the actor…

Grade 5 ako noong nasubukan kong umarte sa harap ng maraming tao (isang buong classroom). Isa itong presentation sa Social Studies dahil project namin ito. Ang topic namin ay “Kalakalang Galyon”. Hindi ko na gaanong matandaan kung bakit nag-umapaw ang hilig ko sa pag-arte pero nung nasa harapan ako ng classroom, feeling ko ako ang star…

Dito nagsimula ang career ko bilang “Stage Actor” sa aming munting paaralan sa Tondo. Ang big break ko ay nung nag First Year High School ako. Dito ako naging involved sa maring workshops at stage productions ng aming paaralan. Noon, kakaunti pa lang ang lalakeng mahilig sa pag-arte dahil baka ma typecast silang “BADING”. Hindi ako natakot, tsura nila! Eto na ang pagkakataon ko, sisikat din ako! Yahoo!

Merong proyekto ang buong high school department na pumili ng aarte sa gaganap na play, na pinamagatang “Bakit Babae ang Naghuhugas ng Pinggan”. Ang major characters ay si Ugong at si Maldang. Medyo hindi ko trip noon ang title, masyadong mahaba sa panlasa ko, at play siya na parang story telling ng mga characters, pero sinubukan ko pa rin. Dalawang grupo ang nabuo sa aming classroom at pinalad naman ako kasama ng dalawa kong kakalase na mapili para sa isang malaki pang audition.

Medyo nakakaintimidate pala, biruin mo, ang mga kasama mo mula first year to fourth year at karamihan ay matagal ng humaharap sa entablado. Kinabahan ako. Nandoon din ang “Best Actor” ng aming paaralan kaya mas lalo akong naintimidate.

Nung ako na ang susubok mag audition, nanginig ang tuhod ko, at yung boses ko ay medyo napapaos. Unang eksena, binitawan ko ang linya ko…

Potpot : (Hampas ng lamesa) BAKIT AKO MAGHUHUGAS NG PINGGAN MALDANG! (Harap sa audience) Ang tanggi ni Ugong, sabay pagpag ng mga mumu ng kanin sa kanyang mga kamay (Pagpag ng kamay).

Hindi pa tapos ang eksena ng sumingit ang nagpa-audition.

Bb. Orda : Ok Florante, maganda ang pagbigkas mo, at tamang-tama ang aura mo sa parte.

Bb. Legaspi : May presence ka at ayon sa arte mo ang kinikilos mo.

Ang character kasi ni Ugong ay isang takot na asawa, buti na lang at nanginginig ako sa takot at napapaos, nakapagdagdag ito sa pag-arte ko.

Napili ako bilang main character sa play, araw-araw ang practice pagtapos ng klase, mahaba-habang kabisaduhan ng script.

Masaya ang bawat sandali at natuto ako ng stage presence ayon sa mga mentors ko at teachers.

Tinanghal namin ang play sa “Linggo ng Wika” at kami ang main event attraction. Dalawang araw ang event, at dalawang beses sa maghapon ang pagtatanghal (1st year and 2nd year sa umaga, 3rd year and 4th year sa hapon). Pagbukas pa lang ng kurtina, sigawan na ang mga kaklase ko. “POTPOT GALINGAN MO! WAG MO KAMING PAHIYAIN!”

Anak ng baka, tama bang isigaw yun! Natapos namin ng matiwasay ang pagtatanghal at dumadagundong na palakpak at hiyawan ang naririnig ko. Siguro marahil mga kaklase ko ang nandoon.

Nung hapon ang nakakatensyon, dahil 3rd year at 4th year ang manonood, medyo mga tanders na sila at baka di sila kumportable na isang 1st year ang gumanap bilang bida sa play.

Bumukas ang kurtina, nagpalakpakan at naghiyawan ang audience, nagsimula ang play. Ibinigay ko ang todo ko para maipakita ko na deserving ako dito at hindi naman ako napahiya, pinalakpakan at pinakita nila ang suporta sa akin habang sumisigaw ng “UGONG! UGONG! UGONG!”

Naging matagumpay ang aming play at nagkaroon pa kami ng pagtatanghal kinabukasan para sa mga guro at mga magulang.

Malungkot nga lang ang ending ng aming paghihirap dahil ang patimpalak na dapat ay gaganapin sa isang malaking entablado, kalaban ang iba’t ibang paaralan ay hindi na natuloy sa kadahilanang natapat sa periodical exam ang patimpalak. Sayang.

Pero hindi ako nagsisisi, nakasama ko ang iba sa magagaling umarte ng aming paaralan, naturuan nila ako ng mga mahahalagang pointers para magamit ko sa mga susunod na pagtatanghal.

Sa buong 1st year ko, nakasali ako sa 3 play at nanalo ako bilang PRO Filipino sa aming Student Council. O di ba, kahit papaano sumikat din ako.. kahit sandali lang.. madami pa akong adventure pero saka ko na lang ikukwento.. medyo mahaba na ito at wala pang pictures… eheheheh baboosh!