan… at dahil nga nakita nila na kulang na lang ay ingudngod ko ang pagmumukha ko sa mabahong paa ng customer, tinaasan nila ang sweldo ko ng 9 pesos at ginawang taga-saway ng mga nagsasayaw na unggoy sa zoo… bongga lang…

At pansinin ninyo na wala pa ring pinagbago sa mga sulat ko, wala pa rin kayong maintindihan at wala pa ring sense at structure ang pagsusulat ko… kaya nga tinawag na walang basagan ng trip, sabunutan ko kayo sa kili-kili eh…

Bigyan pa ninyo ako ng time para makahinga ng maluwag… at sana mapasaya ko pa rin kayo kahit sandali ng makalimutan ninyo ang mga problema ninyo… maraming salamat at mabuhay tayong mga bloggers!! woot!!

Posted in double meaning, katas utak, kups session, true story

the pain…

the pain..
the pain..

ANO BA?!?? Gaano ba katagal ang balak mong saktan ako? Hindi ko alam kung ano ba ginawa ko para saktan mo ako ng ganito. Ang kirot ng dibdib ko! SOBRA!

Dati-rati, hindi ko pinapansin ang mga ginagawa mo sa akin. Akala ko kasi, normal lang ang nangyayari kapag binibisita mo ako. Sa katunayan, bibihira mo lang akong maalala, at sa tuwing darating ka, pinapahiya mo ako.

Pupuntiryahin mo ang mukha ko, at sa tuwing aalis ka, nag-iiwan ka ng marka na matagal bago maghilom. Sugat na tumatagos, pamamahiya na hanggang sa ngayon ay natatandaan ko. PAKSYET KA!

Pero bakit naman kung kailan nakapag “move-on” na ako sa iyo, saka magpaparamdam ng bonggang-bongga.

Lubayan mo na ako! Hindi ako makakilos ng mabuti dahil sa ginagawa mo! Pakiramdam ko kakaiba itong ginagawa mo sa akin. Hindi ito normal! PARANG AWA MO NA! LUBAYAN MO NA AKO!

Tutubuan lang ako ng tigyawat, sa mismong kaliwang utong ko pa! PESTE TALAGA!

Posted in katas utak, kups session, true story, wala lang

awkward moments…

me and moon...
me and moon…

Madalas bang mangyari sa inyo yung mga awkward moments na kapag may kasama ka at hindi nag-sync ang utak ninyo, iba ang kinalalabasan ng actions ninyo? Pwes! Sa akin, hindi matatapos ang isang linggo na walang awkward moment na nangyayari sa akin. Bigyan ko kayo ng halimbawa:

1. Hindi mo nakasanayan ang “fist bump” na nauso ngayon na ginagawa ng mga kalalakihan, kaya sa tuwing may nakikipag “fist bump” sa iyo, nasasalo mo ng palad mo ang kamao niya, kaya mukha kang engot na parang hinihimas mo ang kamao ng ka “fist bump” mo. AWKWARD! Solution – Kunwari naglalaro kayo ng bato-bato-pik.. WINNER KA! Talo ng papel ang bato…

2. Kasal ng bestfriend mo, nakikipag-kamay yung father niya sa mga bisita, at akmang makikipagkamay ka, eh yung katabi mo ang kinamayan niya, naka-extend lang ang kamay mo, mga 20 secs na at lumipat na ng ibang table yung father ng bestfriend mo. AWKWARD! Solution – Umarteng may pilay ang braso mo, para kunwaring naka extend lang sya, sabay himas dito para kunwari ay hinihilot-hilot.. WINNER KA! Hindi naman napansin ng ibang bisita kasi nakatutok sa bride and groom ang atensyon nila…

3. Nakipagkita ka sa kaklase mo na matagal mo ng hindi nakita, mga centuries na, akmang nakikipag-kamay ka, sabay inihandusay ang pisngi, beso-beso ang trip, kaya pag-beso mo, naiharap niya ang mukha niya sa mukha mo.. AWKWARD! Solution – pagkahalik ay sabay hila sa buhok at sabihing.. “LOKA KA BAKLA!” WINNER KA! Naiahon mo ang sarili mo sa kahihiyan, dahil lalake yung kaibigan mo na yan.

4. Naglalaro kayo ng mga kaibigan mo nung highschool ng “kadyot pwet” yung tutusukin mo ang pwet ng kaklase mong lalake, usong-uso noong highschool kayo. Eksaktong PE ninyo nun at naka jogging pants kayong lahat, pati babae naka jogging pants, at sa hindi inaasahang pangyayari, natusok mo ang kaklase mong babae, crush mo pa naman siya.. AWKWARD! Solution – lumuhod ka at magpasabunot ng bonggang-bongga.. WINNER KA! Pinatawad ka ng kaklase mo, naka-hipo ka pa..

5. Nung time na nalasing ka sa isang pagtitipon at sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakita mong nakikipag holding hands ka sa kaibigan mong babae, yung holding hands ng mag-jowa.. hindi lang ilang segundo, umabot ata ng ilang minuto.. pagkatapos ay dumadantay na ang ulo niya sa ulo mo at niyayakap ka na parang linta.. AWKWARD! Solution – Kunwari tatayo ka para umihi.. WINNER KA! Hindi mo pinagsamantalahan ang kaibigan mo hindi dahil pangit siya, kundi dahil nirerespeto mo siya bilang babae.

6. Yung moment na nakipagkita ka sa ex mo tapos napabeso ka at napayakap, at ayaw mo ng bitawan.. AWKWARD! Solution – Biglang magsalita ka ng “Kamusta ka na sister? Ang bekiful mo na!” WINNER KA! Maiiwasan mong masampal dahil nag-linger ka, magiging bff mo pa ang ex mo dahil iisipin niyang beki ka.

7. Nagpapatawa ka, at alam mo na nakakatawa ang joke mo dahil muntik-muntikanan ka ng maihi nung una itong sinabi sa iyo, pero nung ni-deliver mo ang punchline sa mga kaibigan mo, hindi sila natawa. AWKWARD! Solution – Hiritan mo agad ng, “Ang corny di ba?” sabay tawa ng malakas. WINNER KA! Dahil inunahan mong ipahiya ang sarili mo, kesa ipahiya ka ng mga friends mo…

Marami pa talagang mga awkward moments na ganyan, kayo ba? May awkward moments ba kayo na gusto ninyong -ishare? wag na kayo mahiya, share na ninyo!

Posted in katas utak, kups session, wala lang

TGIF…

naunahan kong magising ang alarm ko sa pay phone, kadalasan 6:30 ito dapat tumunog, pero nung dinilat ko mga mata ko, 5:45 na ng umaga… at kahit hindi ko aamining signs of aging ang magising ng maaga kahit late ng matulog, bumangon ako para salubungin ang napakagandang araw sa loob ng isang linggong trabaho.. ang biyernes…

tiniklop ko ang aking higaan, dahil ito ang tradisyonal na higaan ng mga hapon, yung karton ng sony bravia.. at tiniklop ko na din ang ang kumot na gawa sa pinagtagpi-tagping gamit na plastic bag ng basura.. mas warm kasi ang feeling kapag may kaunting alingasngas sa balat… pinagpag ang unan na gawa sa nilukot na diyaryo, at itinabi sa kariton ko na nakaparada sa may ilalim ng poste…

kinuha ko ang twalyang gawa sa ginupit-gupit na kumot na napulot ko, bilog na sabong gawa sa pinagsama-samang gamit na sabon, botelya ng shampoo na may lamang baby cologne at sabong joy, at labakarang gawa sa ginupit na bacon brief na binigay ng kumpare kong may sakit sa pantog… naligo ako sa may posong malapit sa kanal.. ang sarap ng feeling…

first time kong magtimpla ng instant coffee galing sa tubig na nahuhulog mula sa alulod ng bubong ng kapitbahay dahil hindi naman ako nainom talaga ng kape, sinabayan ko ng kanin at ang specialty ng lola ko sa mother side, ang toyoba (toyo at baboy) na ni-tweak ko at ginawa kong toyoma (toyo at manok). sinamahan ko rin ng isang mansanas na 3 linggo na nung napulot ko sa may labas ng grocery… ang sarap lang…

nagbihis na ako ng pang-opisina at ready na para salubungin ang huling araw ng work week.. woot!

habang naglalakad ako papunta sa istasyon ng tren, pansin na pansin ko ang mga nakakasalubong ko ay napapatingin sa akin at napapangiti.. hindi ko tuloy alam kung may dumi ako sa mukha pero alam ba ninyo yung pakiramdam na may nakalimutan kang gawin… pero sige lang, baka nagkataon lang..

pero hindi talaga natigil ang mga titig ng mga kabataang babae nakakasalubong ko, kulang na lang ay isipin kong, “artista ba ako?”, pero hindi pa naman ganun kakapal ang mukha ko kaya inisip ko na lang na “model” lang ang peg ko…

nakasakay ako sa tren at umupo sa may bandang dulo malapit sa pintuan, at hanggang dito ay panay tingin hindi lamang ng mga kabataang dalaga, kundi mga nanay at mga lola.. may iilan-ilang lalakeng sa tingin ko ay may kursunada rin sa akin, hindi ko talaga malaman kung ano o bakit sila napapatingin… ang ganda ko lang.. period..

pagkalipat ko ng tren, hindi na ako nakaupo, nakatayo ako malapit sa upuan ng mga matatanda, buntis, may dalang bata at disabled.. napansin ko na yung lolang nakaupo sa harap ko ay aliw na aliw sa akin.. panay ang ngiti niya at papansin sa akin..

hindi na ako nakatiis at nagtanong na ako kung bakit siya tuwang-tuwa… biglang itinuro ni lola ang pantalon ko at nung tinignan ko kung bakit ay naalala kong bigla kung ano yung nakalimutan kong gawin…

nakalimutan kong mag tootbrush…

Posted in kups session, pityur pityur, wala lang

ay! wrong man!

1
sabog sa dinurog na stork…

‘Wag kayong matakot! ‘Yan ang recent mug shot ko dahil nagpagupit na ako. Matagal ko na ring pinag-iisipan kung tutuluyan ko na bang i-donate ang buhok ko sa tahanang walang balakubak foundation, at kahapon nga ay naglakas loob akong pumasok sa barberya, nagbayad ng 500 pesos para magmukha akong nanggagahasa ng kaning lamig.

2
stop.. in the name of love…

Bukod sa pagpapachupit kahapon, noong linggo (day off) ay nanood kami kasama ng aking mga amiga ng Iron Man 3. Maraming nakapagsabi ng hindi daw gaanong kagandahan ang pelikula, pero para sa aking mababaw na pananaw, napukaw niya ang damdamin ko at napabilib ako sa character ni RDJ (i love you na fafa!). Parang hinulma talaga si Tony Stark sa katauhan ni RDJ, at kahit may bali-balitang eto na daw ang huling pelikula niya bilang taong bakal, ako ay umaasa na siya pa rin ang gaganap na iron man sa avengers 2, bakit ko nasabi? Dahil ka-facebook ko si Stan Lee. Period.

took from my friends FB.. thanks Alaine!

Biyernes naman ay nagbowling kami, at ako ang ginawang pin, yun lang. Naranasan kong masaktan, patumbahin at daan-daanan ng bola. Ang sakit pala ng ganoong feeling. I hate IT!

Ayun lang. Nag-update lang ng kalokohan ko sa buhay. Hindi ako makatulog, wala ako sa tamang ulirat. Pasensya na po…

Posted in katas utak, kups session, pityur pityur, wala lang

sakit sa bangs…

Effortless

Maraming bumabagabag sa akin these past few days, kaya hindi ako nakakapag update kung ano man ang nangyayari sa aking baliw na mundo. Ang larawang nakikita ninyo ay ang hitsura ko ngayon. Hindi ako kirat, sadyang tinaas ko yung kanang kilay ko para magmukha namang interesting ang pagmumukha ko, aminin ninyo, mukha akong balbas na tinubuan ng mukha.

Kamakailan ay kinaiinisan ko ang aming supervisor kuno (kuno kasi hindi naman talaga siya supervisor, parang naatasan lang siyang mag lead sa amin dahil Japanese siya, yun lang yun) dahil pakiramdam ko (oo, feelingero ako pag dating sa ganyan) ay pinag-iinitan na naman niya ako. Iilan lang namang kadahilanan ang naiisip ko kung bakit ako ang flavor of the month niya;

1. Gwapo ako Hindi ako kumukuha ng Sabado/Linggo na trabaho.

Ilang beses niyang sinasabi sa akin na kung hindi daw ako kukuha ng trabaho ng weekends ay posibleng tatanggalin ako sa project at bababa ang sweldo ko. Hellooooo! Hindi naman ako per project, per day ang bayad sa akin, at karapatan ko na mag day-off sa araw na itinakda sa kontrata ko. Optional lang naman kung gusto kong  pumasok ng weekends at hindi ito mandatory. At tandaan mo na tinanggal ninyo ang OT rate ng weekend dahil nga kailangan naming i-offset siya kapag weekdays.

2. Lakas ng sex appeal ko Kapag may tanong ako tungkol sa trabaho ay nagtatanong ako sa may alam.

Aminin mo na hindi mo alam lahat. Wala naman yatang tao na napakatalino na alam ang lahat ng kasagutan sa mga katanungang tulad ng what is love. At saka nang nasubukan kong magtanong sa iyo, alam ko na hindi ito dapat abutin ng 30 minutos bago masagot, kaya minabuti ko na magtanong sa taong nakakaalam, at hindi ikaw yun.

3 . Matalino ako Epal lang talaga siya.

Kung ibinigay sa akin ang task para magturo ng trabaho sa iba, sinisiguro ko naman na alam ko ang mga pinagsasabi ko, kahit balu-baluktot akong mag Nihonggo. Kung sakaling may sinabi ako na mali, tatanggapin ko naman, ‘wag mo lang ipamukha na ikaw ang may alam. Eh kung marunong ka eh di ikaw na magturo, nag aaksaya pa ako ng laway eh mas malakas ang talsik ng sa iyo, ikaw na.

Minsan nararamdaman ko na lang na umaangat ang dugo ko papunta sa ulo kapag nakikita ko siya, kaya nga lagi kong hinihiling na bigyan pa ako ng pasensya sa pakikisalamuha sa kanya, ayoko kasi na may galit sa tao dahil nakaka-stress kaya lang iba talaga siya eh, ang sakit sa bangs…

Sorry ha, rant na naman ako, pagbigyan na ninyo ako, pero para sumaya kayo, share ko pic ko nung dalaga pa ako.

Sabel

Posted in back to the past, kups session, wala lang

puso…

May sasabihin ako sa inyo, atin-atin na lang ito ha, ‘wag na ninyong ikakalat, sikretong malutong ito. Alam ba ninyong dati akong naging stalker? Oo, stalker ako dati. Matagal na naman iyun at kaya ko lang naman ginawa iyun ay dahil sobrang tinamaan ako dun sa chick na yun. Marahil nagtataka kayo kung paano nangyari yun ‘no? Pwes! Kumuha na kayo ng popcorn, labakara or panyo para sa luha, at tissue pang-singa, at ikukwento ko sa inyo.

Dear Charo… *que maala-ala mo kaya instrumental theme song para mas feel*

Third Year college po ako noon, usong-uso pa ang mga hacked ISP accounts dahil dial-up pa ang in na in noon. Kung wala po kayong hacked account, jologs po kayo.

Nag-jojoin po ako sa mga mirc chatrooms noon, at dahil first time kong makagamit ng “internet”, sinubukan ko kung masaya ba ito. At nasiyahan naman ako ng 5%. Ok sige, 6.5%.

Sa DALNet po ako naligaw, at nanatili. Marami akong naging mga kaibigan at madami na rin akong naka-eyeball, pero may isang babae ang nakapagpatibok ng aking pagkalalake puso, tawagin na lamang po natin siya sa pangalang Vangie.

Hindi pa po uso ang webcam noon, kaya palitan lamang po ng larawan ang pwede, at noong nasilayan ko ang mga malalaki niyang dibdib mata, sinabi ko na sa aking sarili na, “I think she is the one”, sabay tulo ng aking laway luha sa tuwa.

Sa chatroom pa lang ay meron na kaming “understanding” at dahil ako ay isang manyakis na binata “hopeless romantic” naiisip ko na agad kung ano yung mga maiinit na tagpo mangyayari kapag nagkita kami.

Tawag sa telepono, message sa mirc, telegrama, message sa icq, carrier pigeon, smoke signal, bat signal, at kung anu-ano pang pamamaraan para magkausap kami. Malandi lang ako. Pagbigyan na ninyo ako.

Nagkaroon na kami ng usapan na dadalo kami sa isang “group eb” at pagkatapos ay pupunta kami sa lugar na pwede kaming mag-usap ng masinsinan, sa motel sa jollibee.

Nasa 7-11 po ako naghihintay, ng may lumapit sa aking babae.

“Potpot?”
“Van..hmmmm….gie?”
“Hi!”

NAKNAMPOTAH ATE CHARO!! MAS MAGANDA SIYA SA PERSONAL!

Inabot niya ang kamay niya na mabilis kong sinalo at naghintay ng 30 seconds bago ko binitawan. Malandi lang.

Hindi ko na napansin ang iba pang mga kasama namin dahil nakatutok lang ako ng tingin kay Vangie, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko, na “love at first sight” ang beauty ko sa kanya. Kita ko naman na may “reciprocation” dahil panay ang hawak niya sa braso ko at kurot sa pisngi ko. It’s a sign.

Kaya nung niyaya ko na siyang mag-usap ng masinsinan, ay agad siyang tumanggi, dahil inamin niyang may bf na pala siya. Si Charles.

Ang sakit-sakit ate Charo, pero ok lang, sinabi ko naman na ok lang na maging friends kami, pero ang totoo, I WANT MORE!!

Inalam ko ang lahat-lahat tungkol sa kanya, at kahit hindi pa uso ang friendster noon, nalaman ko ang lahat-lahat tungkol sa kanya. Mula sa parlor na pinupuntahan niya hanggang sa sanitary napkin na ginagamit niya. Dinaig ko pa ang bagsik ni Sherlock Holmes, ang abilidad ni Inspector Gadget, ang sumbrero ni Dick Tracy, ang pagkaabnoy ni L at ang height ni Detective Conan sa husay ko sa pagsaliksik.

At hindi nagtagal, nung nalaman kong naghiwalay na sila ng tukmol niyang boyfriend na si Charles, ay agad akong pumasok sa eksena. Pero masakit ate Charo, dahil nung sinabi ko ang “feelings” ko sa kanya, ay agad niya akong sinabihan na;

“Sorry Pot, you’re not my type”

OH SYET ANG SAKIT-SAKIT LANG!!!

Pero wala akong nagawa, kundi ang kalimutan siya. Kalimutan… Kalimutan.. Kalimutan…

Lumipas ang ilang taon, siguro mga 1 year, habang kasama ko ang jowa ko noon, nagtagpo kami sa isang mall sa QC ng hindi sinasadya.

“Hi Potpot, still remember me?”
“Van…hmmmmm…..gie?”
“OOOHHH! YOU STILL REMEMBER!”

Niyakap niya ako noon na parang ayaw na niya akong pakawalan ate Charo.

“So, does your offer still stand?”

Ngumiti ako, hinawakan ko ang kamay niya at sinabi ko with feelings;

“NEKNEK MO!”

Sabay alis hawak-hawak ang kamay ng jowa ko… si Charles…

Posted in back to the past, kups session, wala lang

pa-laser ng kili-kili…

May kasabihan nga ang mga Pilipino, dalawa lang ang tao sa mundo, ang nananalo at ang nadadaya. Kung ano man ang koneksyon ng sinabi ko sa post ko na ito, ay ‘wag na ninyong isipin kung ano dahil wala talaga. Gusto ko lang sabihin iyan, wala naman masama ‘di ba? ‘DI BA? SAGOT!

Napilitan ako Ipinagmamalaki ko ang entry na ito dahil isasali ko sa pa-contest ni hoshi dahil gusto kong magpalaser ng kili-kili kung sakaling manalo ako dahil gusto kong ibahagi ang aking kwento sa inyong lahat.. *bow*

“Bakit ako nag ba-blog?”

Ang totoo niyan, iyan din ang tanong ko sa sarili ko, at hanggang ngayon, hindi ko alam ang kasagutan sa katanungan na ito. The End. NOT!

Bigyan ko muna kayo ng background kung paano ako nagsimula.

“TIME SPACE WARP, NGAYON DIN!”

Once upon a time, may isang napakagwapong lalake na tatawagin natin sa pangalang Potpot. Itong gwapong lalake na ito ay may kahindik-hindik na charisma at nakakakilabot na sex appeal mabait at mapagpakumbaba. Kaya nga siya ang paboritong habulin ng mga aso tambay babae pinagkakautangan ng pera eskwelahan para gawing scholar.

Dahil hindi siya mayaman, ninais ni Potpot na makipagsapalaran sa bansa ng mga geisha at samurai upang hanapin si shaider para sumali bilang pulis pangkalawakan, pero sa kasamaang palad, hindi siya nakapasa dahil bumagsak siya sa written exam dahil hindi siya marunong magsulat. Pramis.

At dahil mag-isa siya sa bansa ng mga supot (plastic dahil maraming laruan dito), ilang beses na ring inisip ni Potpot na gumawa ng isang bagay na sa tingin niya ay magbibigay aliw sa bilyong-bilyong sangkatauhang gumagamit ng internet. Ang gumawa ng porn ng blog. Pero ang totoo niyan, gumawa siya ng blog para magkaroon ng libangan dahil nakaka-depress ang malayo sa labing dalawang panganay, limang asawa, tatlong kabit, pitong sugar mommy, limang fafa, at isang nanay…

Pero seriously, ang pagba-blog kasi ay ang aking escape sa realidad. Alam naman natin na ang realidad ay seryoso, at dito sa interwebs, naipapakita ko kung gaano ako kapalpak kahusay sa pagsusulat. Kaya ako gumawa ng comedy/reality/action/fiction/drama blog. Ok, opinyon ko lang yung kahusayan ko sa pagsusulat, sorry, unggoy lang.

Naniniwala kasi ako na laughter is the best medicine, at yan ang kaya kong ibahagi, ang magpasaya ng tao. Hindi man ako seryosohin sa kalokohan ko, ay ok lang, basta alam ko na isa sa mga post ko ay nakapagbigay ng ngiti, tawa at halakhak sa mga iilang naliligaw sa aking pahina.

At bilang panghuli, dahil binibilang ko words dito sa entry na ito, baka madisqualify pa ako, sayang ang pampakinis ng kili-kili, kaya ako nagba-blog ay dahil gusto ko, ganun kasimple, kaya para sa inyo, WALANG BASAGAN NG TRIP! *bow*

Paglilinaw:

ang post na ito ay sagot sa Hoshi’s Blog Life Contest

walang sinaktan na hayop sa paggawa ng post na ito

hindi ako mahilig magpa-like sa facebook, at hindi rin sincere ang paggawa ko nito, pero kung ibibigay sa akin ang gantimpala para matanggal ang buhok ko sa kili-kili ay iiyak ako.

Posted in back to the past, kups session, wala lang

…ano ba tayo?…

ano ba tayo?

…kwentuhan ko uli kayo ha, pagtiyagaan sana ninyo ito… hindi sa nagyayabang ako pero akala ko kasi ako lang ang nilalagay sa friendzone, ako din pala ay may nailagay sa friendzone ng hindi ko sinasadya… hayaan ninyong ibahagi ko ang kwentong ito, ilang taon na rin ang lumipas…

(sakay time machine)

…unang trabaho ko at sa laguna ako nadestino bilang isang PE, physical educator, sa isang planta ng plantsa… ilan kaming pinalad na mabunot ang aming resume sa tambyolo ng mga aplikante para sa nasabing posisyon…

…araw ng training, 7 kaming PE at may naligaw na isang HR, horse racer, at dahil hindi siya sanay sa mga lengwahe ng mga PE, ay kinaibigan ko siya para hindi naman siya ma-OP, only person….

…ilang araw din kaming masayang nagkukwentuhan, nagpapadala ng mga mensahe gamit ang kalapati at yung manaka-nakang titigan sabay tango o di kaya titigan sabay tawa… masaya ang mga bawat sandali dahil may bagong kabigan… or so i thought…

…kadalasan, ay nagkakasabay kami sa sakayan ng shuttle sa may magallanes, at lagi kaming nagtatabi para magkwentuhan ng mga kaganapan sa buhay… sabay din kami kung umuwi at nauuna siyang bumaba ng FTI… at kahit napagkwentuhan na namin ang isang bagay, panay tawa pa rin kami, na marahil ay nabibigyan na ng malisya ng ibang mga tao sa loob at labas ng planta…

…isang araw, ay nahuli siya ng gising at hindi nakaabot sa shuttle… agad niya akong pinadalhan ng mensahe na hintayin ko siya at sumakay na lang kami ng FX, fire fox, papasok…. at kahit alam kong mahuhuli ako, ay hinintay ko pa rin siya, ganyan akong kaibigan, walang iwanan…

…magkatabi kami sa FX, at dahil medyo puyat pa ako ng mga panahon na yan, ay hindi ko sinasadyang makatulog at madantay ang aking mga ulo sa kanyang balikat… hanggang sa makarating kami sa planta, ay saka lang niya ako ginising…

Uyyy, sorry ha.. natuluan ba kita ng laway? pabiro kong tanong…

Hindi naman, ok lang, sarap nga ng tulog mo, himbing na himbing ka… sagot naman niya…

Nakakahiya naman sa iyo, pasensya na uli ah… sabay tapik sa kanyang balikat…

Ok lang nga, ano ka ba… na sinuklian naman niya ng pisil sa aking braso…

…sabay kaming kumain ng lunch ng 11:30 dahil ‘yun ang schedule ng aming kain kapag nasa planta, at kahit alam ko na 1:00 pa ang break time niya, pinipilit talaga niya na magkasabay kami, ang sweet lang…

…sa loob ng dalawang buwan ay ganyan ang routine namin.. hanggang isang araw, naging kakaiba ang timpla ng lahat…

May GF, grape fruit, ka ba pot? pag-uusisa niya sa akin…

Meron! bakit mo natanong? mabilis kong sagot…

Wala. katahimikan…

…ilang araw niya akong iniwasan at hindi kinausap, lagi niyang sinasabi na marami siyang ginagawa at meron lang daw siyang inaasikaso sa bahay nila…

…hanggang isang araw, nagkasalubong kami sa corridor… agad ko siyang inakbayan, yung akbay tropa, na kinagulat niya dahil bakit ko daw siya inakbayan… sinagot ko siya na, sira! na miss kaya kita! tagal nating hindi nagkita at nag-usap no.. 2 weeks ba?

…at nagsimula uli ang kulitan at tawanan…

…pagkatapos ng isang linggo, inaya niya akong kumain sa mcdo sa may magallanes, mag-usap daw kami… eh di pumayag ako dahil gusto ko rin namang tumambay muna…

…habang umiinom ako ng softdrinks, nagtanong siya…

mag ano ba tayo?

*gulp* ammm.. magkaibigan? bakit?

eh bakit pinapaasa mo ako na parang may gusto ka sa akin? medyo tumataas ang boses niya..

ano ka ba! alam mo naman na friends lang tayo, at alam mo ding may GF ako ‘di ba? sagot ko naman..

pero sinasaktan mo ako, pot.. bakit kasi ang sweet mo sa akin? sa iba hindi ka naman ganyan…

sorry… maiksi kong sagot…

…pinag-usapan namin na hindi kami pwede dahil nga one way lang ang feelings.. pero hindi namin tinigil maging magkaibigan.. at hanggang ngayon, kahit minsan na lang kami magkamustahan, nag-uusap pa rin kami ni oscar… mabait naman kasi siya… kaya hindi dapat iwasan… ayun.. hihihihi…

Posted in back to the past, katas utak, kups session, wala lang

plantation…

issue 3 na ng club filipina magazine at dahil wala silang makuhang tagapagsulat, pinagtiyagaan nila ako uli.. kaya click ninyo ito para mabasa ang magazine.. salamat!! mwahugz!

——–

kasalanan ito ng kdrama kung bakit ako magkukwento ng ganito.. kainis naman kasi eh…

meron akong naalala, medyo matagal na, pero bigla na lang bumalik sa aking isipan.. may isang babae na muntik ng maging kami.. pero hindi eh.. gusto ninyong malaman kung bakit? tara.. kaibigan.. usap tayo…

nagkahiwalay kami ng aking gf noon… at hindi ko na lang sasabihin na dahil sa may 3rd party siya kaya kami nagkaroon ng problema… malungkot na malungkot ako.. alam ninyo yung pakiramdam na sinakluban ka ng langit.. isip ka ng isip kung anong mali ang ginawa mo.. nagtataka ka kung bakit sa dinami-dami ng lalake sa mundo ay sa mukhang unggoy ka pa niya ipinagpalit kahit mukha ka ng gorilla… balisa ka.. hindi ka makatulog.. hindi ka makakain… iniisip mo na sa loob ng 3 taon na kayo ay masaya, na sa 3 taon ay umiwas ka sa tukso… na sa loob ng 3 taon ay nagpakatanga ka para lang sa kanya… halo-halo ang sumasagi sa isipan mo… so alam ninyo yang pakiramdam na ganyan? ako kasi hindi eh…

habang pinagdadaanan ko yan noon, may nakilala akong babae.. tawagin na lang natin siya sa pangalang Mek.. wag na kayong kumontra.. kwento ko ito..

siya kasi ang naging sandigan ko noong mga panahon na ako ay mahina.. noong mga panahon na nakikipaglampungan ang gf ko kasama ang ibang lalake.. noong mga panahon na pati pamilya niya at mga barkada ay nagsinungaling para lang ikubli ang relasyon niya dun sa unggoy (ampalaya flavor!!).. si Mek, ang nagbigay sa akin ng bagong pag-asa…

gabi-gabi kaming magkausap sa telepono.. kulitan.. tawanan.. sa totoo lang, nahasa akong mag-inggles dahil sa kanya.. spokening dollar siya eh.. sosyal ang lola ninyo… naikwento ko sa kanya ang mga nangyari sa akin… at natuwa ako sa kanya dahil willing siyang makinig sa mga kwento at hinaing ko sa mundo…

napag-usapan namin na magkita sa quiapo isang araw, biyernes.. dakilang bum ako dahil bumagsak ako sa board exam noon dahil sa hindi ako makapag concentrate… ituturo niya sa akin ang bilihan ng mga porn vcd na mura… dahil lagi siyang nagsisimba sa quiapo, at doon kasi ang sentro ng kalakal pag dating sa mga panoorin…

usapan namin ay sa dunkin donuts.. nauna ako sa kitaan namin.. umorder muna ako ng boston cream at sprite habang hinihintay ang babaeng ngayon ko pa lang makikita sa tanang buhay ko.. medyo kinakabahan ako… hindi na ako sanay makipagkita sa ibang babae maliban na lang sa gf ko noon… pero nilakasan ko ang loob ko, kahit parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba… bakit naman ako kakabahan, eh kaibigan ko naman siya… yun naman talaga noon eh.. kaibigan…

pumasok siya sa pintuan at nagtagpo ang aming mga mata… alam ko na alam niya na alam ko na kami ang magkikita… pagkatapos ng napakatagal na 3 segundong titigan..

“potpot?” sabay turo sa akin…
“hindi…” sagot ko naman, pero ngumiti ako, senyales na nagbibiro lang ako..

hinampas niya ako sa balikat at nakipag-kamay ako.. tanda ng pakikipagkaibigan…

iyun ang simula ng marami naming pagkikita..

ilang linggo ang lumipas, habang magkausap kami sa telepono… hindi ko alam kung bakit niya sinabi ang mga ito…

“you know what.. i miss you.. i don’t know why but i really do…”
“me too.. i am missing you a lot.. and to tell you the truth, i can’t stop thinking about you..” banat ko…

katahimikan..

ilang segundong pananahimik din ang naganap, at bigla siyang nagsalita…

“is it possible that i am falling for you?”
“is it really a possibility for you to fall for a broken guy like me?”
“you’re not broken.. you’re just.. taken for granted.. your gf is one lucky girl but too bad she dumped you..”
“yeah…”
“so… you want to go out?”
“..of the house?”
“of course, you silly.. let’s watch a movie..”
“i don’t know.. you might take advantage of me.. i’m still a virgin you know..”
“ohh shut up potpot! hahahahaha!”

…effort kung effort.. magkikita kami at manonood ng sine sa may fairview.. kamusta naman.. taga tondo ako.. so byahe galore ang beauty ko.. pero sige lang.. may nararamdaman na rin naman ako nun eh.. go lang ng go!!

…nung nagkita kami sa mall sa may fairview, medyo parang nagkakahiyaan kami.. parang high school lang.. walang pbb teen moment.. pero alam ninyo yung mga eksena na napapanood lang ninyo sa tv o sine na habang naglalakad ay nagkakabanggaan ang kamay.. ganun na ganun ang nangyayari.. hindi ko alam kung mabagal lang ako o mabilis lang siya.. hinawakan niya ang kamay ko.. yung hawak magsyota.. yung alternate ang mga daliri… yung ganyang factor… kilig di ba?

…sa totoo lang.. nakalimutan ko ang pinanood namin.. dahil hindi ako makapag concentrate sa loob ng sinehan dahil masyado kaming sweet sa isa’t-isa.. yun tipong idadantay niya yung ulo niya sa balikat ko.. aakbay ako sa kanya.. pipisilin ko yung tagiliran niya.. hinihimas niyi yung hita ko.. hahalikan niya ako sa pisngi.. yayakapin niya ako.. kinukurot niya yung daliri ko… tinititigan niya ako… yung ganyang peg…

…naulit ang pagkikita namin.. ang kain sa labas.. ang date.. bili ng porn vcd… nakapunta na rin ako sa bahay nila at naipakilala bilang “friend” sa nanay niya at sa kapatid.. may mga patakas moments kami na habang nasa sala kami, eh naghahawakan kami ng kamay.. pbb teens lang…

…pero ang mga saya na nararamdaman ay hindi maaring walang pighati.. isang gabi… magkausap kami sa telepono.. nagsalita siya..

“do you still love her.. your gf?”
“i don’t know…”
“do you love me?”
“i do…”
“then answer the god damn question.. do you still love her?”

katahimikan…

…hindi ko po alam ate charo kung bakit hindi ko siya masagot ng diretso.. mahal ko si Mek, pero bakit hindi ko pa rin makalimutan ang gf kong iniwan ako para sa isang unggoy.. <– halatang bitter talaga… sumagot ako…

“i’m sorry Mek..”
“sorry for what? for taking advantage of me?”
“no.. for not answering the question…”
“what do you want me to do? i can give you what ever you want.. love.. peace of mind.. care.. anything.. you name it.. why can’t you not love me the way you love your stupid gf?”
“i do.. but..”
“but what? you only see me as a shoulder to cry on? your past time? your shock absorber?”
“no.. i do care for you.. but the thing is.. i am not ready to commit..”
“putangina mo pot! we’ve been seeing each other for almost 2 months and you’re saying you’re not ready to commit? so all the things you’ve done for me are just for show?”
“no Mek.. all of them are true..”
“bullshit! stop lying and tell me now.. do you still love her?”
“…..”
“ANSWER ME!”
“ye…yes…”
“goodbye, pot..”

binaba niya ang telepono.. at masakit sa tenga… natanggal ang lahat ng tutule ko noon..

sinubukan kong tawagan si Mek ng ilang beses.. text.. pero di na siya nagrereply… araw-araw kong sinusubukan siyang matawagan para magkausap kami.. pero bigo ako..

fast forward today… nahanap ko siya sa facebook.. at dahil mabait akong nilalang, nag message ako sa kanya upang mag sorry sa nangyari noon… eto ang sinabi ko..

“Hi Mek.. si potpot ito.. do you still remember me? sorry to bother you.. i just want to apologize what happened before… i know that i’ve hurt you and i just want to say sorry for my stupidity and cowardness…”

nag reply siya…

“who are you? i don’t know you…”

*facepalm*

naramdaman kong may ampalaya plantation na siya….