Posted in back to the past, katas utak, wala lang

lindol…

sa darating na march 11 ang anniversary ng isa sa malakas na lindol na yumugyog sa amin dito sa bansang hapon.. at dahil anniversary nga.. nagpaparamdam na naman ang loko… siguro sabi niya “oi, kala ninyo nakalimutan ko kayo ha.. i’m back!” PTL.. parang tanga lang…

at naisip ko na pwede ko ng ihalintulad ang lindol sa isang masugid na manliligaw.. ang kulit eh… tarantado rin, hindi na kami tinatantanan…

bilang paggunita sa nangyaring trahedya, hayaan ninyong maglabas ako ng kaunting tips na natutunan ko sa aking mga nuno, mga kaibigan, mga kainuman sa kalsada, mga kakulutan sa parlor, mga barbero at magtataho patungkol sa lindol at kung paano makakaiwas sa sakuna kung sakaling maulit, ay nakahanda tayo..

1. Huwag magtago sa ilalim ng mesa – nakasanayan o laging napag-uusapan na kung sakali daw lumindol, safe daw ang magtago sa ilalim ng mesa pero sa totoo lang, delikado ang ilalim ng mesa dahil maaari kayong ma ipit kung sakaling mabagsakan kayo ng kisami. minumungkahi na kung sakaling malakas ang lindol ay pumusisyon sa gilid ng mesa at hawakan ng dalawang kamay ang ulo.

2. Huwag magpanic – dapat kasi na ito ang unang-unang gawin, pero karamihan kasi ay instinct na magpunta sa ilalim ng mesa kaya pangalawa lang ito sa mga tips… walang magagawa ang taong nagpapanic kundi ang magbigay pa ng panic sa ibang hindi naman nagpapanic.. manatili lamang sa pwesto at obserbahan ang mga nangyayari ng sa gayon ay makapag desisyon ka ng ayon sa sitwasyon at para makaiwas sa sakuna…

3. Umakyat patungo sa pinaka taas na palapag – sabi ng asawa ko, mas safe ang umakyat kaysa pababa kasi maaaring maipit ka kung ikaw ay nasa may bandang ibaba na bahagi ng gusali… maaari ka ring ma-rescue ng helicopter kung sakaling makita ka sa may itaas… pero kung nasa 1st floor ka na, wag ka ng umakyat.. dumeretso ka na sa exit.. pero kung ayaw mo.. sa entrance ka na lang lumabas…

4. Huwag tatakbo – kadalasan, marami ng tao ang nagpupumilit makalabas ng gusali at lahat yan ay nagmamadali at nagtutulakan.. wag mo ng tangkain pang tumakbo dahil maaaring magbigay ito ng hudyat sa ibang mga tao na tumakbo rin… ayaw mo naman siguro magpauso ng stampede sa gusali, kaya kung maaari ay paki-iwasan ito…

5. Dalhin ang dapat dalhin – kung sa palagay mo ay matatagalan pa ang pagyugyug ng gusali, kuhain na ang mga importanteng bagay katulad ng cellphone, wallet, susi ng bahay, susi ng sasakyan, make-up, sanitary pad, deodorant at kung ano pa ang sa tingin mong kailangan mo para hindi ka mag-aalala kung may naiwan ka na kailangan mo pala…

6. Sumunod sa mga marshalls – kada gusali ay may itinalagang mga marshalls para i-assist kayo kung saan lalabas kung sakaling may lindol.. huwag magmarunong at mag shortcut gamit ang elevator o bintana sa 9th floor.. kung iniisip mong mabilis kang makabababa, mali ka dahil posibleng  huminto ang elevator at maipit ka pa ng ilang oras o kung sakaling tumalon ka man sa 9th floor eh diretso ka na sa morgue…

7. Agad tawagan o i-txt ang mga mahal sa buhay – guilty ako dito dahil hindi ako nakapag message sa asawa ko noon.. kaya lahat ng mga kakilala ko sa facebook ay ni-message niya kung nakauwi na ako at naireport na ako bilang missing person sa aming baranggay sa pinas, kahit nandito ako sa japan… i-kontak agad ang mga mahal sa buhay ng sa gayon ay hindi nag-aalala… ipaalam kung nasaan ka ng sa gayon kung hanapin ka nila ay madali nilang matutunton ang bangkay mo…

8. Magdasal – naniniwala ako na kahit wala kang relihiyon, ay marunong kang magdasal… pwede mo namang tawagin si batman kapag nagdadasal…

9. Huwag mag-isip ng masama – ang tipikal na ugali ng mga pinoy kapag may sakuna ay kung paano makakalamang sa kapwa.. aminin man natin o hindi, kapag may trahedya, maraming nagsusulputang mga magnanakaw… tigilan na po natin yan… wag na po ninyong tangkaing nakawin ang panty na nakasabit sa sampayan…

10. Kung magvivideo ka ng sakuna, siguraduhing nakapag ayos ka muna para kung sakaling maisama ang mukha mo sa video at na TV Patrol ka.. masasabi ng mga nanonood na gwapo/maganda ka… laging maghanda ng facepowder at lipstick sa oras ng sakuna…

yan lang ang iba sa mga tips na maaari kong maibahagi.. kayo ba? may tip ba kayo kung tamaan kayo ng sakuna, katulad ng pagkahulog sa imburnal o natuyuan ng pawis sa swimming pool.. share nyo naman..