Posted in my tube, wala lang

I-youtube mo!!!

Naku! Eto na naman ako! Gagawa ng bogus na dahilan kung bakit ‘di ako nakakapagpost dito sa blog ko. Magmamakaawa na naman ako sa inyo na sana maintindihan nyo.. Blah! Blah! Blah!!

No more excuses! Talagang hindi na ako nakakapag post! At kahit sisihin ko ang trabaho ko… kahit sisihin ko ang mga yakuza dahil pinutulan nila ako ng daliri…  kahit pa pumuti ang uwak sa harapan ko, ay hindi na ako gagawa ng dahilan. Bagkus ay aanyayahan ko kayong panoorin ang mga youtube videos ko na kung saan hindi na ninyo kailangang basahin pa ang mga pinagsasabi ko, papanoorin na lang ninyo at bahala na kayo kung isusumpa ninyo ako o bibigyan ng paranggal.. ehehehehehe

Sana ay mabisita ninyo ang aking youtube channel at sana rin ay mag subscribe kayo kung nais ninyong makita ang kahibangan ko!! Eto ang pinaka bagong post ko na sana makarelate kayo!

Posted in wala lang

nawawala…

may kasabihan nga tayo.. magkakaroon ka lang ng pagpapahalaga sa isang bagay kung ito ay wala na.. at kaninang umaga.. may nawawala.. nawawala yung belt ko..

iisa lang ang belt ko para sa mga slacks ko.. hindi dahil bago o maganda ang belt na ito, kundi eto lang kasi yung belt na hindi nagmamantsa sa polo ko.. bumili kasi ako dati ng bagong belt.. mamahalin pa man din sya.. pero isang beses ko pa lang ginamit.. nagkamantsa na agad yung polo ko.. kaya tinago ko na lang ang bagong belt sa aking cabinet at gagamitin ko na lang siguro ito kapag hindi ako magtutuck-in…

mabalik tayo sa nawawala kong belt.. ang weird lang kasi niya.. nung friday naglaba kasi ako.. tanda ko pa na tinanggal ko yung belt mula sa slacks ko at inilagay sa lapag (dahil yun ang official working table, dining table, at kama ko).. ganun naman lagi ang routine ko kapag naglalaba… at yung belt na yun.. pang slacks lang talaga..

kaninang umaga, pag suot ko ng bagong slacks.. agad kong hinanap ang sinturon.. wala… tingin sa higaan.. wala… tingin sa laundry basket.. wala… tingin sa sampayan… wala.. tingin sa toilet bowl.. wala.. WALA.. WALA!!

pusang gala.. malalate ako nito, at hindi pa nakapusod ang buhok ko.. so kinuha ko muna yung bagong belt na nagmamantsa sa polo at panandalian ko muna itong gagamitin hanggang lumitaw muli ang belt ko sa bahay…

pansin ko… madaming beses nang nangyari sa akin na sa una ay nawawala ang mga hinahanap mong bagay.. tapos kapag di mo na kailangan.. saka siya susulpot.. parang pag-ibig lang.. kung kailan mo siya kailangan.. wala siya.. di mo makita.. pero kapag di mo naman kailangan.. lagi mo siyang nakikita.. minsan natatalisod ka pa nga eh…

kayo ba.. nangyayari ba sa inyo ito?