Posted in pagkain, wala lang

oh my.. i swallow a fly…

Hello guys! Kwento ko lang ang nangyari sa akin buong lingo, masaya na malungkot na nakakapagod na nakakainis… o di ba.. all in one emotion!

Lunes.. officially sa Ginza na ako nag-ooffice ngayon, dun na ako nag wowork (taga linis ng bintana sa 11th floor). Nakuha ko ang bago kong ID badge para makapasok ako ng pintuan (dati kasi wala akong badge, pag may pumapasok nakikisabay lang ako) at email address at internet access (sosyal akong window washer no). Nung pag-uwi ko, sumabay ako kay liit (Jane for short) at bumili kami sa Daiso ng mga kasangkapan niya, hindi ko akalain na yung puso ko ay titibok ng makita ko ulit si “love”, si KONNO! Kung di ninyo siya kilala, review ninyo yung past post ko. Recap – si Konno ay ang crush kong employee ng Daiso na kung saan kamukhang kamukha niya si Kim Chui pero matangakad siya at medyo malaman. Siyempre naobligahan akong bumili kahit isang item para lang masilayan ko ang magagandang ngiti niya.. SUCCESS! buo ang lunes ko. Pumunta kami ni liit sa grocery at tumingin siya ng mabibili, ako naman, nakakita ng nakakaaliw na tagpo, eto yun.

Idlip lang, I still have the energy!

i want to be… asleep…

Tuesday… Eto yata yung pinakanakakaantok na araw, pero eto rin ang pinakanakakainis kong araw, papasok pa lang ako, sa loob ng train, may lokong lalaki, nag-give way na ako sa likod kasi pababa siya, aba, loko, nanunulak, as in yung tulak niya parang wala ng bukas! Eh medyo mabait ako, ang ginawa ko, inabangan ko sa likod ko, eksakto na nasa likod ko siya, sinipa ko siya! (yung parang black magic sa sipa) Tinamaan ko siya sa alulod niya, buti nga sa kanya! Siyempre, gumanda araw ko after nun! Sa office, bukod sa wala akong magawa ilang beses akong napapapikit habang naglilinis ng bintana, pero nilalabanan ko, di ako dapat nagpapadala sa tukso. Hindi significant ang araw na ito sa buhay ko dahil walang special na event.

Wednesday.. Masaya ang araw na ito kasi first time kong makapunta sa Chiba, isang oras na biyahe mula Tokyo, pinuntahan namin yung mga nabasag na salamin ng bintana at gumamit kami ng elmer’s glue para idikit uli ito, inabot kami ng dalawang oras kasi kinain nung nagbabantay yung ibang glue kaya bumili pa kami sa tindahan. Hindi ako nakaabot sa exam (Sex Ed) ko sa Kawasaki kasi late akong nakabalik, medyo mahaba yung biyahe, pagdating ko nga sa klase, wet look ang hair ko, hindi dahil binasa ko, dahil basang basa ako ng pawis. LITSUGAS!

Thursday, isa na namang insignificant day sa buhay ko, at meron na namang super kups sa train, nung una napansin kong lasing siya (isipin ninyo papasok ng opisina namumula) o siguro mistisong negro lang siya. Lahat ng tao sa paligid niya, tinitignan niya ng masama, nasa likuran niya ako sa bandang right kaya nung tumingin siya sa akin, medyo suplado, at nakakunat ang noo. Di ko pinansin kasi di naman niya ako inaano, nung huminto yung train sa Kawasaki, lumipat ako ng pwesto, aba, yung gago, yung right arm niya ay pinantulak sa bag ko papalayo sa kanya, eh hindi ko naman siya sinasagi! sa inis ko nagkaroon kami ng stare down, eventually pumungay ang mata niya na parang inantok, pero asar yun ah!

Friday! TGIF! Thank Goodness I’m Florante! Nagpakain ang DIT sa Philippine Team (maliban kina Dingdong at Mark dahil nasa Osaka na sila) Masarap ang kainan at solve na solve! yun nga lang medyo nasobrahan kasi naman nakakahiyang tumanggi, eto ang mga piling eksena kasama ang mga Japanese..

mag-amahuwat!

the president!

Eto naman mga piling eksena kasama ang mga sisters…

LaraKatXave

At jan nagtatapos ang aking masalimuot na lingo, pero pahabol, sa June 15 Birthday ng kaibigan kong si Rosy! Kikan! Happy Birthday ha! Lab ya! Alam mo yan nung naospital ka dati, o nakalimutan mo na? ehehehehe

At kay pareng Denster, pare! Happy Birthday sa 16. Lab ya! Alam mo yan nung 2nd year pa tayo, minahal na kita! nung tinawag ninyo akong peluka ni jackson! ehehehehheeh eto yung regalo ko sa iyo, Kikan sorry wala ako ha, tatawagan na lang kita, nandito ka naman sa Japan eh!

ang dami ko!