Posted in my tube, wala lang

I-youtube mo!!!

Naku! Eto na naman ako! Gagawa ng bogus na dahilan kung bakit ‘di ako nakakapagpost dito sa blog ko. Magmamakaawa na naman ako sa inyo na sana maintindihan nyo.. Blah! Blah! Blah!!

No more excuses! Talagang hindi na ako nakakapag post! At kahit sisihin ko ang trabaho ko… kahit sisihin ko ang mga yakuza dahil pinutulan nila ako ng daliri…  kahit pa pumuti ang uwak sa harapan ko, ay hindi na ako gagawa ng dahilan. Bagkus ay aanyayahan ko kayong panoorin ang mga youtube videos ko na kung saan hindi na ninyo kailangang basahin pa ang mga pinagsasabi ko, papanoorin na lang ninyo at bahala na kayo kung isusumpa ninyo ako o bibigyan ng paranggal.. ehehehehehe

Sana ay mabisita ninyo ang aking youtube channel at sana rin ay mag subscribe kayo kung nais ninyong makita ang kahibangan ko!! Eto ang pinaka bagong post ko na sana makarelate kayo!

Posted in my tube, wala lang

bayang magiliw..

ok.. post ko lang tong video ng anak ko na kumakanta ng lupang hinirang.. project kasi nila.. kailangan lang naman yung voice.. pero di ako mapakali.. gusto ko lang i-share ang husay ng anak ko sa pag-awit.. wag kayong magtaka kung di ko siya kamukha.. magaling kasi akong pumili sa hospital nung pinanganak siya.. warning nga pala.. tilit your head to the left.. di kasi naayos ang pag record eh.. sorry naman..