Posted in my tube, wala lang

I-youtube mo!!!

Naku! Eto na naman ako! Gagawa ng bogus na dahilan kung bakit ‘di ako nakakapagpost dito sa blog ko. Magmamakaawa na naman ako sa inyo na sana maintindihan nyo.. Blah! Blah! Blah!!

No more excuses! Talagang hindi na ako nakakapag post! At kahit sisihin ko ang trabaho ko… kahit sisihin ko ang mga yakuza dahil pinutulan nila ako ng daliri…  kahit pa pumuti ang uwak sa harapan ko, ay hindi na ako gagawa ng dahilan. Bagkus ay aanyayahan ko kayong panoorin ang mga youtube videos ko na kung saan hindi na ninyo kailangang basahin pa ang mga pinagsasabi ko, papanoorin na lang ninyo at bahala na kayo kung isusumpa ninyo ako o bibigyan ng paranggal.. ehehehehehe

Sana ay mabisita ninyo ang aking youtube channel at sana rin ay mag subscribe kayo kung nais ninyong makita ang kahibangan ko!! Eto ang pinaka bagong post ko na sana makarelate kayo!

Posted in back to the past, kups session, pityur pityur, wala lang

pangingisda…

*uyyy may draft pala ako na hindi pa napapaskil.. eto muna bago ako gumawa ng iba… at salamat nga pala sa mga nagbigay ng award.. gagawa po ako.. pramis.. magkatulo man si batman… salamat uli!!!

sa mga regular na nagbabasa ng aking pahina (tulad ng nanay ko) eh marahil napansin ninyo na makapal ang pagmumukha ko kapag nakukwento ko ang sarili ko na may kaunting exageration.. sa totoo lang, ngayon na lang ako nagpapaka exag dahil noong bata ako, eh pinagkaila sa akin ng tadhana ang kagwapuhan… kaya nga sapilitan ang pagpapahayag ko na ako ay gwapo, at kahit alam kong nasusuka nagsasawa na kayo sa mga pinagsasabi ko, ay nasisikmura pa rin ninyong magbasa…

hayaan ninyong ipakita ko sa inyo ang evolution ko… pero bago ang lahat, silipin muna ninyo ito, eto po ay mga piling mugshots ko.. pinagsama-sama upang kayo ay mamangha kung paano nabuo ang pagmumukha ko…

mula ng inire ako ng ng nanay ko papalabas dito sa mundo, siya lang ang bukod tanging nagsasabi na gwapo ako.. dahil siguro naniniwala siya sa love your own na kasabihan at wala rin naman siyang magagawa dahil ilang bahay ampunan na ang tinaggihan ako dahil hindi sila tumatanggap ng matsing…

hanggang sa paglaki ko, nanay ko lang ang naririnig kong nagsasabi ng kasinungalingan katotohanan tungkol sa hitsura ko.. kaya nga kapag may ibang nagsasabi, hindi ako sanay.. hindi ako marunong tumanggap ng compliment… kaya nasanay na lang ako na kapag sinabihan ako ng gwapo ng kahit sino.. either may hihiramin sila, uutang o tinatarantado lang ako…

sa katunayan, kapag nakikita ko ang sarili ko sa larawan at medyo natuwa ako, kahit ilang beses kong gawin ang pose na yun ay hindi ko na maulit.. napaka unique ng pagmumukha ko pagdating sa picture.. kaya nga kahit anong ensayo ang gawin ko sa salamin, nababasag at nababasag ito…

kaya nga sa ngayon, eh hindi na ako nagpapaka effort na umanggulo pa o pumorma pag nagkodakan na, dahil iisa lang naman ang kalalabasan nito… wacky… kahit seryoso ako o di kaya ay nakangiti, wacky na ang tingin ng karamihan…

kaya pagbigyan na sana ninyo ako kung madalas minsan ay nag “fifish” ako ng compliment, dahil intindihin ninyo ang kalagayan ng taong salat sa kagwapuhan… at kung hindi naman kayo convinced na nagsasabi ako ng totoo sa aking alindog pag-uugali, eh minarapat kong ipaskil dito ang mga piling larawan na tiyak ay mapapa “putangina ang kapal ng mukha” “wow” kayo kapag nakita ninyo….

NSFW ang karamihan sa mga larawan kaya patnubay ng magulang ang kailangan para sa mga batang nasa edad 15 pababa…

at bilang pagtatapos, nagpapasalamat po ako sa mga walang sawang bumabalik-balik sa blog ko upang basahin ang mga nakakahiya nakakasuka nakakainis nakatutuwang kwento ko… isa lang po ang hinihiling ko na sana ay hindi kayo magsawa at nawa’y patnubayan kayo ng saltik sa ulo para i-click muli ang aking pahina.. muli maraming salamat… maaari po ninyo akong ma-contact sa pamamagitan ng sms.. just txt POTPOT ON and send to 2366… local rates apply (60% of the collected funds will be donated to the Potpot foundation, na ang primary mission ay tulungan bigyan ng pagkain si potpot)…

Posted in back to the past, wala lang

balik tanaw…

5 taon na rin ang nakalipas nung iwan ko ang aking “dream job” sa pinas upang makipag sapalaran dito sa lupain ng mga sakang/pike.. hindi ko man pinagsisisihan ang pag-alis ko doon pero may mga alala ako na sadyang nakakapagpasaya sa akin tuwing naaalala ko ito o nakukwento sa mga kaibigan..

mula 2002 hanggang 2007, nagtrabaho ako sa pinakamalaking broadcasting network sa pilipinas bilang isang “system engineer”.. isang pangarap lamang nung ako ay nag-aaral ng kolehiyo pero naging realidad nung ako ay nag-apply at natanggap…

nanghihinayang ako dahil maraming oportunidad para lumago sa kumpanya ngunit dahil sa politika, ay hindi nausad ang isang tulad ko na walang koneksyon.. nakakalungkot pero totoo…

pero kakambal ng masakit na pighati ay ang mga masasayang alala ng nakaraan kasama ng mga kaibigan at mga katrabaho na hinding-hindi ko makakalimutan.. hayaan ninyong magbanggit ako ng mga ilang mga masasaya at di gaanong masayang kaganapan, noong ako ay nagtatrabaho pa roon..

– ang muntikang sagutan namin ni Alex Santos sa welcome rotonda dahil lamang sa mikropono..

– ang makasakay sa sky patrol..

– ang mamura ni Doris Bigornia kapag hindi ko napatay ang on-air monitoring niya sa earpiece niya…

– ang makatrabaho si Sol Aragones dahil down to earth siyang tao, at kapit bahay niya ang kumpare ko sa bording house..

– ang matawag ng “Potpot” ng mga kilalang personalidad sa industriya…

– ang makaututang dila si Winnie Cordero…

– ang magkunwaring tagabalita kapag nag ma-mic test…

– ang malaman ang sikreto ni Lui Villaruz tuwing umaga…

– ang manginig sa takot kapag si Korina Sanchez ang aming anchor sa labas…

– ang makasama si Kuya Kim Atienza noong hindi pa siya kapamilya…

– ang malamang mahina minsan ang pandinig ni Ted Failon…

– ang makita ang ganda ni Nina Corpuz…

– ang magpapicture sa mga sikat na artista, lalong lalo na si Cindy Kurleto…

– ang muntik ng magulpi ng mga FPJ fans sa kanyang burol dahil nag sorry si Karen Davila… pero love ko pa rin si ma’am Karen..

– ang makabiruan si Jorge Carino…

– ang masilayan ang tikas ni Erwin Tulfo lalong lalo na sa mga kalalakihan…

– ang minsang hindi ko maintindihang punto ni Aljo Bendijo…

– ang mainterview ni Maria Ressa at Charie Villa para sa field producer position…

– ang pagsagot ni Gabby Lopez sa aming email tungkol sa aming sweldo…

… sa totoo lang, iilan lang yan sa mga masasayang kaganapan noong nagtatrabaho pa ako sa IBC-13… oo.. bakit? kala ninyo sa ABS-CBN ako nagtatrabaho.. bawal mag assume ha…

Posted in katas utak, kups session

may bago ba?

sa mga hindi pa nakaka-alam… oo.. nasa japan uli ako.. hindi ko na kasalanan kung pinili nila ako dahil sa husay kong gumiling.. kaya alma moreno.. move over…

halos isang buwan na rin ako dito.. kung bakit hindi ako nagpaparamdam sa inyo.. sa malamang kasi mahirap kasi ang walang internet sa bahay… mas lalong mahirap yung nakikinakaw ka ng wi-fi ng kapitbahay kaya pasulpot-sulpot lang ako..

pero ngayon.. i am back from outer space… ibig bang sabihin nito ay mapapadalas na uli ang pag blog ko? ibig bang sabihin nito ay magpapatransplant na ako ng ari ko? ibig bang sabihin nito ay titigilan ko na ang panonood ng porn? ibig bang sabihin nito ay forever na ako dito? pwes. mali lahat ang akala nyo…

o sige na.. may punto yung mga sinabi ko.. maliban dun sa unang statement na binitawan ko.. JOKE!

well, sa tingin ko nabawasan ako ng brain cells kaya hindi na ako kasing bibo noong dekada nubenta.. tumatanda na ako at hindi naman kaila sa inyo na 5 ang panganay ko.. kaya kailangang magbanat ng buto at kumayod.. mahirap kayang gumiling-giling habang kinakanta ang “and i would do anything for love.. but i won’t do that.. no.. no.. but i won’t do that…”

maraming salamat sa inyo sa walang sawa ninyo pagbabasa o aksidenteng pag punta dito sa munti kong pahina.. malaking utang na loob ko sa mga nagbabasa at sa mga nais magbasa ng aking walang kwentang gawa.. ang lahat ng ito ay para sa inyo.. sa inyo.. at higit sa lahat.. sa inyo…

so ayan.. na update na kayo ng status ko ngayon.. so ano pang ginagawa ninyo dito? abangan na lang ninyo ang mas pinakorny… mas walang kwenta.. mas kadiri-diring pagboblog ni potpot at sana wag na siyang bumalik pa… *bow*

bago ko tapusin to.. isang paalala… wag kayong masyadong magkakakain ng manok.. sa malamang tutubuan kayo ng pakpak… kasi isang buwan na akong nagmamanok dito, kulang na lang lumipad ako… pero pramis.. nangako ako sa sarili ko na magpapapayat na ako.. ipagdasal ninyo ako na sana hindi ako matigok habang ginagawa ko ang himalang ito.. please..

o sya.. nagluluto pa ako.. sa muling pag blog ko.. sana nanjan pa kayo.. haylabyuhol!