Salamat POEA and DFA… NANYO! part 2!

2016-05-12 16.49.10.jpg

Huminga ako ng malalim at ibinigkas ng mahinahon ang mga katagang “PUTANGINA NINYO!” “Ser, Biyernes ngayon, at sa Martes na po ang flight ko, ano pong gagawin ko?” Na sinagot naman ni manong guard na “Naku ser, hindi aabot ang pagpapagawa ninyo ng passport.”

Para akong sinaksak ng icepick na puno ng kalawang nung narinig ko si manong guard pero dahil nakapag workshop ako kay Jojo Veloso sa talent center ng ABS-CBN, dinaan ko sa acting para makapasok at makipag-usap sa may nakakaalam ng sitwasyon.

At dahil siguro pang-FAMAS ang acting ko, pinapasok ako, pero inulit niya uli ang pagkapkap sa akin para daw siguradong wala akong dalang bomba.. at naramdaman ko ang pagpisil niya sa kaliwang pisngi ng aking pwet.. nakahalata ako ng bahagya..

Diretso ako sa information para idulog ko ang aking sitwasyon at ako ay naituro na magpunta sa isang officer para magpa “extension”. WOW! Ano kaya sinasabi ng mga guards na wala na daw extension?? Utot ninyo!

Dito ako nagkaroon ng panibagong pag-asa, paglapit ko pa lang sa opisina, sinalubong ako ng guard uli at kinuha ang kapirasong papel na ibinigay sa akin sa information para mai-pila sa mga taong nandoon para ayusin ang kanilang gusot.. kakaunti lang naman ang tao sa loob, mga 30 katao, ang saya di ba? at hulaan ninyo kung ilan ang officer na nandun.. 15 windows, dalawa ang nakatao, tayo pa ng tayo.. eh di wow!

Nasubukan ang pasensya ko at pagkalipas ng ten years dalawang oras, natawag na ang pangalan ko..

“Naku sir! mahihirapan kayong umalis nito kasi mapapaso na ang passport mo, ganito na lang sir, bigyan ko kayo referral para mapa extend ang passport mo, pero sir, pa-renew mo na rin dito sa DFA ang passport ninyo kasi ganun din naman. Yung express sir para makuha mo agad”

Sa mga oras na ito, pagod na ako at wala ng energy para makipag talo, kaya pumayag na ako. Nung tinanong ko kung magkano, kinulang ang dala kong cash ng 50 pesos… 50 pesos… 50 pesos.. 50 PESOS!!! So naki-usap ako kung pwedeng hindi na express since hindi ko naman na makukuha sa pinas ang pasaporte ko kundi ipapadala sa Japan.

“Naku sir, mas ok po ang express, mabilis po ito” At dito nagsalita na ako “HINDI KO NGA MAKUKUHA DITO SA PINAS KASI NGA NASA JAPAN NA AKO?!?! BAKIT DI NA LANG EXTENSION AT SA JAPAN EMBASSY NA LANG AKO MAGPAPA RENEW!!” “Sir, balik na lang ako sa Lunes, kulang ang pera ko.”

At hindi ko na itutuloy kasi alam naman na ninyo ang kalakaran sa pinas, pero ang conclusion, nakapagpa extension ako for one year, nakapag parenew ako, at ipapadala nila sa Japan ang passport ko. Naka punta na rin ako uli ng POEA para makakuha ng OEC nakabayad na rin ng OWWA. Nangyari lahat iyan noong Lunes, mula 7AM hanggang 3PM, walang lunch break, bawal mawala sa pila, may sisingit..

Ang masasabi ko lang sa experience ko, NEVER AGAIN! nasayang ang 2 days ko, kaya next time kailangang maging wise… HINDI KO NA PAAABUTIN NA MAG 6 MONTHS PASSPORT KO BAGO MAG EXPIRE!

Pero pramis.. nagkapasa ako sa pwet…

Hello Friend

Salamat POEA and DFA… NANYO!

2016-04-23 19.04.42
Walang kinalaman ang larang ito sa post na ito.. pakialam ba ninyo!

Limang araw bago ako magbalik sa lupain ni godzilla nang naiplano ko na kumuha ng OEC o tinatawag na Overseas Employment Certificate na kinakailangan ng isang OFW para makatakas makalabas sa bansang nagpapasakit sa aking bulsa sinilangan.

Itong papel na ito ay nagsisimbulo na ikaw ay isang TNT bayaning Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa para payamanin ang kaban ng ating pamahalaan na binubulsa ng karamihan sa mga pulitiko ipadala sa ating mga mahal sa buhay para magkaroon sila ng salapi pang gastos sa paglaro ng DOTA sa piso net pang-araw-araw.

Nagpareserve ako sa website ng POEA para mabigyan ng prioridad sa pagkuha ng OEC. Kinse minutos bago mag ala-una, nandun na ako sa may POEA Ortigas, kasama ko ang daan-daang mga nakapag pa”reserve” dahil ang ibig sabihin pala ng “reserve” ay “pipila ka pa rin sa ayaw mo’t sa gusto dahil pangit ang aming sistema at magtiis ka jan, belat!!”

Walang problema, umupo ako at hinintay isigaw ng guwardya sibil ang numero ko, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit may mikroponong ginagamit ang guwardiya, pero sabog naman ang maririnig mo sa speaker, nakakalungkot lang. Eniweys, nasa may harapan na ako ng isang taga-asikaso ng aking OEC pero nagkaroon lamang ako ng problema, apat na buwan na lang at mapapaso na ang aking pasaporte na ayon sa batas trapiko ng Pilipinas, kailangan ay mapa-renew ko na ito six month before expiration.. eh di wow.

Pinapunta ako sa DFA na kung saan kailangan kong humingi ng “extension” sa aking pasaporte para payagang makaalis ng bansa, or else, mahaharang lang daw ako sa immigration dahil bawal umalis ang pogi malapit na ngang mapaso ang pasaporte ko kahit apat na buwan pa ang natitira. Kaya napaisip ako na dapat ang pagkain ay tinatapon na rin kapag 6 months pa ito bago mag-expire, o di kaya 6 months bago matapos ang termino ng mga politiko ay magsialis na sila sa pwesto, ang husay lang kasi.

Eh di yun nga, nagpunta akong DFA para makakuha ng “extension” pero sa may entrance pa lang nung tinanong ako ni manong guard kung bakit ako nagpunta sa DFA, sinabi agad nilang “wala na pong extension na binibigay”. Doon pa lang gusto ko ng maglulupasay at umiyak sa harap ng maraming tao magwala dahil paano ako makakaalis ng bansa kong pinakamamahal para ipagpatuloy ang trabaho ko sa ibang bansa bilang macho dancer engineer.

Mahinahon kong sinabi na “Sa April 5 na po ang alis ko papunta sa Japan, paano po yan?” At pinakita ko ang saddest look na pwedeng gawin ng lalakeng may bigote at balbas. Siguro bading mabait si manong guard dahil pagkatapos niya akong kapkapan ng 5 minutes, eh sinabi niyang pumunta ako sa window 5.

At nung sinabi niya yun ay nagkaroon ako ng pag-asa at nasabi sa aking sarili na “nagbago na nga ang mga ahensya ng gobyerno”. Pero bago pa ako pumasok ay hinarang na naman ako ng isa pang manong guard para kapkapan ako ng 5 minutes uli at sinabing “wala na hong binibigay na extension, pasensya na.” At dito gusto ko ng sabunutan si manong guard kahit semi-kalbo sya magwala dahil nawawalan na ako ng pasensya.

ITUTULOY…

Expectation vs. Reality

 

 

Basagan

2016-02-05 16.34.21

Mahigit isang taon na ang nakakalipas at sa malamang hindi pa rin kayo nagsisi-alis dito sa aking pahina, ANO BANG BINABALIK-BALIKAN NINYO DITO?!?!

Siguro iniisip ninyo na kapag nagbalik si Potpot eh napakalupit na nitong gumawa ng katha sa Tagalog… Siguro iniisip ninyo na kapag gumawa uli si Potpot ng bagong blog post ay mas nakakatawa ang ikukwento niya… Siguro akala ninyo nagparetoke na ng pototoy si Potpot at ganap na siyang babae? Siguro.. hindi sigurado…

Siyanga pala, nandito pa rin ako sa lupain ni ultraman at godzilla, at oo, mukhang dito na ako tatanda kahit matanda na ako dahil bata pa ako…

Marami na namang magtataka sa inyo, magbabalik ako tapos aabutin ng pagputi ng uwak buwan bago ako bumalik sa pag kwento, pero hindi na ngayon. Ako ay nagdesisiyon na dapat sa loob ng isang linggo ay meron akong maibabahagi sa inyo na kapupulutan ninyo ng katarantaduhan aral at makakapag-bigay sa inyo ng matinding kasuklaman aliw…

At naisip ko rin na ipakilala sa inyo ang nakikipagplastikang totoong ako. Kung ano ang kinahihiligan ko, kung ano ba ang pinagkakaabalahan ko, at kung sino ang PUTANG-INANG NAGNAKAW NG CELLPHONE KO SA JEEP nakakapagbigay sa akin ng inspirasyon para sumulat.

Hindi lang yan, sasamahan pa natin ng kaunting video at pictures ng sa gayon ay maipakita ko sa inyo ang isa sa kinaaliwan ko noong nakaraang taon… mga hindi pa tuli na mga lalake mga collectibles…

Salamat at hindi pa rin kayo nagsasawang balikan ang pahinang ito.. promise, hindi ko na kayo bibitinin.. pero tandaan, promises are made to be broken…

The most important thing you should never forget…

salamat sa lahat…

baho!
baho!

Salamat sa mga naging kakwentuhan, kakulitan, kachikahan ko dito sa aking unang bahay bago pa naging patok ang facebook/twitter/instagram… aminin ko man o hindi, ilang taon na rin akong tambay ng cyberspace… nagkalat ang ka-abnormalan ko sa internet na kahit i-google ninyo ako, ay porn sites ang mapupuntahan ninyo.. pero ‘wag na niyong balaking gawin pa ‘yan.. please.. parang awa na ninyo…

Sa totoo lang, hindi ko inaakala na sa hinaba-haba ng panahon, dito pa rin ako babalik-balik… Dito ko kasi nailalabas ang mga kalokohan ko kahit sabihin natin na sa personal ay may pagkaloko-loko ako… mas malaya kong nasasabi ang saloobin ko na hindi ako hinuhusgahan ng mga tao na ang tingin nila sa sarili ay napaka-superior.. pwe…

Pasensya na at hindi ako nakabibisita sa mga kaibigan ko dito dahil sa mga kadahilanang hindi ko na sasabihin pero kung pipilitin ninyo ako ay hindi ko ipagdadamot na sabihin sa inyo na dahil naging busy ako sa trabaho kaya hindi ako nakakatambay palagi.. pero huwag kayong mag-alala, hindi pa rin ako makakabisita sa mga sites ninyo… paninindigan ko na kunwari ay hindi na ako existing sa internet at magpapaka “anonymous” na lang ako sa pagbisita sa mga page ninyo… at kapag hindi ako nakapagpigil sa pag like at pag-comment, burahin na lang ninyo kasi baka mapahaba pa ang kwentuhan natin…

Nag-iba na ako ng trabaho, pero hindi naman ito nalalayo sa dati kong trabaho na tiga-make-up ng patay sa funeraria paz, ngayon kasi ang trabaho ko ay tiga-manicure/pedicure ng mga namatay na kuko.. medyo malapit ‘di ba? Nagpursigi ako sa trabaho ko ngayon at dahil siguro sa aking determinasyon at sipag sa trabaho, ipinagkaloob sa akin ni batman ang kanyang brief swerte dahil ako ay na-promote sa trabaho ko bilang sub-leader ng mga beking kailangan mong utusan bago magsikilos sa trabaho…

Swerte lang siguro ako ngayon dahil kahit mahirap ang trabaho ko, nakakahabol naman ako at araw-araw may natututunan… at dahil nga nakita nila na kulang na lang ay ingudngod ko ang pagmumukha ko sa mabahong paa ng customer, tinaasan nila ang sweldo ko ng 9 pesos at ginawang taga-saway ng mga nagsasayaw na unggoy sa zoo… bongga lang…

At pansinin ninyo na wala pa ring pinagbago sa mga sulat ko, wala pa rin kayong maintindihan at wala pa ring sense at structure ang pagsusulat ko… kaya nga tinawag na walang basagan ng trip, sabunutan ko kayo sa kili-kili eh…

Bigyan pa ninyo ako ng time para makahinga ng maluwag… at sana mapasaya ko pa rin kayo kahit sandali ng makalimutan ninyo ang mga problema ninyo… maraming salamat at mabuhay tayong mga bloggers!! woot!!

the pain…

the pain..
the pain..

ANO BA?!?? Gaano ba katagal ang balak mong saktan ako? Hindi ko alam kung ano ba ginawa ko para saktan mo ako ng ganito. Ang kirot ng dibdib ko! SOBRA!

Dati-rati, hindi ko pinapansin ang mga ginagawa mo sa akin. Akala ko kasi, normal lang ang nangyayari kapag binibisita mo ako. Sa katunayan, bibihira mo lang akong maalala, at sa tuwing darating ka, pinapahiya mo ako.

Pupuntiryahin mo ang mukha ko, at sa tuwing aalis ka, nag-iiwan ka ng marka na matagal bago maghilom. Sugat na tumatagos, pamamahiya na hanggang sa ngayon ay natatandaan ko. PAKSYET KA!

Pero bakit naman kung kailan nakapag “move-on” na ako sa iyo, saka magpaparamdam ng bonggang-bongga.

Lubayan mo na ako! Hindi ako makakilos ng mabuti dahil sa ginagawa mo! Pakiramdam ko kakaiba itong ginagawa mo sa akin. Hindi ito normal! PARANG AWA MO NA! LUBAYAN MO NA AKO!

Tutubuan lang ako ng tigyawat, sa mismong kaliwang utong ko pa! PESTE TALAGA!

personal preference..

my husband's lover
my husband’s lover

Lagi na lang na kapag may bago akong post, sasabihin ko na “pasensya na sa late post”. Well, para maiba naman, eto ang sasabihin ko ngayon, “magtiis kayo sa kahihintay!”. Ang yabang lang ng peg ko, sorry naman.

Sobrang busy ako sa trabaho at marami pa kasi akong dapat matutunan sa bagong career ko na isang “SUPULTURERO”. Yes! I dig graves for a living. Kung may kasabihan nga tayo na may pera sa basura, ang motto ng kumpanya namin, “may pera sa bulsa ng mga bangkay na nahuhukay”.

Pero hindi ito ang main focus ng aking kwento. Intro ko lang yan, ang totoo niyan, active ako sa ibang social media sites tulad ng Instagram, Tumblr, at Facebook.

May nakapagsabi nga sa akin, “ang tanda mo na, may instagram ka pa at tumblr”, na sinagot ko naman agad na “EH ANONG PAKIALAM MO! HINDOT!”, pero sa isip ko lang yan. Ang sinabi ko talaga, “Ahhh wala lang, trip ko lang”.

Sino ba ang nagsasabi o nagdidikta kung matanda ka o bata ka sa isang bagay na nag-eenjoy ka? Bakit kailangang magkaroon ng “age-restrictions” ang mga gawain na alam mo naman na qualified ka dahil tuli ka na or nireregla ka na? Paano mo ba masasabi na matanda or bata ang isang nilalang base sa mga ginagawa niya sa buhay? Kailan mo ba sasabihing tama o mali ang isang gawain na wala ka namang kaalam-alam? Ano ang sagot sa square-root of 3?

Ang daming tanong pero isa lang ang sagot.. PERSONAL PREFERENCE.

Nagkakaroon tayo ng sarili nating perception sa tao kapag sa tingin natin ay hindi ito angkop sa ating panlasa. Kapag nakakita ka ng matandang babae na nagsusuot ng sexy na damit, sasabihan natin sila na “NAGMUMURANG KAMIAS” pero ang totoo niyan ay komportable lang sila na isuot ang mga ganung klaseng damit, at posibleng lalandi si lola.

Kapag nakakita tayo ng teenager na may bf/gf, iisipin mo na “MALALANDI” dahil bata pa eh kumekereng-kreng na pero ang totoo niyan, inggit lang tayo kasi sila may lovelife, tayo, WALA! At sila may jerjer tayo ay “all by myself” lang ang beauty.

Kapag nakaka-encounter tayo ng mga matatanda na nanonood pa rin ng cartoons at naglalaro ng DOTA, sasabihin na hindi na bagay at dapat magtrabaho, pero ang totoo ay naiinggit tayo dahil sila ay may oras para magawa ang mga bagay na gusto nila, tayo, WALA!

Kapag nakakakita tayo ng mga bata na kung magsalita ay parang matanda, iisipin natin na masyadong mura pa ang isip para makapag-isip ng ganun, hindi natin naiisip na matalino ang bata at palabasa ng libro kaya matalino kung makapag-salita.

Sarili lang natin ang nagsasabi na tama/mali ang isang bagay ayon sa pagkakaalam natin kung ano ang tama at mali. Parang perlikula lang yan, yung iba gusto ang pinapanood samanatalang yung iba, hindi naman naibigan ang palabas. Personal preference lang lahat.

Parang sa pagkain, yung iba gusto may catsup ang itlog, yung iba gusto asin lang, choosy lang ‘di ba?

Kaya please lang, kung sa tingin ninyo na sa edad kong 25 (ehem!) ay walang karapatang mag-participate sa mga social networking sites, pasensya na at hindi ko na reach ang expectations ninyo.

At dahil jan, na promote ko ang aking ibang site ng hindi ako nagmumukhang desperado. I THANK YOU! BOW!