Posted in katas utak, pagkain, pityur pityur, wala lang

umagang kay ganda…. (weewee muna)

MAGANDANG UMAGA!!! <– isang pagbati na kung ating hihimay himayin ay napakagandang pakinggan… isa sa mga pagbati ng mga Pinoy (o kahit sino pa man) na tunay na magpapaganda ng umaga… dati nung ako’y alipin pa lamang sa dati kong trabaho…. gawain namin ng aking mga katoto na pag nagawi sa bandang mendiola (lugar kung saan nagtitipon ang mga raliyista at kung saan libre ang pagpapaligo sa kanila ng mga bumbero, bring your own sabon nga lang), mapapansin na nandun ang isang paaralan… kolehiyo.. na napakadaming naggwagwapuhan… ehem… naggagandahang dilag…. nung minsan bumati kami ng “magandang umaga” kumaripas ng takbo ang loka… sabagay di ko sya masisisi… makakita ka na tulad kong dambuhala at yung mga kasama kong walang ligo sa umaga eh talagang di ka na magdadalawang isip na umiwas… pero puna ko lang… ang pagbigkas ng mga katagang ito ay hindi lang dapat galig sa ilong… dapat ito ay sinasamahan ng ngiti at ibayong pagbigkas ng maparating mo sa iyong mga tagapakinig na ikaw ay buhay at handang humarap sa nakatagdang tungkulin.. *bow* Host : Thank you very much Ms. Talipapa for that speech…. and now on with the show… ——— Ang haba nung intro ko no… ewan ko ba.. tinoyo na naman ako.. dapat kagabi pa ako magsusulat eh tinamad na naman ako… eniweys…. nandito na naman ako upang bigyan kayo ng makabuluhang storya… pero bago ang lahat pasasalamatan ko muna ang isa sa mga kasamahan ko ditong si bokuchan… maku… thanks sa comment…. nalito ako kung sino ka dun sa dalawa… kasi… different eh…. i felt a certain something… eheheheh joke lang… tiis na lang… maaayos na natin ang iyong PSP nyo ni gen….. bwahahahahahahahahaha thank you very much… kahit sinaktan mo ang best friend kong si… WHAT?!?!?! NAKAKAALIW KA!! keep it up… you have a long road ahead of you… and usually… roads have different paths… be careful which one you take for it will lead you to success or failure… o dahil ikaw ang unang nagcomment (at mukhang ikaw lang talaga ang mag cocomment) ikaw ang aking feature blog reader! (for the rest of time..)

my favorite maku pic…. listening ON AIR ninenok ko sa friendster nya…

sana yung mga magcocomment kakilala ko para magawan ko ng ganito.. ehehehehehehe thanks again maku!

yesterday… ok naman ang work… pero nag-iiba trip ko sa buhay… gawa ba ito ng katandaan o talagang matanda na ako? pauwi kami kahapon.. dumaan kaming “KAWASAKI BE” mall ata ito.. ewan ko ba… tapos nakakita kami ng stuffed toys…. ewan ko.. para akong si tukmol.. nilabas yung digicam ko at nagkukuha.. kabadingan ko talaga.. eto yun

may disney store dun, at sale sila!! ahahay! *budget budget*

di pa ako nakuntento jan… eto pa…
wag po nyong kong kainin sir!

gusto ko na syang bilhin… buti na lang napigilan ko ang aking sarili….. kaya picture pictue na lang…. at eto po… may nakita akong malaking pussy cat… napakalaki!!!! grabe!!! sabi nga nung sales lady bawal daw kunan pero kinunan pa rin namin.. hawak hawak ko pa… eto o… *readers discretion is advised*

here kitty kitty kitty…

mura lang tong hello kitty na to.. mga kulang kulang na 30000 yen.. o di ba.. mura! mapapamura ka sa mahal! syet!

after the photo shoot nagpasya na kaming umuwi.. sakay ng train.. and my God…. the smell of alcohol lingers… i don’t get it… kahit weeekdays umiinom sila… sabi sa akin ni girlie… yun yung kanilang unwind stage… eh grabe naman may pasok kinabukasn iinom sila… hello?!?! hay naku.. reminds me of the kapitbahays in our place… tuwing 9am… medyo malapit sa tapat ng bahay namin.. may nagiinuman… and wow.. they have the time and money to spend for their alcohol while their children are wondering around the streets earning money for them to use…. it sickens me… mag-aanak anak di naman kayang suportahan ang pamilya…. then they will say…. “masarap eh”, o kaya “eh ano magagawa ko nanjan na yan” kulang sa ating mga pinoy ay education regarding the matter… let’s be responsible enough… gamitin nyo utak nyo sa taas wag yung utak nyo sa baba…. you have urges…. tawagin mo si “maria”… that’s it…..

hay ayan nailabas ko na kajudingan ko.. end ko lang ang aking words sa kinain namin kagabi… ANG SARAP! mura pa!

di ko alam tawag pero grabe nabusog ako…

hay.. kailangan ko ng mag-ayos…. later sana ma update ko uli itong blog ko… at sana pagbalik ko madaming nakapag comment na! eheheheheheh eto ang last pic ko, isa sa mga favorite shots ko….. enjoy guys and thank you for your time! baboosh!

ire pa!! kaya ko to!!! *pfffft*